Hilagang Korea

(Idinirekta mula sa North Korea)

Ang Hilagang Korea (Hilagang Koreano: 조선; Romanisasyong McCune-Reischauer: Pukchosŏn), opisyal na Republikang Bayang Demokratiko ng Korea (Hilagang Koreano: 조선민주주의인민공화국; Romanisasyong McCune-Reischauer: Chosŏn Minjujuŭi Inmin Konghwaguk), ay isang bansa sa Silangang Asya na sumasakop sa hilagang kalahati ng Tangway ng Korea. Hinahangganan ito ng Tsina at Rusya sa mga ilog ng Yalu at Tumen ayon sa pagkabanggit sa hilaga, Dagat Hapon sa silangan, Dagat Dilaw sa kanluran, at Timog Korea sa Sonang Desmilitarisado ng Korea. Ang Pyongyang ay ang kabisera at pinakamalaking lungsod ng bansa.

Republikang Bayang Demokratiko
ng Korea

조선민주주의인민공화국 (Koreano)
Chosŏn Minjujuŭi Inmin Konghwaguk (MR)
Watawat ng Hilagang Korea
Watawat
Sagisag ng Hilagang Korea
Sagisag
Salawikain: 강성대국
Kangsŏngtaeguk
"Bansang Malakas at Maunlad"
Awit: 애국가
Aegukka
"Ang Makabayang Awit"
Lunting Maitim: Lupaing pinamamahalaan ng Republikang Bayang Demokratiko ng Korea. Lunting Mapusyaw: Lupaing inaangkin ngunit hindi kontrolado; pinamamahalaan ng Republika ng Korea.
Lunting Maitim: Lupaing pinamamahalaan ng Republikang Bayang Demokratiko ng Korea.
Lunting Mapusyaw: Lupaing inaangkin ngunit hindi kontrolado; pinamamahalaan ng Republika ng Korea.

Kabisera
at pinakamalaking lungsod
Pyongyang
39°2′N 125°45′E / 39.033°N 125.750°E / 39.033; 125.750
Wikang opisyalKoreano (Munhwao)
Sistema ng PagsulatChosongul
Relihiyon
Ateismong pampamahalaan
Katawagan
  • Hilagang Koreano
  • Koreano
PamahalaanRepublikang sosyalistang isang-partidong Jucheistang unitaryo na nasa ilalim ng isang namamanang diktadurang totalitaryo
Kim Jong-un
• Tagapangulo ng Permanenteng Komite ng KAB
Choe Ryong-hae
• Premiyer ng Gabinete
Kim Tok-hun
• Tagapangulo ng KAB
Pak Thae-song
LehislaturaKataas-taasang Asembleyang Bayan
Pagkakabuo
Oktubre 3, 1945
Pebrero 8, 1946
Pebrero 22, 1947
Setyembre 9, 1948
Disyembre 27, 1972
Lawak
• Kabuuan
120,540 km2 (46,540 mi kuw) (ika-97)
• Katubigan (%)
0.11
Populasyon
• Pagtataya sa 2016
25,368,620 (ika-55)
• Senso ng 2008
24,052,231
• Kapal
212/km2 (549.1/sq mi) (ika-45)
KDP (PLP)Pagtataya sa 2015
• Kabuuan
$40 bilyon
• Bawat kapita
$1,800
KDP (nominal)Pagtataya sa 2017
• Kabuuan
$30 bilyon
• Bawat kapita
$1,300
SalapiWon ng Hilagang Korea (₩) (KPW)
Sona ng orasUTC+9 (Oras ng Pyongyang)
Ayos ng petsa
  • yy, yyyy년 mm월 dd일
  • yy, yyyy/mm/dd (AD–1911 / AD)
Gilid ng pagmamanehokanan
Kodigong pantelepono+850
Internet TLD.kp

Nang sumuko ang Imperyo ng Hapon noong 1945 sa pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nahati ang Korea sa dalawa sa kahabaan ng ika-38 hilera. Ang hilagang lugar ay sinakop ng Unyong Sobyetiko habang ang timog ay sinakop ng Estados Unidos. Nabigo ang mga negosasyon para sa muling pagkakaisa ng dalawang lugar, at noong 1948 ay nabuo ang sosyalistang Republikang Bayang Demokratiko ng Korea sa hilaga ng tangway, sa kaibahan ng kapitalistang Republika ng Korea sa timog. Nagsimula ang Digmaang Koreano noong 1950 nang sinalakay ng Hilagang Korea ang Timog, at tumagal ito hanggang 1953 na nagresulta sa pagkapatas. Ang Kasunduang Armistisyo ng Korea ay nagdulot ng tigil-putukan at nagtatag ng isang sonang desmilitarisado sa tangway, ngunit walang pormal na tratadong pangkayapaan na nilagdaan, kaya't ang dalawang Korea ay de factong nasa digmaan hanggang sa kasalukuyan. Pagkatapos ng digmaan ay muling itinayo ang bansa sa ilalim ng isang industriyalisadong ekonomiyang planado. Sa huling bahagi ng mga 1950 at noong mga 1960 at 1970 ay nagtamasa ang Hilagang Korea ng mas mataas na antas ng pamumuhay kaysa sa Timog Korea, na noo'y dumaranas ng kaguluhan sa politika at mga krisis sa ekonomiya. Gayunpaman, ang sitwasyon ay nabaligtad noong dekadang 1980 nang naging matibay na kapangyarihang pang-ekonomiya ang Timog dahil sa panloobang pag-unlad at pamumuhuna't ayudang militar mula Estados Unidos at Hapon, habang ang Hilagang Korea ay tumimik at nanghina. Lubos na naapektuhan ang ekonomiya ng Hilagang Korea noong nabuwag ang Unyong Sobyetiko at mga estadong komunista sa Silangang Bloke. Dahil dito, nagkaroon ng malawakang taggutom sa bansa noong 1994 hanggang 1998 na naging sanhi ng tinatayang 240 libo hanggang 3.5 milyong pagkamatay. Patuloy na dumadaranas ang bansa ng malnutrisyong laganap. Naging bahagi ang Hilagang Korea ng Nasyones Unidas noong 1991, at kabilang rin sa iba't-ibang organisasyong pandaigdig tulad ng Grupo ng 77, Kilusang Di-Nakahanay, at Porong Rehiyonal ng Samahan ng mga Bansa sa Timog-Silangang Asya.

