Palarong Olimpiko sa Tag-init 1992
Ang Palarong Olimpiko sa Tag-init 1992 (Espanyol: Juegos Olímpicos de Verano de 1992; Catalan: Jocs Olímpics d'estiu de 1992), opisyal na kinilala bilang Palaro ng Ika-XXV Olimpiyada, ay isang sabansaang kaganapang pampalakasang pangmaramihan na ginanap sa Barselona, Katalonya, Espanya noong 1992.
Palaro ng {{{edition}}} Olimpiyada {{{localname}}} | |
Punong-abala | Barcelona, Spain |
---|---|
Salawikain | Friends For Life (Catalan: Amics Per Sempre) (Spanish: Amigos Para Siempre) |
Estadistika | |
Bansa | 169 |
Atleta | 9,356 (6,652 men, 2,704 women) |
Paligsahan | 257 in 25 sports (34 disciplines) |
Seremonya | |
Binuksan | 25 July |
Sinara | 9 August |
Binuksan ni | |
Nagsindi | |
Estadyo | Estadi Olímpic Lluís Companys |
Kronolohiya | |
Tag-init | Nakaraan [[Palarong Olimpiko sa Tag-init Seoul 1988|Seoul 1988 ]] Susunod [[Palarong Olimpiko sa Tag-init Atlanta 1996|Atlanta 1996 ]] |
Taglamig | Nakaraan [[Palarong Olimpiko sa Taglamig Albertville 1992|Albertville 1992 ]] Susunod [[Palarong Olimpiko sa Taglamig Lillehammer 1994|Lillehammer 1994 ]] |
Pagpili ng punong-abalang lungsod
baguhinAng Barselona, ang lugar ng kapanganakan ng dating pangulo ng IOC Juan Antonio Samaranch, ay napili sa mga lungsod ng Amsterdam, Belgrado, Birmingham, Brisbane and Paris sa Lusana, Swesya, noong 17 Oktubre 1986, sa kapanahunan ng Ika-91 Pagpupulong ng IOC. Nakapag-anyaya na para sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 1936, na natalo sa Berlin. Ang kabatiran ng talahanayan sa ibaba ay nagmumula sa pahina ng websayt ng Kasaysayan ng Halalan ng Pandaigdigang Lupon ng Olimpiko Naka-arkibo 2008-05-25 sa Wayback Machine..
Mga resulta ng pag-aanyaya para sa Olimpikong Tag-init 1992 | ||||||
---|---|---|---|---|---|---|
Lungsod | Pangalan ng NOC | Unang Yugto | Ika-2 Yugto | Ika-3 Yugto | ||
Barselona | Espanya | 29 | 37 | 47 | ||
Paris | Pransiya | 19 | 20 | 23 | ||
Belgrado | Yugoslavia | 13 | 11 | 5 | ||
Brisbane | Australia | 11 | 9 | 10 | ||
Birmingham | United Kingdom | 8 | 8 | - | ||
Amsterdam | Olanda | 5 | - | - |
Mga sagisag
baguhinMga awit at tikha
baguhinMay dalawang pangunahing tikhang pangmusika ng Palarong 1992. Ang isa ay "Barcelona", na nilikha ni Freddie Mercury limang taong nakalilipas bago ang palaro at inawit nang saliwang pandalawahan kasama si Montserrat Caballé. Ang dalawang mang-aawit ay nakapagtanghal ng awit sa seremonya ng pagbubukas, subali't nang dahil sa kamatayan na wala sa panahon ni Mercury nang isang taon bago ang kaganapan, itinugtog ang awit sa pamamagitan ng pelikula hinggil sa paglalakbay ng lungsod sa simula ng seremonya ng pagbubukas. Ang iba ay "Amigos Para Siempre" (Magkaibigan sa Buhay), na isinulat nina Andrew Lloyd Webber at Don Black, at inawit nina Sarah Brightman at José Carreras sa kapanahunan ng seremonya ng pagtatapos.
Maskot
baguhinAng opisyal na maskot ay si Cobi, isang Katalanong asong-tupa na nilikha ni Javier Mariscal sa disenyo ng kubismo.
