Palarong Paralimpiko
Ang Palarong Paralimpiko ay isang kaganapang pampalakasan na pangmaramihan para sa mga manlalaro na may mga kapansanang pisikal at sensoryal. Kabilang dito ay mga manlalarong may kapansanang panggalaw, mga amputasyon, kabulagan, at paralising serebral. Ang Palarong Paralimpiko ay ginaganap tuwing apat na taon, kasunod ang Palarong Olimpiko, at pinamahala ng Pandaigdigang Lupong Paralimpiko (IPC). Ang Palarong Paralimpiko ay minsang nalilito sa Pandaigdigang Palaro ng Tanging Olimpiko, na para lamang sa mga taong may kapansanang intelektuwal, subali't ang mga kalahok sa Tanging Olimpiko ay maaaring maging bahagi sa palarong Paralimpiko.
Bagama't ang pangalan ay likas na nilikha nang portmanteau na pinagsama ang 'paraplegiko' (dahil sa mga pinagmulan nito bilang palaro para sa mga taong napinsala sa gulugod) 'Olimpiko',[1] ang pagsasama ng mga ibang pangkat na may kapansanan ay nangangahulugang hindi na itong itinuturing ugma. Ang kasalukuyang pormal na paliwanag para sa pangalan ay samakatuwid hinango sa Griyegong pang-ukol na παρά, pará ("katabi") at kasunod itinukoy sa paligsahang ginaganap nang kaagapay sa Palarong Olimpiko.[1]
Kasaysayan
baguhinAng Palarong Paralimpiko ay mga kaganapang pampalakasan na may mataas na katangian para sa mga manlalaro mula sa mga iba't ibang pangkat na may kapansanan. Sila ay ibinalak upang mabigyang-diin ng mga tagumpay sa palakasan ng mga lumahok, hindi sa kanilang kapansanan.[1]
Sa araw ng pagbubukas ng Palarong Olimpiko sa Tag-init 1948 sa Londres, nagsaayos si Dr. Ludwig Guttmann ng Ospital ng Stoke Mandeville ng isang paligsahang pampalakasan para sa mga Britanikong beteranong pasyente ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig na may pinsala sa gulugod. Ang palaro ay ginanap muli sa parehong lugar noong 1952, at kumatig ang mga Olandes na beterano kaagapay ng mga Britaniko, na naging unang pandaigdigang paligsahan ng ganitong uri. Ang Palarong Stoke Mandeville ay nailarawan bilang mga hudyat ng Palarong Paralimpiko. Kasunod inopisyal ang Paralimpiko bilang pang-apatang taunang kaganapan na nakatali sa Palarong Olimpiko, at ang unang opisyal na Palarong Olimpiko, kung saan hindi na lamang para sa mga beterano sa digmaan, ay ginanap sa Roma noong 1960.[2][3] Sa Palarong Toronto 1976 ang mga ibang pangkat ng mga manlalaro na may iba't ibang kapansanan ay ibinilang.
Ang kilusan ay lumaki nang madulaan mula sa mga unang araw na ito – halimbawa ang bilang ng mga manlalaro na lumahok sa Palarong Paralimpiko sa Tag-init ay lumaki mula sa 400 manlalaro sa Roma sa humigit ng 4,200 manlalaro mula sa mga 148 bansa sa Beijing noong 2008.
Ang Palarong Paralimpiko ay ginaganap sa parehong taon na katulad sa Palarong Olimpiko. Gayumpaman, ito lamang noong 1988 na ang Palaro ay nakapagganap sa parehong lungsod, na ginagamit ang parehong lugar na pinagdausan. Noong 2001, nilagdaan ng IOC at IPC ang kasunduan na nagtitiyak na ang mga Punong-abalang Lungsod na makikipagkasundo sa pamamahala ng magkatuwang na Palarong Olimpiko at Palarong Paralimpiko na magiging mabisa mula 2012. Sa kasalukuyan, ang Pandaigdigang Lupong Paralimpiko (IPC) ay pandaigdigang katawan ng pamamahala ng Kilusang Paralimpiko; nagsasaayos ng Palarong Paralimpiko sa Tag-init at Taglamig; at nagsisilbi rin bilang Pandaigdigang Pederasyon para sa 12 palakasan, na kung saan ito ay nangangasiwa at nakikipagtalastasan ang mga Pandaigdigang Kampeonato at mga iba pang paligsahan.