Ayon sa Artikulo 1 ng saligang batas ng bansa, ang Hilagang Korea ay isang "estadong sosyalistang may kasarinlan", at sa Artikulo 3 nakasaad na ang Juche ang ideolohiyang pampamahalaan ng Hilagang Korea. Ang mga moda ng produksyon ay pag-aari ng estado sa pamamagitan ng mga negosyong pinamamahalaan ng pamahalaan at sakahang kolektibo. Karamihan sa mga paglilingkod kagaya ng pangangalagang pangkalusugan, edukasyon, pabahay, at produksyon ng pagkain ay tinutustusan o pinopondohan ng estado. Sumusunod din ang bansa sa ideolohiyang Songun, ang patakarang "una-militar" ng Hilagang Korea. Ang hukbong tungkuling aktibo nito na binubuo ng halos 1.28 milyong sundalo ay higit 5% ng populasyon ng bansa at ang ikaapat na pinakamalaki sa mundo. Mayroon din ito ng higit 7.769 milyong tauhang aktibo, nakalaan, at paramilitar, halos 30% ng populasyon ng bansa at ang ikalawang pinakamataas na tauhang militar at paramilitar sa buong daigdig. Mayroon ang bansa ng mga sandatang biyolohiko, kimiko, at isa sa iilang bansang mayroon ng mga sandatang nukleyar. Tinatayang mayroon ang Hilagang Korea ng higit 30 hanggang 40 nito.

Ang Hilagang Korea ay isang namamanang diktadurang totalitaryo na pinamumunuan ng dinastiyang Kim. Bagama't mayroong nagaganap na mga halalan sa bansa, itinuturing ito ng mga dayuhang tagapagmasid bilang huwad. Ang Partido ng mga Manggagawa ng Korea, na pinamumunuan ng isang kasapi ng naghaharing pamilya, ay ang partidong nangingibabaw at namumuno ng Demokratikong Hanay para sa Muling Pagkakaisa ng Amang Bayan, kung saan ang lahat ng opisyal sa politika ay kinakailangang maging kasapi. Ang talaan ng pang-aabuso ng mga karapatang pantao sa Hilagang Korea, na tinatanggi ng pamahalaan, ay madalas na itinuturing bilang ang pinakamasama sa mundo. Ito ay kinokondenang internasyonal ng mga organisasyon tulad ng Nasyones Unidas, Unyong Europeo, at mga grupo tulad ng Human Rights Watch (Filipino: Obserbatoryo ng Karapatang Pantao) at Amnesty International (Filipino: Amnestiyang Pandaigdig). Dahil sa pamamahalang dinastiko at paghihiwalay nito sa mundo, tinutukoy ang bansa na "ermitanyong kaharian". Ang panimula ng saligang batas ng bansa ay tumutukoy kina Kim Il-sung at Kim Jong-il, ang una at ikalawang kataas-taasang pinuno ng bansa ayon sa pagkabanggit, bilang mga walang hangganang pinuno ng Jucheng Korea. Dahil dito, isinasaalang-alang ang bansa ng ibang akademiko't kritiko bilang isang estadong teokratiko.

Etimolohiya at mga PangalanBaguhin

 
"Republikang Bayang Demokratiko ng Korea" sa mga sistema ng pagsulat na Chosongul (taas) at Hancha (baba).
Romanisasyong McCune–Reischauer:
Chosŏn Minjujuŭi Inmin Konghwaguk
Binagong Romanisasyon ng Koreano:
Joseon Minjujuui Inmin Gonghwaguk

Ang pangalang Korea ay nagmumula sa pangalang Goryeo (binabaybay din na Koryŏ). Unang ginamit ang pangalang Goryeo ng kahariang sinaunang Goguryeo (Koguryŏ) na isa sa mga kapangyarihang dakila sa Silangang Asya noong panahon nito. Ang ika-10 dantaong kahariang Goryeo ay humalili sa Goguryeo, at sa gayon ay minana ang pangalan nito, na binigkas ng mga bumibisitang Persang mangangalakal bilang "Korea".[1]:323[2] Ang modernong pagbaybay ng salitang Korea ay unang lumitaw noong huling bahagi ng ika-17 dantaon sa mga sulatin sa paglalakbay ni Hendrick Hamel ng Kompanyang Olandes ng Silangang Indiya.[3]

 
Isang mapang Timog Koreano ng tangway ng Korea. Tinutukoy nito ang Hilagang Korea na Bukhan (Koreano: 북한), ang Timog Koreanong katawagang kolokyal sa Hilagang Korea.