Lugar
baguhinPalaro
baguhinPalakasan
baguhin
|
|
|
|
Demonstration sports
baguhin- Basque pelota (10)
- Roller hockey (quad) (1)
- Taekwondo (16)
Mga palakasang pagtutunghay
baguhinMga bansang lumahok
baguhinNagpadala ang 169 na bansa ng mga manlalaro upang makipagpaligsahan sa Palarong ito. Dahil sa Pagbagsak ng Unyong Sobyet, nakapagbuo ng mga labindalawang bansa ang Pinagsamang Kuponan, habang ang Mga Bansang Baltiko ng Estonia, Latvia at Lithuania ay may sariling mga kuponan. Nakipagpaligsahan bilang mga malayang bansa ang Croatia, Slovenia at Bosnia at Herzegovina pagkatapos ng paghihiwalay mula sa Yugoslavia. Ipinagbawal ng pag-ayuda ng UN ang Yugoslavia, subali't ang mga pangisahang Yugoslabong manlalaro ay pinayagang maging bahagi bilang Mga Malayang Olimpikong Kalahok.
Talahanayan ng medalya
baguhinPunong-abalang bansa (Espanya)
Antas | Bansa | Ginto | Pilak | Tanso | Kabuuan |
---|---|---|---|---|---|
1 | Unified Team (EUN) | 45 | 38 | 29 | 112 |
2 | United States (USA) | 37 | 34 | 37 | 108 |
3 | Germany (GER) | 33 | 21 | 28 | 82 |
4 | China (CHN) | 16 | 22 | 16 | 54 |
5 | Cuba (CUB) | 14 | 6 | 11 | 31 |
6 | Spain (ESP) | 13 | 7 | 2 | 22 |
7 | South Korea (KOR) | 12 | 5 | 12 | 29 |
8 | Hungary (HUN) | 11 | 12 | 7 | 30 |
9 | France (FRA) | 8 | 5 | 16 | 29 |
10 | Australia (AUS) | 7 | 9 | 11 | 27 |
11 | Canada (CAN) | 7 | 4 | 7 | 18 |
12 | Italy (ITA) | 6 | 5 | 8 | 19 |
13 | Great Britain (GBR) | 5 | 3 | 12 | 20 |
14 | Romania (ROU) | 4 | 6 | 8 | 18 |
15 | Czechoslovakia (TCH) | 4 | 2 | 1 | 7 |
16 | North Korea (PRK) | 4 | 0 | 5 | 9 |
17 | Japan (JPN) | 3 | 8 | 11 | 22 |
18 | Bulgaria (BUL) | 3 | 7 | 6 | 16 |
19 | Poland (POL) | 3 | 6 | 10 | 19 |
20 | Netherlands (NED) | 2 | 6 | 7 | 15 |
21 | Kenya (KEN) | 2 | 4 | 2 | 8 |
22 | Norway (NOR) | 2 | 4 | 1 | 7 |
23 | Turkey (TUR) | 2 | 2 | 2 | 6 |
24 | Indonesia (INA) | 2 | 2 | 1 | 5 |
25 | Brazil (BRA) | 2 | 1 | 0 | 3 |
26 | Greece (GRE) | 2 | 0 | 0 | 2 |
27 | Sweden (SWE) | 1 | 7 | 4 | 12 |
28 | New Zealand (NZL) | 1 | 4 | 5 | 10 |
29 | Finland (FIN) | 1 | 2 | 2 | 5 |
30 | Denmark (DEN) | 1 | 1 | 4 | 6 |
31 | Morocco (MAR) | 1 | 1 | 1 | 3 |
32 | Ireland (IRL) | 1 | 1 | 0 | 2 |
33 | Ethiopia (ETH) | 1 | 0 | 2 | 3 |
34 | Algeria (ALG) | 1 | 0 | 1 | 2 |
34 | Estonia (EST) | 1 | 0 | 1 | 2 |
34 | Lithuania (LTU) | 1 | 0 | 1 | 2 |
37 | Switzerland (SUI) | 1 | 0 | 0 | 1 |
38 | Jamaica (JAM) | 0 | 3 | 1 | 4 |
38 | Nigeria (NGR) | 0 | 3 | 1 | 4 |
40 | Latvia (LAT) | 0 | 2 | 1 | 3 |
41 | Austria (AUT) | 0 | 2 | 0 | 2 |
41 | Namibia (NAM) | 0 | 2 | 0 | 2 |
41 | South Africa (RSA) | 0 | 2 | 0 | 2 |
44 | Belgium (BEL) | 0 | 1 | 2 | 3 |
44 | Croatia (CRO) | 0 | 1 | 2 | 3 |
44 | Independent Olympic Participants (IOP) | 0 | 1 | 2 | 3 |
44 | Iran (IRI) | 0 | 1 | 2 | 3 |
48 | Israel (ISR) | 0 | 1 | 1 | 2 |
49 | Mexico (MEX) | 0 | 1 | 0 | 1 |
49 | Peru (PER) | 0 | 1 | 0 | 1 |
49 | Chinese Taipei (TPE) | 0 | 1 | 0 | 1 |
