Palarong Olimpiko sa Tag-init 2004

Palaro ng ika-XXVIII Olimpiyada, na ginanap sa Atenas, Gresya


Ang Palarong Olimpiko sa Tag-init 2004, (Griyego: Θερινοί Ολυμπιακοί Αγώνες 2004, Therinoí Olympiakoí Agónes 2004),[2] kinilala nang opisyal bilang Palaro ng Ika-XXVIII Olimpiyada, ay isang sabansaang kaganapang pampalakasang pangmaramihan na ipinagdiwang sa Atenas, Gresya, mula Agosto 13 hanggang 29 Agosto 2004, na may sawikaing Maligayang Pagdating sa Tahanan. Nakipagpaligsahan ang mga 10,625 manlalaro,[3] ang mga ibang 600 na humigit kaysa sa inaasahan, na sinamahan ng mga 5,501 opisyal na pangkuponan mula sa 201 bansa.[3] May mga 301 kaganapang pangmedalya sa 28 iba't ibang palakasan.[3] Ang Atenas 2004 ay nakatala sa unang pagkakataon mula sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 1896 na ang lahat ng mga bansa na may Pambansang Lupon ng Olimpiko ay nasa pagdadalo. Ito rin ang unang pagkakataon mula 1896 na ang Olimpiko ay naibalik sa Atenas.

Palarong Olimpiko sa Tag-init 2004
Palaro ng XXVIII Olimpiyada
Θερινοί Ολυμπιακοί Αγώνες 2004
Punong-abalaAthens, Greece
SalawikainWelcome Home
(Greek: Καλώς ήλθατε σπίτι, Kalós ílthate spíti)Καλωσόρισες
Maligayang Pagdating sa Tahanan

Ang mga sinaunang nagwagi ay ipinutungan ng anilyong
pitogo (Griyego:kotinos) — isang nakaugalian na inulit
sa mga medalista ng Palaro. Ang mga kulay ng
ng sagisag ay nagmumula sa watawat ng Gresya.
Estadistika
Bansa201
Atleta10,625 (6,296 men, 4,329 women)
Paligsahan301 in 28 sports (40 disciplines)
Seremonya
Binuksan13 August
Sinara29 August
Binuksan ni
Nagsindi
EstadyoOlympic Stadium
Kronolohiya
Tag-initNakaraan
2000 Sydney
Susunod
2008 Beijing
TaglamigNakaraan
2006 Salt Lake City
Susunod
2002 Torino

Anyaya ng pag-aalok

baguhin

Napili ang Atenas bilang punong-abalang lungsod sa kapanahunan ng Ika-106 na Pagpupulong ng IOC na ginanap sa Lausanne noong 5 Setyembre 1997. Natalo ang Atenas sa anyayang ito sa pagsasaayos ng Palarong Olimpiko sa Tag-init 1996 sa Atlanta na umabot ng pitong taong bago, noong 18 Setyembre 1990, sa kapanahunan ng Ika-96 na Pagpupulong ng IOC sa Tokyo. Sa ilalim ng pamamahala ni Gianna Angelopoulos-Daskalaki, ipinagpatuloy ng Atenas ng isa pang anyaya, panahon na maging punong-abala ng Palarong Olimpiko sa Tag-init 2004. Ang tagumpay ng Atenas sa pagtitiyak ng Palarong 2004 ay batay nang malawakan sa samo ng Atenas sa kasaysayan Olimpiko at ang hagkis na inilunan sa umiinog na gampanin na ang Gresya at Atenas ay gumanap sa pagtatatag sa Kilusang Olimpiko. Pagkatapos ng pamumuno ng lahat ng mga yugto ng paghahalal, maalwang nagapi ng Atenas ang Roma sa ika-5 at huling boto. Ang mga Kabong Bayan, Estokolmo, at Buenos Aires, na ang mga tatlong ibang lungsod na nagawa ng maikling-talaan ng IOC, ay inalis sa mga nauunang yugto ng paghahalal. Ang mga anim na iba pang lungsod ay nagpasa ng mga aplikasyon, subali't ang kanilang mga anyaya ay inalis ng IOC noong 1996. Ang mga lungsod ay Istanbul, Lille, Rio de Janeiro, San Juan, Sibilya, at San Pedrosburgo.[4]