Pagkatapos ng paghahati ng tangway ng Korea sa Hilaga at Timog ay gumamit ang dalawang panig ng mga magkaibang termino para tumukoy sa Korea. Ginamit ng Hilagang Korea ang Chosŏn o Joseon (Koreano: 조선) habang ginamit ng Timog Korea ang Hanguk (Koreano: 한국). Noong 1948, ang Hilagang Korea ay pormal na naging Republikang Bayang Demokratiko ng Korea (Koreano: 조선민주주의인민공화국; McCune-Reischauer: Chosŏn Minjujuŭi Inmin Konghwaguk). Ang bawat bahagi ng pangalan ay maingat na pinili. Ang terminong Chosŏn ay pinili dahil ginamit ito noong erang kolonyal upang kilalanin ang tangway. Ang Konghwaguk naman ay pinili kaysa sa Minguk dahil sa mga makaliwang konotasyon nito, ginamit ang termino upang tumukoy sa mga bumubuong republika ng Unyong Sobyetiko. Ginusto ng mga Hilagang Koreano na gumamit ng mga pangalang ginamit nang Silangang Bloke upang magkaroon ang bansa ng pagkakalehitimo. Nagkaroon ng pagpipilian sa katawagang "Republikang Bayan" at "Republikang Demokratiko". Ginamit ito ng mga panandaliang estado na Republikang Bayang Ukranyo ng mga Sobyetiko (ang naging unang bansa gumamit ng katawagang "Republikang Bayan") at Republikang Demokratiko ng Pinlandiya ayon sa pagkakabanggit. Ang katawagang "Republikang Bayan" ay pinaboran ni Pak Hon-yong ng Partido Komunista ng Korea at ginamit ito ng pansamantalang Republikang Bayan ng Korea na nabuo sa Seoul pagkatapos ng pagpalaya sa tangway. Ang "Republikang Demokratiko" naman ay nauugnay sa konseptong Bagong Demokrasya ni Mao Zedong, na nakaimpluwensya kay Kim Tu-bong ng Bagong Partidong Bayan ng Korea. Nagsanib-puwersa ang Bagong Partidong Bayan ng Korea ni Kim Tu-bong at Partido Komunista ng Hilagang Korea. Nang makarating ang paksa kay Kim Il-sung, nagsimula siyang gumamit ng katawagang "Republikang Bayang Demokratiko", kung saan sinaad niya ang ideya sa isang talumpati noong 1946. Iminungkahi naman ni Heneral Nikolai Georgiyevich Lebedev ng Hukbong Sobyetiko na tawagin ang bansa na "Republikang Demokratikong-Bayan" (Ruso: Народно-Демократическая Республика). Nang hinarap ni Kim ang sitwasyon ay napagpasyahan ni Kim na tawagin ang bansa na "Republikang Bayang Demokratiko ng Korea" sa Koreano at Republikang Demokratikong-Bayan" sa Ruso upang isipin ng mga Sobyetiko na sinusunod ang kanilang mga utos at maiulat ni Kim sa mga Koreano na ang kanyang katawagan ang pinili ng mga Sobyetiko. Dahil dito, maaaring sabihin ng magkabilang panig na sila ang gumawa ng pangalan.[4]

Ginagamit ng mga Hilagang Koreano ang katawagang Pukchosŏn (Chosongul: 북조선; Hancha: 北朝鮮; "Hilagang Choson") habang ginagamit ng mga Timog Koreano ang katawagang Bukhan (Hangul: 북한; Hancha: 北韓; "Hilagang Han") upang tumukoy sa Hilagang Korea. Gayunpaman, ang terminong Pukchosŏn ay bihirang ginagamit sa hilaga, bagama't maaari itong matagpuan sa mga dipa-digmang mapagkukunan tulad ng Awit ni Heneral Kim Il-sung.[5] Sa mga rehiyong pangturista sa Hilagang Korea at sa mga opisyal na pagpupulong ng Hilagang Korea at Timog Korea ay ginagamit nila ang mga terminong Bukcheuk ("hilagang panig") at Namcheuk ("timog panig"). Sa politika, ang mga pamahalaan ng Hilaga at Timog Korea ay tumuturing sa kanilang mga sarili bilang ang nag-iisang lehitimong pamahalaan ng buong tangway.[6]:72[7]:506–507 Dahil dito, hindi itinuturing ng mga Hilagang Koreano at Timog Koreano ang kanilang mga sarili bilang mga "Hilagang Koreano" at "Timog Koreano" kundi "Koreano", at ang mga dayuhang bisita ay hinihikayat na hindi gamitin ang mga unang binanggit na termino.[8]

KasaysayanBaguhin

Pagkakahati ng Korea (1945-1948)Baguhin

Sobyetikong Pangasiwaang SibilBaguhin

 
Pagdiriwang sa pagdating ng Hukbong Pula sa Pyongyang noong 14 Oktubre 1945.

Nangako ang Unyong Sobyetiko sa Komperensya ng Tehran noong Nobyembre 1943 at Komperensya ng Yalta noong Pebrero 1945 na sasamahan nito ang kanyang mga kaalyado sa Digmaang Pasipiko sa loob ng tatlong buwan ng tagumpay sa Europa. Noong 8 Agosto 1945, tatlong buwan matapos ang tagumpay, ay nagdeklara ang Unyong Sobyetiko ng digmaan laban sa Imperyo ng Hapon.[9]:82 Mabilis na sumulong ang mga tropang Sobyetiko, at nabahala ang pamahalaang Amerikano na baka masakop nila ang buong Korea. Noong Agosto 10, nagpasya ang pamahalaan ng Amerika na imungkahi ang ika-38 hilera bilang linya ng paghahati sa pagitan ng sonang sasakupin ng URSS sa hilaga at ng sonang sasakupin ng EU sa timog. Tinanggap ng Unyong Sobyetiko ang paghahati, at ang kasunduan ay isinama sa Pangkalahatang Utos Blg. 1 para sa pagsuko ng Hapon.[10]:18 Inaprubahan ang utos noong 17 Agosto 1945, at nailagay ng labing anim na milyong Koreano sa sonang Amerikano at siyam na milyon sa sonang Sobyetiko.[6]:53

 
Watawat ng Sobyetikong Pangasiwaang Sibil. Ito rin ang naging watawat ng Unyong Sobyetiko noong 1924 hanggang 1955.

Sinimulan ng mga puwersang Sobyetiko ang kanilang mga paglapag sa Korea noong Agosto 14 at mabilis nilang naikuha ang hilagang-silangan, at noong Agosto 16 ay dumaong sila sa Wonsan.[11]:86 Nakarating ang Hukbong Pula sa Pyongyang noong Agosto 24 at itinatag nila ang Sobyetikong Pangasiwaang Sibil.[10]:18 Ito ang panahon noong umusbong ang iilang Komiteng Bayan sa Korea. Kaakibat ang mga ito sa Komite sa Paghahanda ng Kasarinlan ng Korea, na noong Setyembre ay nagtatag ng Republikang Bayan ng Korea sa ilalim ng pamamahala ni Lyuh Woon-hyung. Hindi tulad ng kanilang mga Amerikanong katapat, kinilala at nakipagtulungan ang mga Sobyetikong awtoridad sa mga Komiteng Bayan.[7]:227-228[12]:105-107 Nang pumasok ang mga tropang Sobyetiko sa Pyongyang, natagpuan nila ang isang Komiteng Bayang pampook na pinamunuan ng makabansang Kristiyanong beteranong Cho Man-sik.[6]:54-57 Ayon sa ilang salaysay, si Cho Man-sik ang naging unang pili ng pamahalaang Sobyetiko na mamuno sa Hilagang Korea.[13]:12[14]:23