52 | Mongolia (MGL) | 0 | 0 | 2 | 2 |
52 | Slovenia (SLO) | 0 | 0 | 2 | 2 |
54 | Argentina (ARG) | 0 | 0 | 1 | 1 |
54 | Bahamas (BAH) | 0 | 0 | 1 | 1 |
54 | Ghana (GHA) | 0 | 0 | 1 | 1 |
54 | Qatar (QAT) | 0 | 0 | 1 | 1 |
54 | Colombia (COL) | 0 | 0 | 1 | 1 |
54 | Malaysia (MAS) | 0 | 0 | 1 | 1 |
54 | Pakistan (PAK) | 0 | 0 | 1 | 1 |
54 | Pilipinas (PHI) | 0 | 0 | 1 | 1 |
54 | Puerto Rico (PUR) | 0 | 0 | 1 | 1 |
54 | Suriname (SUR) | 0 | 0 | 1 | 1 |
54 | Thailand (THA) | 0 | 0 | 1 | 1 |
Lahat-lahat | 260 | 257 | 298 | 815 |
Mga tagpo ng pangyayari
baguhin- Sa basketbol, ang pagtanggap ng mga manlalarong propesyunal ay namuno ng pagkabuo ng "Kuponang May Pangayap" ng Estados Unidos, kung saan nariyan sina Michael Jordan, Magic Johnson, Larry Bird at iba pang sikat na manlalaro ng NBA.
- Pinayagan ang Timog Aprika na makipagpaligsahan sa Olimpiko sa unang pagkakataon mula Palarong 1960, pagkatapos ng mahabang pagkabimbin nang dahil sa patakarang apartheid nito. Ang Puting Timog Aprikanong mananakbo Elana Meyer at ang itim na Etiyopiyanong mananakbong Derartu Tulu ay lumaban ng malapitang karera sa 10,000 m (napanalunan ni Tulu) at kasunod tumakbo ng yugto ng tagumpay kamay sa kamay.[2]
- Kasunod ang muling pagkakaisahin noong 1990, nagpadala ng Alemanya ang isahang, pinagkaisahang Olimpikong kuponan para sa unang pagkakataon mula Palarong 1964.
- Nang nabuwag ang Unyong Sobyet noong 1991, ang mga bansang Baltiko ng Estonia, Latvia at Lithuania ay nagpadala ng mga sariling kuponan para sa unang pagkakataon mula 1936. Ang mga ibang republikang Sobyet ay nagpaligsahan sa ilalim ng pangalang Pinagsamang Kuponan.
- Ang paghihiwalay ng SRP Yugoslavia ay namuno sa mga pasinanyang Olimpiko ng Croatia, Slovenia at Bosnia at Herzegovina. Dahil sa mga ayuda ng Mga Nagkakaisang Bansa ang mga RP Yugoslabong manlalaro ay hindi pinahintulutang lumahok sa kanilang sariling kuponan. Gayumpaman, ang mga pangisahang manlalaro ay maaaring makipagpaligsahan sa ilalim ng Olimpikong watawat bilang Mga Malayang Olimpikong Kalahok.
- Sa panlalaking makasining himnastika, nanalo si Vitaly Scherbo ng Belarus, na kumatawan ng Pinagsamang Kuponan, ng anim na gintong medalya, kabilang ang apat sa isang araw. Lima sa mga anim na ginto ay mula sa pangisahang kaganapan, na tumatabla sa tala ni Eric Heiden para sa mga pangisahang medalyang ginto sa isang Olimpiko (Si Michael Phelps ay magtatabla ng tala na ito sa 2008).
- Sa pambabaeng makasining himnastika, si Tatiana Gutsu ay nagkamit ng Panlahatang paligsahan na nagigitgitan kay Shannon Miller ng Estados Unidos.
- Sa mga paligsahang pagtalong-sisid, na ginanap sa tanawin ng Sagrada Família, nanalo si Fu Mingxia ng kaganapang mataas na talong-sisid sa taon ng 13.
- Ang mga Rusong malalangoy ay nangibabaw sa mga kaganapang malayang-estilo, kabilang sina Alexander Popov at Yevgeny Sadovyi bawat nanalong dalawang kaganapan (nanalo si Sadovyi ng pangatlo sa mga pagpasa).