Palarong Tag-init
baguhinPalaro | Taon | Punong-abalang Lungsod | Bansa | Binuksan ni | Ginanap sa | Kontinente | Mula | Hanggang | Sang. |
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
I | 1960 | Roma | Italya | Camillo Giardina | Stadio Olimpico | Europa | 18 Setyembre | 25 Setyembre | |
II | 1964 | Tokyo | Hapon | Yoshiaki Kasai | Oda Field | Asya | 3 Nobyembre | 12 Nobyembre | |
III | 1968 | Tel Aviv | Israel | Yigal Allon | Hebrew University Stadium | Europa | 4 Nobyembre | 13 Nobyembre | |
IV | 1972 | Heidelberg | Kanlurang Alemanya | Pangulong Gustav Heinemann | Heidelberg Thingstätte | Europa | 2 Agosto | 11 Agosto | |
V | 1976 | Toronto | Kanada | Teniente Gobernador Pauline McGibbon | Woodbine Racetrack
Centennial Park Stadium |
Hilagang Amerika | 3 Agosto | 11 Agosto | |
VI | 1980 | Arnhem | Olanda | Prinsesa Margriet | National Sports Centre Papendal | Europa | 21 Hunyo | 30 Hunyo | |
VII | 1984 | Bagong York | Estados Unidos | Pangulong Ronald Reagan | Mitchel Athletic Complex | Hilagang Amerika | 17 Hunyo | 30 Hunyo | |
Stoke Mandeville | Gran Britanya | Charles, Prinsipe ng Wales | Stoke Mandeville Stadium | Europa | 22 Hulyo | 1 Agosto | |||
VIII | 1988 | Seoul | Timog Koriya | Pangulong Roh Tae-Woo | Jamsil Olympic Stadium | Asya | 15 Oktubre | 24 Oktubre | |
IX | 1992 | Barselona | Espanya | Reyna Sofía ng Espanya | Estadi Olímpic de Montjuïc | Europa | 3 Setyembre | 14 Setyembre | |
Madrid | Palacio de Deportes de la Comunidad de Madrid | 15 September | 22 September | ||||||
X | 1996 | Atlanta | Estados Unidos | Ikalawang Pangulong Al Gore | Centennial Olympic Stadium | Hilagang Amerika | 16 Agosto | 25 Agosto | |
XI | 2000 | Sidney | Awstralya | Gobernador-Heneral Ginoong William Deane | Stadium Australia | Oseaniya | 18 Oktubre | 29 Oktubre | |
XII | 2004 | Atenas | Gresya | Pangulong Costis Stephanopoulos | Athens Olympic Stadium | Europa | 17 Setyembre | 28 Setyembre | |
XIII | 2008 | Beijing | Tsina | Pangulong Hu Jintao | Beijing National Stadium | Asya | 6 Setyembre | 17 Setyembre | |
XIV | 2012 | Londres | Gran Britanya | Reyna Elizabeth II | London Olympic Stadium | Europa | 29 Agosto | 9 Setyembre | |
XV | 2016 | Rio de Janeiro | Brazil | Pangulong Michel Temer | Maracanã Estádio Olímpico | Timog Amerika | 7 Setyembre | 18 Setyembre | |
XVI | 2020 | Tokyo | Hapon | Emperor ng Hapon (inaasahan) | New National Stadium | Asya | 25 Agosto | 6 Setyembre | |
XVII | 2024 | Paris | Pransiya | Pangulo ng Pransya (inaasahan) | Stade de France | Europa | 28 Agosto | 8 Setyembre | |
XVIII | 2028 | Los Angeles | Estados Unidos | Pangulo ng Estados Unidos (inaasahan) | Los Angeles Memorial Coliseum
SoFi Stadium |
Hilagang Amerika | 22 Agosto | 3 Setyembre |
Palakasang pantag-init
baguhinAng mga sumusunod na palakasan ay kasalukuyang nasa programa ng Palarong Paralimpiko sa Tag-init:
- Atletika
- Balibol (nakaupo)
- Boksiya
- Judo
- Golbol
- Pag-angat na pabigat
- Paglalayag
- Paglalangoy
- Pagsasagwan
- Pamamana
- Pamamaril
- Pamimisikleta
- Pangangabayo
- Pang-upuang-gulong na basketbol
- Pang-upuang-gulong na eskrima
- Pang-upuang-gulong na ragbi
- Pang-upuang-gulong na tenis
- Pingpong
- Putbol na panlimahan
- Putbol na pampituhan
Palarong Taglamig
baguhinPalaro | Taon | Punong-abalang Lungsod | Bansa | Binuksan ni | Ginanap sa | Kontinente | Mula | Hanggang | Sang. |
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
I | 1976 | Örnsköldsvik | Suwesa | Hari Carl XVI Gustaf | Kempehallen | Europa | 21 February | 28 February | |
II | 1980 | Geilo | Noruwega | Hari Olav V | Vestia Resort | Europa | 1 February | 7 February | |