Dumating si Kim Il-sung at 66 na iba pang opisyal ng Hukbong Pula ng Korea sa Wonsan noong Setyembre 19. Nakipaglaban sila sa mga Hapones sa Mantsurya noong dekadang 1930 ngunit nanirahan sa Unyong Sobyetiko at nagsanay sa Hukbong Pula mula noong 1941. Noong Oktubre 14, ipinakilala ng mga Sobyetikong awtoridad si Kim sa publiko ng Hilagang Korea bilang isang bayaning gerilya.[6]:56 Pinagsama-sama ang mga komiteng lokal ng Partido Komunista noong Disyembre 18, 1945 upang mabuo ang Partido Komunista ng Hilagang Korea. Sa parehong buwan naman sa Komperensya sa Mosku ng mga Ministrong Dayuhan ay sumang-ayon ang Unyong Sobyetiko sa isang panukala ng EU para sa isang pagkakatiwala sa Korea hanggang sa limang taon para sa kasarinlan. Humiling agad ang karamihan sa mga Koreano ng kalayaan, ngunit sinuportahan ni Kim at ng iba pang komunista ang pagkakatiwala sa ilalim ng panggipit ng pamahalaang Sobyetiko. Tinutulan ni Cho Man-sik ang panukala sa isang pampublikong pagpupulong noong 4 Enero 1946, at nawala siya sa publiko sa pamamagitan ng pag-arestong bahay.[6]:59[7]:187-190

Komiteng Bayang Probisyonal ng Hilagang KoreaBaguhin
 
Watawat ng Komiteng Bayang Probisyonal ng Hilagang Korea.
 
Pagdiriwang ng pagkatatag ng Komiteng Bayang Probisyonal ng Hilagang Korea noong 8 Pebrero 1946.

Nagkaroon ng pagpupulong ang mga partidong pampolitika, organisasyong panlipunan, komiteng bayan, at kawanihang pampangasiwaan noong 8-9 Pebrero 1946 sa Hilagang Korea na nagtatag ng Komiteng Bayang Probisyonal ng Hilagang Korea. Lumahok sa pulong ang 137 kinatawan na kinabibilangan ng dalawang kinatawan mula sa Partido Komunista ng Korea, dalawang kinatawan mula sa Partido Demokratiko ng Korea, dalawang kinatawan mula sa Alyansang Kasarinlan, dalawang kinatawan mula sa Pederasyong Pangkalahatan ng mga Unyong Paggawa, dalawang kinatawan mula sa Pederasyong Pangkalahatan ng mga Unyong Magbubukid, isang kinatawan mula sa Liga ng Kababaihan, isang kinatawan mula sa Liga ng Kabataang Demokratiko, isang kinatawan mula sa mga asosasyong relihiyoso, isang kinatawan mula sa Asosasyong Pangkalinangang Korea-Sobyetiko, 11 puno ng mga kawanihang pampangasiwaan at mga kinatawan mula sa mga komiteng bayan. Ang bagong komiteng pinangunahan ng mga komunista ay pinamunuan ni Kim Il-sung. Gumawa ng ulat si Kim tungkol sa sitwasyong pampolitika ng Hilagang Korea at ang isyu ng paglikha ng isang komiteng bayang probisyonal sa unang araw ng pulong. Muling inorganisa ang mga Komiteng Bayan bilang Interim Komiteng Bayan. Sinundan ito sa sumunod na araw ng halalan ng 23 kasapi ng Komiteng Bayang Probisyonal ng Hilagang Korea, kung saan naihalal si Kim Il-sung bilang tagapangulo, Kim Tu-bong bilang pangalawang tagapangulo at Kang Ryang-uk bilang kalihim-heneral.[15] Binuo ang komite ng sampung kagawaran at tatlong kawanihan, na sa kalaunan ay nadagdagan ng isa. Si Han Hui-jin ay pinalitan ni Ho Nam-hui bilang puno ng kagawaran ng transportasyon, at si Han Tong-chan ay pinalitan ni Jang Si-u bilang puno ng kagawaran ng komersyo. Sa kalaunan ay naging pinuno ng kagawaran ng paggawa si O Ki-sop kasunod ng paglikha nito noong Setyembre 1946, kung saan si Ri Chong-won ang naging bagong puno ng kawanihan ng propaganda. Nanatiling gumana ang Sobyetikong Pangasiwaang Sibil kasabay nito ngunit naglingkod lamang bilang tagapayo. Sa kabuuan, naglingkod ang komite bilang de factong pamahalaang probisyonal sa lugar na nagsagawa ng mga reporma tulad ng repormang panlupa at pagsasabansa ng mga industriyang pangunahin alinsunod sa 20-Puntong Plataporma na inisyu ni Kim Il-sung noong Marso 1946.[16][17] Ang mga punto sa programa at opisyal sa komite ay nakatala sa ibaba:

