Sable

(Idinirekta mula sa Sabre)

Ang sable ay isa sa tatlong sandata ng makabagong eskrima. Ang sable ay naiiba sa ibang makabagong eskrimang sandata, ang espada at plorete, doon pwede makapuntos gamit ang gilid ng sandata; para sa kadahilang ito, ang galawan at pag-atake ng eskrimador ay sobrang bilis. Para sa ibang dalawang sandata, pagsundot lamang ng dulo ng sandata ang pwede para makapuntos. Kagaya ng plorete, ang sable ay gumagamit ng kumbensyon ng prayoridad para matukoy kung sino ang makakapuntos.    

Isang pag-atake gamit ang sable.

Ang sable ay ang huling sandata sa eskrima na lumipat sa paggamit ng mga de-kuryenteng kagamitan. Ito’y naganap noong 1988, 31 na taon pagkatapos ng plorete at 52 na taon pagkatapos ng espada. Noong 2004, agad sinunod ng Palarong Olimpiko sa Tag-init sa Atenas, ang oras sa pagtatala ng tama ng sandata ay pinaikli batay sa nakaraang pagsasaayos, lapansin-pansing binabago ang laro at paraan kung saan ang pagtama ng sandata ay puntos.    

Ang interseksyon ng sable ay mayroong pa-Y o -V na korte, hindi katulad ng parisukat na hugis ng plorete, hindi ito kasing tigas ng espada. May habang 88 sentimetro ang mga pangmatandang sable. Ang dulo ng sable ay nakatiklop, tinatawag na "button" o butones, ngunit walang aktwal na pindutan. Ang proteksyong mala-kampana ng sable ay nakapaikot sa hawakan, nagsisilbing proteksyon para sa kamay ng eskrimador. Ang isang saksakan para sa pangkatawang kawad ay mahahanap sa proteksyong mala-kampana ng mga pangkuryenteng sable. Upang mapanatiling nakakabit ang proteksyong mala-kampana at hawakan, ang isang pangkabit na itinatawag na pommel ay nakakalakip sa dulo ng sable. Ang hawakan ng sable, tuwid, ang bell guard ay hindi kaayon sa ibang mga tatangnan. Ang kabuuan ng sandata ay may habang 105 sentimetro; ang pinakamabigat na timbang ay 500 gramo, ngunit ang mga kompetisyong sable ay higit na malapit sa 400 gramo. Ito ay higit na maikli sa plorete o espada, at higit na magaan sa espada, kung kaya’t higit na madaling gumalaw ng mabilis at mahayap. Madami ang naghahambing sa sable sa isang posporo, sapagkat madali itong mabali ngunit hindi gaanong mahal palitan.