- Nanalo si Evelyn Ashford ng kanyang ikaapat na Olimpikong gintong medalya sa 4x100 metrong pagpasa ng baton, na ginawa siyang isa sa mga apat na babaeng manlalaro na nakamtan ito sa kasaysayan.
- Ang batang Krisztina Egerszegi ng Unggarya ay nanalo ng mga tatlong gintong medalyang pangisahang paglalangoy.
- Pagkatapos itinunghay nang anim na beses, naging Olimpikong palakasan ang beysbol, kung saan nanalo ang Cuba ng gintong medalya, nanalo ang Tsinong Taypi ng pilak, at ang Hapon, tanso.
- Ang sagaksak na haki ay naging isang palakasang pagtutunghay sa Palarong 1992. Nanalo ang Arhentina ng gintong medalya.
- Ang badminton at ang pambabaeng judo ay naging bahagi ng programang Olimpiko, habang ang islalom na paglulunday ay nanumbalik sa Palaro pagkatapos ng pagliliban ng 20 taon.
- Ang pelotang Basko, sagaksak na haki, at taekwondo ay mga palakasang patutunghay.
- Nanalo si Chris Boardman ng 4000M pangisahang paghagad na kaganapang landas na pamimisikleta para sa Gran Britanya.
- Si Linford Christie ay nanalo nang sa huli ng ginto sa 100m, at sa edad ng 32, siya ang pinakamatandang kampeon ng Olimpikong 100m.
- Marami na nasa panlalaking gintong medalyang kuponan ng balibol ng Estados Unidos mula sa Palarong 1988 ay bumalik upang makipagpaligsahan para sa isa pang medalya. Sa unang yugto, natalo sila sa isang kontrobersiyal na laban sa Hapon, na tumititis sa kanila na iahit ang kanilang mga ulo bilang protesta.
- Si Mike Stulce ng Estados Unidos ay nanalo ng panlalaking paghagis ng bolang bakal, na tinalo nang lubos ang may katangiang Werner Günthör ng Swesya.
- Sa ika-20 pagdiriwang ng Masaker ng Myunik at ang ika-500 pagdiriwang ng Kautusang Alhambra, si Yael Arad ay naging unang Israeli na nanalo ng Olimpikong medalya, napanalunan ng medalyang pilak sa judo. Sa sumunod na araw, si Oren Smadja ay naging unang lalaking medalista ng Israel, na napanalunan ng tanso sa parehong palakasan.
- Si Derek Redmond ng Gran Britanya ay nadali sa litid ng alak-alakan sa kapanahunan ng 400m karerang timpalak na laro. Nang siya nagsumikap na tapusin ang karera, pumasok sa landas ang kanyang ama na walang katibayan ng kapangyarihan at tinulungan niya upang mabuo ang karera, sa masigabong palakpakan mula sa madla.
- Si Sergey Bubka ay nakapanalo ng ginto sa panlalaking pagtaluon sa Seoul 1988, na nakatala ng Olimpikong tala. Siya ay napanigan na makuha ang ginto muli, subali't iniwan niya ang Barselona nang walang dala, nabigong gumawa ng anumang taas sa pagtaluon. Nabigo siya sa lahat ng kanyang mga tangka. Pagkatapos nang bahagya ng humigit ng isang buwan, sa Tokyo, Si Bubka ay magtataluon ng 20 talampakan at 1/2 dali - ang kanyang ika-32 pandaigdigang tala.
Tingnan din
baguhinSanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 "Factsheet - Opening Ceremony of the Games of the Olympiad" (PDF) (Nilabas sa mamamahayag). International Olympic Committee. 9 Oktubre 2014. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 14 Agosto 2016. Nakuha noong 22 Disyembre 2018.
{{cite nilabas sa mamamhayag}}
: Unknown parameter|dead-url=
ignored (|url-status=
suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ http://www.olympic.org/uk/games/past/innovations_uk.asp?OLGT=1&OLGY=1992
Mga panlabas na kawing
baguhin- Pahina ng IOC sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 1992
- Olimpikong Pundasyon ng Barselona
- Opisyal na Ulat ng Palaro ng Ika-XXV Olimpiyada Barselona 1992
- Olimpikong Baliktanaw 1992 - Opisyal na resulta Naka-arkibo 2006-03-19 sa Wayback Machine.
Sinundan: Seoul |
Palarong Olimpiko sa Tag-init Punong-abalang Lungsod Ika-XXV Olimpiyada (1992) |
Susunod: Atlanta |