 
Sina Pak Chong-ae (ikalawa mula sa kaliwa), Kim Il-sung (gitna), at Kim Tu-bong (ikalawa mula sa kanan) sa magkasamang pagpupulong ng Bagong Partidong Bayan ng Korea at Partido ng mga Manggagawa ng Hilagang Korea sa Pyongyang noong 28 Agosto 1946.
Posisyon Pangalan Partidong Kinakasapian
Tagapangulo Kim Il-sung Partido Komunista
Pangalawang Tagapangulo Kim Tu-bong Alyansang May Kasarinlan
Kalihim-Heneral Kang Ryang-uk Partido Demokratiko ng Korea
Kagawaran ng Industriya Ri Mun-hwan May Kasarinlan
Kagawaran ng Transportasyon Han Hui-jin May Kasarinlan
Kagawaran ng Agrikultura at Panggugubat Ri Sun-gun Partido Komunista
Kagawaran ng Komersyo Han Tong-chan May Kasarinlan
Kagawaran ng Serbisyong Pangkoreo Jo Yong-yol Partido Komunista ng Korea
Kagawaran ng Pananalapi Ri Pong-su Partido Komunista ng Korea
Kagawaran ng Edukasyon Jang Jong-sik Partido Komunista ng Korea
Kagawaran ng Kalusugan Yun Ki-yong Partido Demokratiko ng Korea
Kagawaran ng Katarungan Choe Yong-dal Partido Komunista ng Korea
Kagawaran ng Seguridad Choe Yong-gon Partido Demokratiko ng Korea
Kawanihan ng Pagpaplano Jong Jin-tae Partido Komunista ng Korea
Kawanihan ng Propaganda O Ki-sop Partido Komunista ng Korea
Kawanihan ng Ugnayang Pangkalahatan Ri Ju-yon Partido Komunista ng Korea
  1. Linising ganap ang lahat ng labi ng dating imperyalistang paghaharing Hapones sa pampolitika at pang-ekonomiyang buhay sa Korea.
  2. Buksan ang walang-awang pakikibaka laban sa mga elementong reaksyonaryo at kontra-demokratiko sa loob ng bansa, at ganap na ipagbawal ang mga aktibidad ng mga partido, grupo at indibidwal na pasista at kontra-demokratikong.
  3. Igarantiya ang mga kalayaan sa pagsasalita, pamamahayag, pagpupulong at pananampalataya sa lahat ng tao. Igarantiya ang kondisyon para sa mga malayang aktibidad ng mga demokratikong partidong politikal, mga asosasyong manggagawa, mga asosasyon ng mga magbubukid, at iba pang mga demokratikong organisasyong panlipunang.
  4. Hayaan ang buong bayang Koreano na magkaroon ng tungkulin at karapatang mag-organisa ng mga komiteng bayan, ang mga pinag-isang institusyong pampangasiwaang lokal, sa pamamagitan ng mga halalang batay sa isang balotang panlahat, direkta, pantay at lihim.
  5. Igarantiya ang karapatang pantay sa lahat ng mamamayan anuman ang kasarian, pananampalataya at pagmamay-ari ng ari-arian.
  6. Ipilit ang hindi maaaring labagin ng paninirahan at tao, at ang garantiyang legal ng ari-arian at pag-aaring personal ng mga mamamayan.
  7. Buwagin ang lahat ng institusyong legal at hudisyal na ginamit noong panahon ng dating paghaharing imperyalistang Hapones at naimpluwensyahan din nito, at ihalal ang mga institusyong panghukumang bayan sa mga prinsipyong demokratiko at garantiya ng karapatang pantay sa ilalim ng batas para sa lahat ng mamamayan.
  8. Paunlarin ang mga industriya, sakahan, transportasyon at komersyo para sa pagtaas ng kapakanan ng bayan.
  9. Isabansa ang mga malalaking negosyo, institusyong pangtransportasyon, bangko, minahan at kagubatan.
  10. Payagan at hikayatin ang kalayaan sa pribadong gawaing kamay at komersyo.
  11. Kumpiskahin ang lupa mula sa mga taong Hapones, mamamayang Hapones, traydor, at mga may-ari ng lupa na nagsasagawa ng pagsasaka ng nangungupahan at ang pagbabasura sa sistema ng pagsasaka ng nangungupahan, at gawing mga ari-arian ng mga magsbubukid ang lahat ng nakumpiskang lupa nang walang bayad. Hayaang pangasiwaan ng estado ang lahat ng pasilidad ng patubig nang walang bayad.
  12. Makibaka laban sa mga espekulador at usurero sa pamamagitan ng pagsasabatas ng mga presyo sa pamilihan para sa pang-araw-araw na pangangailangan.
  13. Magpatupad ng iisa at patas na sistema ng buwis, at magpatupad ng progresibong sistemang buwis sa kita.
  14. Magpatupad ng 8-oras na sistema ng trabaho para sa mga manggagawa at klerk sa opisina, at iregulado ang minimong sahod. Ipagbawal ang trabaho para sa mga lalaking sa baba ng edad na 13, at ipatupad ang 6 na oras na sistema ng trabaho para sa mga lalaking may edad na 13 hanggang 16.
  15. Magpatupad ng segurong pambuhay para sa mga manggagawa at klerk sa opisina, at magpatupad ng sistema ng seguro para sa mga manggagawa at negosyo.
  16. Magpatupad ng unibersal na compulsory education system, at malawakang palawakin ang mga primaryang paaralan, gitnang paaralan, mataas na paaralan at unibersidad sa ilalim ng pamamahala ng estado. Repormahin ang sistema ng edukasyon ng mamamayan alinsunod sa demokratikong sistema ng estado.
  17. Aktibong paunlarin ang pambansang kalinangan, agham at sining, at palawakin ang bilang ng mga teatro, aklatan, radyong istasyong pangbrodkast at mga teatrong pangsinehan.
  18. Malawakang maglagay ng mga paaralang espesyal para sa paglinang ng talentong kinakailangan sa lahat ng sektor ng mga pampamahalaang institusyon at ekonomiyang bayan.
  19. Hikayatin ang mga tao't negosyong nakikibahagi sa agham at sining, at magbigay ng tulong sa kanila.
  20. Palawakin ang bilang ng mga pampamahalaang ospital, puksain ang mga nakakahawang sakit, at gamutin ang mga mahihirap nang libre.
 
Mga botante ng Pyongyang na nakapila para sa mga halalang lokal ng Hilagang Korea noong ika-3 ng Nobyembre 1946.