 
Ang seremonya ukol sa pag-iilaw ng apoy ay inayos bilang isang makulay na pagtatanghal na pagano, na may sumasayaw na "babaylan".
Halalan para sa Pagkapunong-abalang Lungsod 2004 — mga resultang pambalota
Lungsod Bansa (NOC) Unang Yugto Ika-2 Yugto Ika-3 Yugto Ika-4 na Yugto Ika-5 Yugto
Atenas   Gresya 32 ... 38 52 66
Roma   Italya 23 ... 28 35 41
Kabong Bayan   Timog Aprika 16 62 22 20 -
Estokolmo   Suwesa 20 ... 19 - -
Buenos Aires   Arhentina 16 44 - - -

Mga sagisag

baguhin
 
Ang mga maskot ay batay sa pasimundang putik sa Pambansang Pang-arkeolohiyang Museo.

Mga maskot

baguhin

Ang mga maskot ay naging kaugalian sa mga Palarong Olimpiko mula Palarong Olimpiko sa Taglamig 1968 sa Grenoble, Pransiya. Ang palarong Atenas ay may dalawang opisyal na maskot: sina Athiná at Phévos (pagbigkas sa Griyego, Athina at Fivos). Ang mga magkapatid na babae at lalaki ay ipinangalan mula kay Athena, ang diyosa ng karunungan, estratehiya, at digmaan, at Phoebus, ang diyos ng liwanag at musika. Sila ay tinularan sa pamamagitan ng sinaunang daidala, na ang mga ito ay mga manika na may mga pakahulugang panrelihiyon gayundin ang pagiging mga laruan.

Pagpasa ng sulo

baguhin
 
Sa unang pagkakataon ang Olimpikong Apoy ay nakalibot ang daigdig.

Ang seremonya ng pag-iilaw ng Olimpikong Apoy ay ginanap noong Marso 25 sa Sinaunang Olimpiya. Sa unang pagkakataon nang kahit kailan, naglakbay ang apoy sa buong daigdig sa pagpasa sa mga dating Olimpikong lungsod at iba pang malalaking lungsod, bago bumalik sa Gresya.

Ang Pandaigidigang Landas na Panghimpapawid ng Olimpikong Pagpasa ng Sulo 2004 ay opisyal na nagsimula noong 4 Hulyo 2004, nang dumampi ang apoy sa Sydney, Australia, punong-abalang lungsod ng Palarong Olimpiko sa Tag-init 2000.

  Sydney, Australia (2000)
  Melbourne, Australia (1956)
  Tokyo, Hapon (1964)
  Seoul, Timog Korea (1988)
  Beijing, Tsina (2008)
  Delhi, Indiya
  Cairo, Ehipto (Hilagang Aprika / Gitnang Silangan)
  Kabong Bayan, Timog Aprika (Katimugang Aprika)
  Rio de Janeiro, Brasil (Timog Amerika)
  Lungsod ng Mehiko, Mehiko (1968)
  Los Angeles, Estados Unidos (1932/1984)
  San Luis, Estados Unidos (1904)
  Atlanta, Estados Unidos (1996)
  Lungsod ng Bagong York, Estados Unidos (Punung-himpilan ng Mga Nagkakaisang Bansa)
  Montreal, Canada (1976)
  Antwerp, Belhika (1920)
  Bruselas, Belhika (Punung-himpilan ng Unyong Europeo)
  Amsterdam, Olanda (1928)
  Geneva, Swesya
  Lausanne, Swesya (Punung-himpilan ng Pandaigdigang Lupon ng Olimpiko)
  Paris, Pransiya (1900/1924)
  Londres, United Kingdom (1908/1948/2012)
  Madrid, Espanya
  Barselona, Espanya (1992)
  Roma, Italya (1960)
  Myunik, Alemanya (1972)
  Berlin, Alemanya (1936)
  Estokolmo, Suwesa (1912)
  Helsinki, Pinlandiya (1952)
  Moskow, Rusya (1980)
  Kiyeb, Ukrayna
  Istanbul, Turkiya
  Sopiya, Bulgarya
  Nikosya, Tsipre
  Atenas, Gresya (1896/2004)

Palaro

baguhin

Seremonya ng Pagbubukas

baguhin
 
Ang Olimpikong Apoy sa Seremonya ng Pagbubukas.