III | 1984 | Innsbruck | Awstrya | Pangulong Rudolf Kirchschläger | Olympiahalle | Europa | 14 January | 20 January | |
IV | 1988 | Innsbruck | Awstrya | Pangulong Kurt Waldheim | Olympiahalle | Europa | 17 January | 25 January | |
V | 1992 | Albertville | Pransiya | Pangulong François Mitterrand | Stade Lognan | Europa | 25 March | 1 April | |
VI | 1994 | Lillehammer | Noruwega | Reyna Sonja | Håkons Hall | Europa | 10 March | 19 March | |
VII | 1998 | Nagano | Hapon | Tagapagmanang Prinsipeng Naruhito | M-Wave | Asya | 5 March | 14 March | |
VIII | 2002 | Lungsod ng Salt Lake | Estados Unidos | Pangulong George W. Bush | Rice-Eccles Stadium | Hilagang Amerika | 7 March | 16 March | |
IX | 2006 | Turino | Italya | Pangulong Carlo Azeglio Ciampi | Stadio Olimpico | Europa | 10 March | 19 March | |
X | 2010 | Vancouver | Kanada | Gobernador General Michaëlle Jean | BC Place | Hilagang Amerika | 12 March | 21 March | |
XI | 2014 | Sochi | Rusya | Pangulong Vladimir Putin | Fisht Olympic Stadium | Europa | 7 March | 16 March | |
XII | 2018 | Pyeongchang | Timog Korea | Pangulong Moon Jae-in | Pyeongchang Olympic Stadium | Asya | 9 March | 18 March | |
XIII | 2022 | Beijing | Tsina | Pangulo ng Tsina (inaasahan) | Beijing National Stadium | Asya | 4 March | 13 March | |
XIV | 2026 | Milan-Cortina d'Ampezzo | Italya | Pangulo ng Italya (inaasahan) | PalaItalia Santa Giulia | Europa | 6 March | 15 March |
Palakasang pantaglamig
baguhinAng mga sumusunod na palakasan ay kasalukuyang nasa programa ng Palarong Paralimpiko sa Taglamig:
Mga kategoryang pangkapansanan
baguhin- Naputulan: Ang mga manlalaro na may bahagian o kabuuang kawalan ng na hindi bababa sa isang galamay.
- Lumpong Serebral: Ang mga manlalaro na may pinsala sa utak, halimbawa ay lumpong serebral, traumatikong kapinsalaan sa utak, atake sa utak o mga magkahalintulad na kapansanan na naapektuhan ng kontrol sa kalamnan, tuwasan o pagtutugon-tugon.
- Kapansanang Intelektuwal: Ang mga manlalaro na may kawatasang pagpapaliit ng kumikilos na pang-intelektuwal at mga maykaugnayang hangganan sa paglalapat na pag-uugali. (Ang kategoryang ito ay kasalukuyang nakabinbin.)
- Pang-upuang-gulong: Ang mga manlalaro na may mga kapinsalaan sa gulugod at iba pang kapansanan na kinakailangan nilang makipagpaligsahan sa isang upuang-gulong.
- May Kahinaan sa Paningin: Ang mga manlalaro na may kahinaan sa paningin na umaantas mula bahagiang paningin, sapat na maipasyang bulag nang ligal, sa kabuuang kabulagan.
- Les Autres: Ang mga manlalaro na may pisikal na kapansanan na hindi bumabagsak nang talangas sa ilalim ng isa ng ibang limang kategorya, tulad ng pagkabansot, maramihang isklerosi, mga pinagkasiputang kapansanan sa katawan ng mga galamay tulad na nagsanhi ng talidomida (ang pangalan ukol sa kategoryang ito ay hango sa wikang Pranses na ibig sabihin "mga iba").
Ang mga kategoryang ito ginagamit sa parehong Paralimpikong tag-init at taglamig.
Tingnan din
baguhinSanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 1.2 "Tungkol sa IPC". IPC.
- ↑ "Paralympics traces roots to Second World War", CBC, 3 Setyembre 2008
- ↑ "2012 – The Paralympics come home", BBC, 4 Hulyo 2008
- ↑ "Making sense of the categories". BBC Palakasan. 2000-10-06. Nakuha noong 2008-09-18.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Karagdagang babasahin
baguhin- P. David Howe, The Cultural Politics of the Paralympic Movement. Through an Anthropological Lens, Routledge, 2008, ISBN 978-0-415-28887-3
Mga panlabas na kawing
baguhin- Direktoryong Kawing ng Paralimpiko
- "Why the Paralympics matter", BBC, 5 Setyembre 2008