Pagkatapos ay nagpasimula ng mga patakaran ang bagong pamahalaan tulad ng muling pamamahagi ng lupa, pagsasabansa ng industriya, reporma sa batas paggawa, at pagkakapantay-pantay para sa kababaihan. Noong 8 Marso 1946, ipinatupad ang repormang panlupa sa Hilagang Korea na nakita ang pagkumpiska ng lupa mula sa mga mamamayan at organisasyong Hapones, mga Koreanong katuwang, mga may-ari ng lupa, at mga organisasyong panrelihiyon. Ang lupang nakumpiska ay muling ipinamahagi sa 420,000 kabahayan. Kabuuang 52% ng lupain ng Hilagang Korea at 82% ng mga pagmamay-ari sa lupa ang muling ipinamahagi. Muling ipinamahagi ng repormang "lupa sa nagsasaka" ang bulto ng lupaing pang-agrikultura sa mahihirap at walang-lupang populasyong mambubukid na epektibong sinira ang kapangyarihan ng uring maylupa.[18] Noong 24 Hunyo 1946, ipinatupad ang isang 8-oras na araw ng trabaho, kung saan ang mga manggagawang sangkot sa trabahong mapanganib ay itinalaga sa isang 7-oras na araw ng trabaho. Ipinagbawal ang trabaho para sa mga taong nasa ibaba ng 14 taong gulang. Ipinatupad ang suweldong pantay at segurong panlipunan para sa mga manggagawa. Noong 22 Hulyo 1946, isang batas sa pagkakapantay-pantay ng kasarian sa Hilagang Korea ang ipinatupad. Naisabansa noong 10 Agosto 1946 ang 1,034 na pangunahing pasilidad sa industriya, o 90% ng kabuuang industriya sa Hilagang Korea ang naisabansa. Noong 27 Disyembre 1946, napagpasyahan na ang mga magsasaka sa Hilagang Korea ay magbibigay ng 25% ng kanilang ani bilang buwis sa agrikultura.[16]

 
Watawat ng Partido ng mga Manggagawa ng Hilagang Korea.

Sumibol ang iba't-ibang alyansa sa politika; noong Agosto 1946 ay nagsanib ang Partido Komunista ng Hilagang Korea at Bagong Partidong Bayan ng Korea upang mabuo ang Partido ng mga Manggagawa ng Hilagang Korea.[6]:56 Nabuo ang Demokratikong Hanay para sa Muling Pagkakaisa ng Amang Bayan noong Hulyo 1946. Nagkaroon ng mga halalan noong Nobyembre 3 para sa komiteng bayang munisipal ng Pyongyang, 6 na komiteng bayang panlalawigan, 12 komiteng bayang panlungsod, at 90 komiteng bayang pankondado.[19] Ang kabuuang bilang ng mga dumalo para sa halalan ay 99.6%, kung saan 97% ng kabuuang botante ang kalahok sa mga halalan ng mga komiteng bayang panlalawigan, 95.4% sa mga halalan ng mga komiteng bayang panlungsod, at 96.9% sa mga halalan ng mga komiteng bayang pankondado. Kabuuang 3,459 na diputado ang naihalal, kung saan may 1,102 diputadong kaanib sa Partido ng mga Manggagawa ng Hilagang Korea, 352 sa Partido Demokratiko ng Korea, 253 sa Partido Chondoista Chong-u, at 1,753 may kasarinlan. Sa mga naihalal, 510 ang manggagawa, 1,256 ang magsasaka, 1,056 ang na klerk sa opisina, 145 ang mangangalakal, 73 ang negosyante, 311 ang intelektwal, 94 ang relihiyoso, at 14 ay dating panginoong maylupa. Sa lahat ng diputado, 453 ay kababaihan.[16] Noong Disyembre ang demokratikong hanay na pinamumunuan ng Partido ng mga Manggagawa ang nangibabaw sa mga halalan sa Hilagang Korea.[6]:60

Komiteng Bayan ng Hilagang KoreaBaguhin
 
Sagisag ng Komiteng Bayan ng Hilagang Korea.
 
Ginanap ang Kongresong Bayan noong Agosto 1948 sa Haeju, Lalawigan ng Hwanghae. Ang mga tao sa litrato mula kaliwa hanggang kanan: Paek Nam-un, Ho Hon, Pak Hon-yong, at Hong Myong-hui.

Nagsagawa ng pagpupulong noong 17-20 Pebrero 1947 ang mga kinatawan mula sa mga komiteng bayang panlalawigan, panlungsod at pankondado sa Hilagang Korea kasama ang mga kinatawan mula sa mga partidong pampolitika at organisasyong panlipunan, upang i-organisa ang Asembleyang Bayan ng Hilagang Korea sa pamamagitan ng pagpili ng 237 kinatawan. Ang asembleyang bayan ay nagdaos ng unang sesyon nito noong 21-22 Pebrero 1947, na nag-organisa at naglipat ng kapangyarihan ng komiteng bayang probisyonal sa Komiteng Bayan ng Hilagang Korea. Mayroong 1,159 na kinatawang dumalo sa pulong.[15] Ang mga kinatawan ng mga komiteng bayan sa lahat ng antas sa pulong ay pinili batay sa isang kinatawan sa bawat tatlong diputado ng komiteng bayan. Ang bawat partidong pampolitika at organisasyong panlipunan ay nagpadala ng limang kinatawan sa pulong. Pagkatapos, ang mga kinatawan ng pulong ay naghalal ng isang komite na susuriin ang mga nominasyon para sa kandidatura sa asembleyang bayan. Ito ay isang 15-kasaping komite na binuo ni Kim Il-sung (bilang tagapangulo ng komiteng bayan ng Pyongyang), anim na tagapangulo ng komiteng bayang panlalawigan, tatlong kinatawan ng mga partidong pampolitika, at apat na kinatawan ng mga organisasyong panlipunan. Ang komiteng ito ay pumili ng 237 kandidato batay sa 1 kandidato sa bawat limang kinatawan ng pulong.[16] Ang 237 kandidato ay inihalal noon ng lahat ng kinatawan na naroroon sa pulong. Si Kim Il-sung ang naihalal bilang tagapangulo batay sa panukala ng pinuno ng Demokratikong Pambansang Nagkakaisang Hanay na si Choe Yong-gon. Ang 237 diputadong inihalal ng asembleya ay binuo ng 86 na mula sa Partido ng mga Manggagawa ng Hilagang Korea, 30 mula sa Partido Demokratiko ng Korea, 30 mula sa Partido Chondoista Chong-u, at 91 may kasarinlan. Kabilang sa 237 diputadong halal ng asembleya ay 52 manggagawa, 62 magsasaka, 56 na klerk sa opisina, 36 na intelektwal, 7 negosyante, 10 mangangalakal, 4 na manggagawa, at 10 taong relihiyoso.[20] Nagbigay ng awtorisasyon ang asembleya kay Kim Il-sung na ayusin ang komite. Nang nag-iral ang komite ay itinatag ni Kim ang Hukbong Bayan ng Korea noong 8 Pebrero 1948. Ang listahan ng mga opisyal at estraktura ng asembleya ay nakatala sa ibaba:

Asembleyang Bayan ng Hilagang Korea

북조선인민회의
Estruktura
Mga puwesto237
 
Mga grupong pampolitika
  Partido ng mga Manggagawa ng Hilagang Korea (86)
  Partido Demokratiko ng Korea (30)
  Partido Chondoista Chong-u (30)
  May Kasarinlan (91)
Halalan
Halalang indirekta
Huling halalan
17-20 Pebrero 1947
Lugar ng pagpupulong
Pyongyang
Posisyon Pangalan Partidong Kinakasapian
Tagapangulo Kim Il-sung Partido ng mga Manggagawa ng Hilagang Korea
Pangalawang Tagapangulo Kim Chaek Partido ng mga Manggagawa ng Hilagang Korea
Hong Ki-ju Partido Demokratiko
Kalihim-Heneral Han Pyong-ok Partido ng mga Manggagawa ng Hilagang Korea
Kagawaran ng Pagpaplano Jong Jun-taek Partido ng mga Manggagawa ng Hilagang Korea
Kagawaran ng Industriya Ri Mun-hwan May Kasarinlan
Kagawaran ng Ugnayang Panloob Pak Il-u Partido ng mga Manggagawa ng Hilagang Korea
Kagawaran ng Ugnayang Panlabas Ri Kang-guk Partido ng mga Manggagawa ng Hilagang Korea
Kagawaran ng Pananalapi Ri Pong-su Partido ng mga Manggagawa ng Hilagang Korea
Kagawaran ng Transportasyon Ho Nam-hui May Kasarinlan
Kagawaran ng Agrikultura at Panggugubat Ri Sun-gun Partido ng mga Manggagawa ng Hilagang Korea
Kagawaran ng Serbisyong Pangkoreo Ju Hwang-sop Partido Chondoista Chong-u
Kagawaran ng Komersyo Jang Si-u Partido ng mga Manggagawa ng Hilagang Korea
Kagawaran ng Kalusugan Ri Tong-yong Partido Demokratiko
Kagawaran ng Edukasyon Han Sol-ya Partido ng mga Manggagawa ng Hilagang Korea
Kagawaran ng Paggawa O Ki-sop Partido ng mga Manggagawa ng Hilagang Korea
Kagawaran ng Katarungan Choe Yong-dal Partido ng mga Manggagawa ng Hilagang Korea
Kagawaran ng Pagsesensurang Pampubliko Choe Chang-ik Partido ng mga Manggagawa ng Hilagang Korea
Kawanihang Tagapagpaganap Jang Jong-sik Partido ng mga Manggagawa ng Hilagang Korea
Kawanihan ng Propaganda Ho Jong-suk Partido ng mga Manggagawa ng Hilagang Korea
Kawanihan ng Patakaran sa Pagkain Song Pong-uk Partido ng mga Manggagawa ng Hilagang Korea
Kawanihan ng Ugnayang Pangkalahatan Kim Jong-ju Partido Chondoista Chong-u

Ang asembleya ng komiteng bayan ay gumamit ng mga kapangyarihang pambatas at nagsilbing pinakamataas na institusyon ng kapangyarihan ng estado. Ginamit nito ang mga sumusunod na kapangyarihan sa panahon ng kanyang pag-iral: piliin ang tagapangulo ng Komiteng Bayan ng Hilagang Korea; ihalal ang pinuno ng Kataas-taasang Hukuman; ihalal ang pinuno ng Kataas-taasang Opisina ng Tagausig; magpasya sa kalakalang panlabas; protektahan ang pambansang seguridad; pagtibayin ang planong pang-ekonomiya; aprubahan ang badyet ng estado; lumikha at baguhin ang mga pampangasiwaang lugar; at maglabas ng mga desisyon sa pagpapatupad ng mga amnestiya. Kapag nasa reseso ang asembleya, ginagamit ang mga kapangyarihan nito sa kanyang ngalan ng Permanenteng Komite ng asembleya. Nagpulong ang asembleya sa mga sesyong regular ng isang beses bawat tatlong buwan. Kabuuang limang sesyong regular at isang sesyong pambihira ang ginanap nito.[20]