Ang malawakang napuring Seremonya ng Pagbubukas ng tagapamahalang avant garde ng pagtatanghal na si Dimitris Papaioannou ay ginanap noong 13 Agosto 2004 na nagsimula ng dalawampu't walong segundong baligtad na pagbibilang kasama ng mga tunog ng malakas na tibok.[5] Nang nabuo ang pagbibilang nang baligtad, dumagundong at lumiwanag ang mga paputok sa kalangitan. Pagkatapos sumali ang mga kuwerpong pantambol at mga manunugtog ng bouzouki sa isang martsa ng pagbubukas, nagpalabas sa tabing pambidyo ang mga larawan ng pagsalipadpad, na dumadaan nang timog-kanluran mula Atenas sa pamamagitan ng Griyegong kanayunan patungong Sinaunang Olimpiya. Pagkatapos, ang isang tagatambol sa sinaunang istadyum ay sumali sa dalawahang pagtatambol sa isang tagatambol sa punong istadyum sa Atenas, na sumasanib ang likas na sinaunang palarong Olimpiko sa makabago bilang pagsasasimbolo. Sa huling bahagi ng dalawahang pagtambol, isang lumiliyab na pana ay nasibad mula sa tabing pambidyo (simbolikong mula sa sinauanng Olimpiya) patungo sa sumasalamin na sanaw, kung saan nagbunga ang apoy na bumuga sa gitna ng istadyum na naglilikha ng lumiliyab na apoy ng mga Olimpikong singsing sa sanaw. Ang Seremonya ng Pagbubukas ay isang makulay at magarbong pangtatanghal ng sinauanng kasaysayan at kulturang Griyego na bumabaliktanaw sa mga pinagmulang pangmitolohiyang ito. Nagsimula ang programa na ang batang Griyego na naglalayag ng 'bangkang-papel' patungo sa istadyum na gumagawayway ng watawat ng bansa sa musikang eter ng Hadjidakis at pagkatapos nagpakita ang isang taong-kabayo, kasunod ang isang malaking ulo ng sikladikong pigurin na sa huli nabasag sa mga piraso na sumasagisag ng mga pulong Griyego. Sa loob ng sikladikong ulo ay isang Elenistikong representasyon ng katawan ng tao, na sumasalamin ang kaisipan at paniniwala sa kasukdulanna sumasalamin sa Griyegong sining. Isang tao ay nakitang tumatalan sa lumilipad na kubo na sumasagisag ng walang hanggang 'paghihiwalay' ng tao sa pagitan ng matinding damdamin at katwiran kasunod ang isang pares ng mga batang mangingibig na mapaglarong naghahabol sa isa't isa habang ang diyos na si Eros ay lumilipad nang umiibabaw sa kanila. Kasunod doon isang makulay na paradang bangkilas na nagpapahiwatig ng pagtatala tungkol sa kasaysayang Griyego mula sa sinaunang kabihasnang Minoyka sa makabagong panahon.

Humantong ang Seremonya ng Pagbubukas sa pagliliwanag ng Olimpikong Kawang ng gintong medalistang manlalaro ng paglalayang ng 1996 na si Nikolaos Kaklamanakis. Ang malaking kawang, na naestilo sa Olimpikong Sulo ng Atenas 2004, ay uminog nang pababa upang masindihan niya, bago inangat nang dahan-dahan at itinaas ang apoy nang mataas sa pangingibabaw ng istadyum.

Parada ng mga bansa

baguhin

Kasunod ang mga makasining pagtatanghal, pumasok ang isang parada ng mga bansa sa istadyum na may humigit na 10,500 manlalaro na naglakad sa ilalim ng mga bandila ng mga 201 bansa. Isinaayos ang mga bansa ayon sa alpabetong Griyego na ginawang huling lima ang Pilipinas, Pinlandiya, Pidyi, Tsile, at Hong Kong na pumasok sa istadyum bago ang mga kinatawang Griyego. Sa okasyong ito, sa pagsunod ng nakaugalian na ang delegasyon ng Gresya ay magbubukas ng parada at isasara ito ng punong-abalang bansa, ang tagadala ng Griyegong watawat ay magbubukas ng parada at isasara ito ng lahat ng mga kinatawang Griyego. Batay sa tugon ng mga manonood, ang makabagbag-damdaming mataas na pananaw ng parada ay ang pagpasok ng mga kinatawan mula sa Apganistan na naging liban mula sa Olimpiko at may mga kababaiang mananaligsa sa unang pagkakataon. Ang mga kinatawan ng Irak ay kumanaw din ng mga damdamin. Nakilala rin ang martsa ng simbolikong pagsasama ng mga manlalaro mula sa Hilagang Korea at Timog Korea sa ilalim ng Koriyanong Watawat ng Pinagkaisahan. Ang mga bansa ng Kiribati ay napasinaya sa palarong ito at ang Silangang Timor ay napasinaya sa ilalim ng sariling watawat.

