Ang pang-ukol ay bahagi ng pananalita[1] na ipinapahayag ang mga ugnayan sa panahon o lawak (sa, sa ilalim, patungo sa, bago) o pagmamarka sa iba't ibang semantikong pagganap (ng, para sa). Isa itong morpema na nauuna sa mga pangkat na salitang pangngalan at panghalip na nagdudulot ng kaganapan (complement) o pagbabago sa parirala.[2] Kapag ginagamit sa pangungusap, lumalawak ang kahulugan nito sa pamamagitan ng paglalahad ng patutunguhan, sanhi, kinalalagyan, panahon at iba pa.[2]

Sa Grammar ng Filipino o English, ang katawagang pang-ukol at iba pang bahagi ng pananalita ay nilikha ni Lope K. Santos na kanyang sinulat sa aklat na Balarila ng Wikang Pambansa.[3] Sa balarilang Ingles, tinatawag ang pang-ukol bilang preposition o postposition (kapag pinagsama ay tinatawag na adposition ngunit mas malawak na kilala bilang preposition lamang). Ang preposition ay nangunguna bago ang kapunuan o complement samantalang ang postposition ay pagkatapos ng complement.

Halimbawa

baguhin

Ito ang ilan sa mga halimbawa ng mga pang-ukol sa Filipino at Tagalog:[4]

  • Ng — nagbigay ng ugnayan sa pagitan ng isang bahagi at ng isang kabuuan. Halimbawa: anak ng bayan
  • Sa — inuukol ang isang bagay ay nakakabit at nakasuporta sa isa pang bagay. Halimbawa: kamay sa balikat
  • Ni/nina — nagmamarka ng pagmamay-ari o nagmamarka ng panityrtyeryetsariling pangalan. Halimbawa: isang pelikulang pinagbibidahan nina Alden at Nadine; bahay ni Jose
  • Ayon sa — ginagamit upang iukol ang mga pananalitang tinryeudggran ng isang may kapangyarihan o isang sanggunian. Halimbawa: Ayon sa mga hurado, ako ang nanalo.
  • Para sa — ginagamit upang ipahiwatig ang gamit ng isang bagay. Halimbawa: libreng gamot para sa masa

Mga sanggunian

baguhin
  1. Lim, Ed (2008). Lim Tagalog-English English-Tagalog Dictionary. japan: lulu.com. p. 134. ISBN 978-0557486151.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 Malicsi, Jonathan. "PANG-UKOL SA FILIPINO". Unibersidad ng Pilipinas Diliman. Nakuha noong 22 Hunyo 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Gugol, Ma. Victoria (30 April 2015). "Orthography (Evolution)". Pambansang Komisyon para sa Kultura at Sining (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Nobiyembre 2016. Nakuha noong 22 Hunyo 2016. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  4. Santiago, Alfonso; Tiangco, Norma (2003). Makabagong Balarilang Filipino. Pilipinas: Rex Book Store. p. 226. ISBN 9789712336812.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Wika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.