 
Mga lumahok na bansa

Mga lumahok na NOC

baguhin

Lahat ng mga Pambansang Lupon ng Olimpiko (NOC) na nakilahok sa Palarong Atenas, na ito ay nasa kaukulan noong 1896. Nakapaglikha ang dalawang bagong NOC mula 1996, at nakalikha ng kanilang pasinaya sa mga Palarong ito (Kiribati, at Silangang Timor), samakatuwid kasama ang muling pagpapakita ng Apganistan (lumiban sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 2000) ang kabuuang bilang ng mga bansang lumahok ay lumaki mula 199 sa 202. Ganundin mula 2000, pinalitan ng Yugoslabya ang pangalang ito sa Serbya at Montenegro at ang kodigong ito mula YUG sa SCG. Ang bilang sa loob ng mga panaklong ay nagpapahiwatig ang bilang mga lumahok na iniambag ng NOC.

Palakasan

baguhin

Ang mga palakasan na ibinantad sa Olimpikong Tag-init 2004 ay nakatala sa ibaba. Opisyal na may 28 palakasan tulad ng paglalangoy, pagtalong-sisid, sabayang paglalangoy at polong pantubig ay nakauri ng IOC bilang mga disiplina sa loob ng palakasan ng akwatika, at ang karerang pang-upuang-gulong ay isang palakasan ng pagpapatunghay. Sa unang pagkakataon, ang kategoryang pagbubuno ay nagpakita ng pambabaeng pagbubuno at ang paligsahang eskrima ang mga kababaihan ay nakipagpaligsahan sa sable. Ang Amerikanong Kristin Heaston, na nagsimula ng yugto ng pag-aakma ng pambabaeng larong palayuan ng bolang bakal ay naging unang babae na nakipagpaligsahan sa sinaunang pook ng Olimpiya nguni't ang Kubang Yumileidi Cumba na naging unang babae na nanalo ng gintong medalya roon.

Ang palakasan ng pagpapatunghay ng karerang pang-upuang-gulong ay isang pinagkakaisahang Olimpiko/Paralimpiko, na pinayagan ang kaganapang Paralimpiko na naganap sa loob ng Olimpiko, at para sa kunabukasan, na nagsasabi ng niloloob tungkol sa karerang pang-upuang-gulong para sa kapansanang may kakayanan. Ang Palarong Paralimpiko sa Tag-init 2004 ay ginanap din sa Atenas, mula Setyembre 20 hanggang 28.

2004 Summer Olympic Sports Programme

baguhin

Kalendaryo

baguhin
All times are in Eastern European Summer Time (UTC+3)

Padron:2004 Summer Olympics Calendar 31 na palakasan

Seremonya ng Pagsasara

baguhin
 
Seremonya ng pagtatapos ng Olimpikong Atenas 2004

Nagtapos ang Palaro noong 29 Agosto 2004. Ang seremonya ng pagtatapos ay ginanap sa Olimpikong Istadyum ng Atenas, kung saan binuksan ang Palaro nang 16 na araw na nakararaan. Halos 70,000 katao ang nagtipon sa istadyum upang mapanood ang seremonya.

Ang unang bahagi ng seremonya ay nagkalat ng pagtatanghal ng iba't ibang mang-aawit na Griyego, at nagpalabas ng mga nakaugaliang sayaw na Griyego mula sa iba't ibang rehiyon ng Gresya (Kreta, Ponto, Tesalya, atbp.). Ang kaganapan ay binalak upang maging tampok bilang pagmamalaki ng mga Griyego ang kanilang kultura at bansa na maipakita sa buong daigdig.

Ang isang bahagi ng seremonya ng pagtatapos ay ang palitan ng Olimpikong watawat ng palarong Antwerp sa pagitan ng pununglungsod ng Atenas at ang pununglungsod ng Beijing, punong-abalang lungsod ng susunod na palarong Olimpiko. Pagkatapos ng palitan ng watawat isang pagtatanghal mula sa mga kinatawan ng Beijing ay itinanghal ng isang sulyap sa kulturang Tsino upang ipakita sa buong daigdig. Ang mga mag-aaral ng Pamantasang Beijing (na sila ay nagkamaling natukoy bilang Twelve Girls Band) ay umawit na Mo Li Hua (Bulaklak na Hasmin) at ang seremonya ng medalya para sa huling kaganapan ng Olimpiyada, ang panlalaking maraton, ay napangasiwa, kung saan nanalo si Stefano Baldini ng Italya.

Ang tagapagdala ng watawat mula sa bawat delegasyon ng bansa ay pagkatapos pumasok sa may entablado, kasunod ang mga mananaligsa.

Naghatid ng mga maiikling talumpati sina Gianna Angelopoulos-Daskalaki, Pangulo ng Lupon sa Pagsasaayos, at ng Pangulong Dr. Jacques Rogge ng IOC, na inilarawan ang Olimpikong Atenas bilang "di-malimutang Palaro na may pangarap".

Ito ay nakatala na si Dr. Rogge ay dating nakapagpahayag na ibabali niya ang nakaugalian sa kanyang talumpati ng pagtatapos bilang Pangulo ng IOC at doon hindi niya gagamitin ang mga wika ng kanyang sinundang Juan Antonio Samaranch, na palagi niyang sinasabing 'ito ay pinakamaganadang palaro sa lahat ng panahon'. Nakapaglarawan ni Dr. Rogge ang Lungsod Salt Lake 2002 bilang "mabunying palaro" at sa kasunod itinuloy pagkatapos ng Atenas 2004 at inilarawan ang Turino 2006 bilang "likas na katangi-tanging palaro".

Ang mga pambansang awit ng Gresya at Tsina ay tinugtog sa seremonya ng paglipat kasabay ang pagtaas ng mga parehong watawat ng mga bansa. Ipinasa ng Pununglungsod ng Atenas, Dora Bakoyianni, ang Olimpikong Watawat sa Pununglungsod ng Beijing, Wang Qishan. Pagkatapos ng maikling pangkulturang pagtatanghal ng mga Tsinong aktor, mananayaw, at mga manunugtog sa ilalim ng direksiyon ng tanyag na Tsinong direktor Zhang Yimou, ipinahayag ni Rogge na ang tapos na ang Palarong Olimpiko.

Isang batang Griyega, Fotini Papaleonidopoulou, ay nagsindi ng simbolikong parol na may Olimpikong Apoy at ipinasa sa mga ibang bata bago "maapula" ang apoy sa kawang sa pamamagitan ng paghipan ng singasing ng apoy.

Ang seremonya ay natapos na may sari-saring pangmusikang pagtatanghal ng mga griyegong mang-aawit, kabilang sina George Dalaras, Haris Alexiou, Anna Vissi, Sakis Rouvas, Eleftheria Arvanitaki, Alkistis Protopsalti, Antonis Remos, Mixalis Xatzigiannis, Marinella at Dimitra Galani, na ang mga libong manlalaro ay dinala ang mga simbolikong dekorasyon sa entablado ng istadyum.

Talahanayan ng medalya

baguhin

Padron:Maon       Punong-abalang bansa (Gresya)

Antas  Bansa    Ginto   Pilak   Tanso   Kabuuan
1   United States (USA) 36 39 27 102
2   China (CHN) 32 17 14 63
3   Russia (RUS) 27 27 38 92
4   Australia (AUS) 17 16 16 49
5   Japan (JPN) 16 9 12 37
6   Germany (GER) 13 16 20 49
7   France (FRA) 11 9 13 33
8   Italy (ITA) 10 11 11 32
9   South Korea (KOR) 9 12 9 30
10   Great Britain (GBR) 9 9 12 30
11   Cuba (CUB) 9 7 11 27
12   Ukraine (UKR) 9 5 9 23
13   Hungary (HUN) 8 6 3 17
14   Romania (ROU) 8 5 6 19
15   Greece (GRE) 6 6 4 16
16   Brazil (BRA) 5 2 3 10
17   Norway (NOR) 5 0 1 6
18   Netherlands (NED) 4 9 9 22
19   Sweden (SWE) 4 2 1 7
20   Spain (ESP) 3 11 5 19
21   Canada (CAN) 3 6 3 12
22   Turkey (TUR) 3 3 4 10
23   Poland (POL) 3 2 5 10
24   New Zealand (NZL) 3 2 0 5
25   Thailand (THA) 3 1 4 8
26   Belarus (BLR) 2 6 7 15
27   Austria (AUT) 2 4 1 7
28   Ethiopia (ETH) 2 3 2 7
29   Iran (IRI) 2 2 2 6
29   Slovakia (SVK) 2 2 2 6
31   Chinese Taipei (TPE) 2 2 1 5
32   Georgia (GEO) 2 2 0 4
33   Bulgaria (BUL) 2 1 9 12
34   Jamaica (JAM) 2 1 2 5
34   Uzbekistan (UZB) 2 1 2 5
36   Morocco (MAR) 2 1 0 3
37   Denmark (DEN) 2 0 6 8
38   Argentina (ARG) 2 0 4 6
39   Chile (CHI) 2 0 1 3
40   Kazakhstan (KAZ) 1 4 3 8
41   Kenya (KEN) 1 4 2 7
42   Czech Republic (CZE) 1 3 4 8
43   South Africa (RSA) 1 3 2 6
44   Croatia (CRO) 1 2 2 5
45   Lithuania (LTU) 1 2 0 3
46   Egypt (EGY) 1 1 3 5
46   Switzerland (SUI) 1 1 3 5
48   Indonesia (INA) 1 1 2 4
49   Zimbabwe (ZIM) 1 1 1 3
50   Azerbaijan (AZE) 1 0 4 5
51   Belgium (BEL) 1 0 2 3
52   Bahamas (BAH) 1 0 1 2
52   Israel (ISR) 1 0 1 2
54   Cameroon (CMR) 1 0 0 1
54   Dominican Republic (DOM) 1 0 0 1
54   United Arab Emirates (UAE) 1 0 0 1
57   North Korea (PRK) 0 4 1 5
58   Latvia (LAT) 0 4 0 4
59   Mexico (MEX) 0 3 1 4
60   Portugal (POR) 0 2 1 3
61   Finland (FIN) 0 2 0 2
61   Serbia and Montenegro (SCG) 0 2 0 2
63   Slovenia (SLO) 0 1 3 4
64   Estonia (EST) 0 1 2 3
65   Hong Kong (HKG) 0 1 0 1
65   India (IND) 0 1 0 1
65   Paraguay (PAR) 0 1 0 1
68   Colombia (COL) 0 0 2 2
68   Nigeria (NGR) 0 0 2 2
68   Venezuela (VEN) 0 0 2 2
71   Eritrea (ERI) 0 0 1 1
71   Mongolia (MGL) 0 0 1 1
71   Syria (SYR) 0 0 1 1
71   Trinidad and Tobago (TRI) 0 0 1 1
Lahat-lahat 301 301 327 929
 
Athens Olympic Tennis Centre
 
Athens Olympic Velodrome

Faliro

baguhin
 
Faliro Olympic Beach Volleyball Centre hosting beach volleyball

Football venues

baguhin

Other venues

baguhin
 
Galatsi Olympic Hall hosted gymnastics (rhythmic) and table tennis

Isponsor

baguhin
Sponsors of the 2004 Summer Olympics
Worldwide Olympic Partners
Grand Sponsors
Official Supporters
Official Providers

Mga tampok na pangyayari

baguhin
  • Ang mga Griyegong mananakbong-hagibis na sina Konstantinos Kenteris at Ekaterini Thanou ay umatras sa palaro pagkatapos ng di-umanong pagpapalabas ng isang aksidente sa motorsiklo upang maiwasan ang pagsususuri sa droga.
  • Ang pandaigdigang tagahawak ng tala at matinding kinagigiliwang Paula Radcliffe ay nabigo sa maraton sa kamanghang-manghang paraan ng pagsasagawa, na hinayaang manalo si Mizuki Noguchi ng ginto.
  • Habang nagunguna sa maraton na higit na mababa ng 10 kilometro na lalandasin, sinalakay ang Brasilyanong mananakbong Vanderlei de Lima ng paring Irlando na si Cornelius Horan at ikinaladkad sa harap ng madla. Nakabawi si De Lima sa pamamagitan ng pagkakaroon ng tansong medalya, at kasunod iginawad siya ng medalya ni Pierre de Coubertin para sa mabuting pakikipaglaro.
  • Ang Britanikong manlalarong Kelly Holmes ay nanalo ng ginto sa mga takbuhang 800 m at 1500 m.
  • Nanalo si Liu Xiang ng ginto sa 110 m laktawan, pumantay sa pandaigdigang tala ng oras ng 12.91 segundo ni Colin Jackson noong 1993. Ito ang unang gintong medalya na napanalunan ng Tsina sa panlalaking atletika.
  • Nakita ng Olimpiko ang unang pagbabalik ng Apganistan sa Palaro mula 1999 (ito ay pinagbawalang lumahok dahil sa mga ugali ng ekstremistang Taliban sa mga kababaihan, subali't ibinalik sa dating kalagayan noong 2002).
  • Nanalo ng ginto si Hicham El Guerrouj sa 1500 m at 5000 m. Siya ang kauna-unahan na maisagawa ang kabayanihang ito sa Olimpiko mula kay Paavo Nurmi noong 1924.
  • Ang manlalarong Griyegong Fani Halkia ay lumabas sa pagreretiro upang manalo ang 400 m laktawan.
  • Ang maliit na Tukong manlalaro ng pagbuhat ng mga pabigat na si Nurcan Taylan ay nanalo ng ginto sa pambabaeng kategoryang 48 kg, nakatala ng pandaigdigang tala sa parehong katiting (97.5 kg) at ang kabuuan (210 kg). Siya ang kauna-unanhang babaeng Turko na nanalo ng Olimpikong gintong medalya.
  • Ang mga kababaihan ng kuponan ng paglalangoy ng 4x200m na mula sa Estados Unidos na sina Natalie Coughlin, Carly Piper, Dana Vollmer at Kaitlin Sandeno ay nanalo ng ginto, na binasag ang mahabang antas ng pandaigdigang tala na itinala ng Demokratikong Republikang Aleman noong 1987.
  • Nanalo nang nakakahindik ang Arhentina sa Estados Unidos sa timpalak na laro ng panlalaking basketbol. Natuloy hanggang talunin ang Italya nang 84-69 sa huling laro.
  • Ang manlalarong Aleman ng kayak na si Birgit Fischer ay nanalo ng ginto sa K-4 500 m at pilak sa K-2 500 m. Sa paggawa, siya ay naging unang babae sa anumang palaksan na nanalo ng mga gintong medalya sa 6 na iba't ibang Olimpiko, ang unang babae na nanalo ng ginto mula 24 na taong nakalilipas at ang unang tao sa kasaysayan ng Olimpiko na nanalo ng dalawa o higit pa na mga medalya sa limang iba't ibang Palaro.
  • Ang malalalngoy na si Michael Phelps ay nanalo ng 8 medalya (6 na ginto at 2 tanso), na naging unang manlalaro na nanalo ng 8 medalya sa Olimpiko na walang boykoteo.

Pamana

baguhin

Broadcast rights

baguhin

Tignan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 "Factsheet - Opening Ceremony of the Games of the Olympiad" (PDF) (Nilabas sa mamamahayag). International Olympic Committee. 9 Oktubre 2014. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 14 Agosto 2016. Nakuha noong 22 Disyembre 2018. {{cite nilabas sa mamamhayag}}: Unknown parameter |dead-url= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Standard Greek pronunciation is [θeriˈni olibi.aˈci aˈɣones ðˈio çiˈʎaðes ˈtesera]
  3. 3.0 3.1 3.2 "Athens 2004". International Olympic Committee. olympic.org. Inarkibo mula sa orihinal noong 17 Enero 2013. Nakuha noong 19 Enero 2008. {{cite web}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Pandaigdigang Lupon ng Olimpiko - Atenas 2004 - Halalan
  5. http://www.nytimes.com/2004/08/29/sports/olympics/29closing.html?ex=1148788800&en=1c65a34c3766781c&ei=5070
  6. Although they marched in the Parade of Nations, neither athlete competed.

Mga panlabas na kawing

baguhin
Sinundan:
Sidney
Palarong Olimpiko sa Tag-init
Punong-abalang Lungsod

Olimpiyadang XXVIII (2004)
Susunod:
Beijing