Sesyon Tagal Mga Kapasiyahan
Ika-1 21-22 Pebrero 1947
  • Inaprubahan ang ulat na "Sa pagrepaso sa gawain ng Komiteng Bayang Probisyonal ng Hilagang Korea.
  • Nahalal si Kim Il-sung bilang tagapangulo ng Komiteng Bayan.
  • Pinahintulutan si Kim Il-sung na ayusin ang Komiteng Bayan.
  • Naihalal ang Permanenteng Komite ng Asembleyang Bayan.
  • Inaprubahan ang "Komiteng Bayan ng Hilagang Korea".
  • Inaprubahan ang "Mga Regulasyon sa Hukuman ng Hilagang Korea at ang Opisina ng Tagausig ng Hilagang Korea.
  • Naihalal ang pinuno ng Kataas-taasang Hukuman.
  • Itinalaga ang pinuno ng Kataas-taasang Opisina ng Tagausig.
  • Napagtalakayan at nagpasya sa mga panukalang batas.
Ika-2 15-16 Mayo 1947
  • Tinalakay at nagpasya sa komprehensibong badyet ng Hilagang Korea.
  • Nagpasya sa pag-apruba ng "Ordinansa sa komprehensibong badyet ng Hilagang Korea para sa 1947".
  • Nagpasya sa pag-apruba ng "Ordinansa sa pagbabago ng mga pampangasiwaang lugar ng mga kondado sa Lalawigan ng Timog Pyongan.
  • Pinagtibay ang desisyon sa halalang pandagdag ng mga hukom sa Kataas-taasang Hukuman ng Hilagang Korea.
  • Naghalal ng mga hukom sa Kataas-taasang Hukuman.
Ika-3 18-19 Nobyembre 1947
  • Tinalakay at nagpasya sa pag-oorganisa ng isang komite para sa pagsasabatas ng konstitusyong probisyonal ng Korea.
  • Tinalakay at nagpasya sa pagbalangkas ng isang konstitusyong probisyonal ng Korea.
  • Inaprubahan ang panukala ng Permanenteng Komite ng Asembleyang Bayan sa paghahanda ng konstitusyong probisyonal ng Korea.
  • Inorganisa ang komite para sa pagsasabatas ng konstitusyong probisyonal ng Korea.
  • Pinagtibay ang desisyon sa pagtatalaga sa pagbalangkas ng konstitusyong probisyonal ng Korea sa sunod na Asembleyang Bayan.
  • Pinagtibay ang mga naaprubahang desisyon ng Permanenteng Komite ng Asembleyang Bayan at Komiteng Bayan ng Hilagang Korea pagkatapos ng ika-2 sesyon ng Asembleyang Bayan.
Ika-4 6-7 Pebrero 1948
  • Inihatid ni Kim Il-sung ang ulat na "Sa pagsusuri ng katuparan ng plano ng 1947 at ang plano ng pag-unlad ng ekonomiyang bayan ng 1948".
  • Tinalakay at inaprubahan ang desisyon sa 1948 komprehensibong badyet.
  • Tinalakay ang ulat ng komite para sa pagsasabatas ng konstitusyong probisyonal ng Korea.
Pambihira 28-29 Abril 1948
  • Nirepaso ang mga resulta ng gawain ng talakayan tanyag sa pagbalangkas ng konstitusyon ng Republikang Bayang Demokratiko ng Korea.
  • Inaprubahan ang desisyon sa pag-endorso sa orihinal na burador ng konstitusyon.
Ika-4 9-10 Hulyo 1948
  • Inihatid ni Kim Il-sung ang ulat na "Sa pagpapatupad ng konstitusyon ng Republikang Bayang Demokratiko Korea".
  • Nagpasya sa pagdaraos ng halalan ng Kataas-taasang Asembleyang Bayan noong 25 Agosto 1948.

Pagtatatag ng Demokratikong Republikang Bayan ng KoreaBaguhin

 
Sina Kim Il-sung (kaliwa) at Kim Gu (kanan) noong 1948.

Dahil nabigong umunlad ang mga negosasyon sa Unyong Sobyetiko ukol sa hinaharap ng Korea, dinala ng Estados Unidos ang isyu sa Nasyones Unidas noong Setyembre 1947. Bilang tugon, itinatag ng ONU ang Komisyong Pansamantala sa Korea ng Nasyones Unidas upang magdaos ng halalan sa Korea. Tinutulan ng Unyong Sobyetiko ang hakbang na ito. Sa kawalan ng kooperasyong Sobyetiko, napagpasyahan na idaos ang halalan na pinangangasiwaan ng ONU sa timog lamang.[6]:66 Noong Abril 1948, nagpulong sa Pyongyang ang komperensya ng mga organisasyon mula sa Hilaga at Timog, ngunit wala itong naging resulta. Ang mga politiko sa timog na sina Kim Gu at Kim Kyu-sik ay dumalo sa komperensya at binoykot ang mga halalan sa Timog.[7]:211, 507 Dahil dito, postumong iginawad sa kanila ng Hilagang Korea ang Gantimpalang Pambansa ng Muling Pagkakaisa.[21] Ang mga halalan ay ginanap sa Timog Korea noong 10 Mayo 1948, at noong Agosto 15 ay pormal na umiral ang Republika ng Korea.[6]:67 Isang prosesong parallel ang naganap sa Hilagang Korea. Isang bagong Kataas-taasang Asembleyang Bayan ang inihalal noong Agosto 1948, at noong ika-3 ng Setyembre isang konstitusyong bago ang ipinahayag. Ang Republikang Bayang Demokratiko ng Korea ay ipinahayag noong Setyembre 9, 1948. Si Terentiy Fomich Shtykov ang naging embahador ng Unyong Sobyetiko sa bansa habang sina Kim Il-sung at Kim Tu-bong ang naging tagapangulo at premiyer ayon sa pagkabanggit.[6]:60-61 Kinilala ng Unyong Sobyetiko ang pamahalaan ni Kim bilang ang pamahalaang soberano ng buong tangway, kabilang ang timog.[22] Bilang tugon, tinanggap ng Asembleyang Pangkalahatan ng Nasyones Unidas noong 12 Disyembre 1948 ang ulat ng komisyong pansamantala nito at idineklara ang Republika ng Korea bilang "tanging pamahalaang legal sa Korea".[6]:67

Naging absolutong estadong komunista ang Hilagang Korea noong 1949. Lahat ng partido at organisasyong masa ay sumali sa Demokratikong Hanay para sa Muling Pagkakaisa ng Amang Bayan, na tila isang prenteng popular ngunit sa katotohanan ay pinangunahan ng mga komunista. Noong 24 Hunyo 1949 ay pinagsanib ang Partido ng mga Manggagawa ng Hilagang Korea sa katimugang katapat nito na Partido ng mga Manggagawa ng Timog Korea upang maging Partido ng mga Manggagawa ng Korea, kasama si Kim bilang tagapangulo ng partido.[12]:148 Mabilis na kumilos ang pamahalaan upang magtatag ng isang sistemang pampolitika na bahagyang naka-istilo sa sistemang Sobyetiko, na may kapangyarihang pampolitikang monopolisado ng partido.

Pamumuno ni Kim Il-sung (1948-1994)Baguhin

Digmaang KoreanoBaguhin

Ang konsolidasyon ng pamahalaan ni Rhee Syngman sa Timog na may suportang militar ng Amerika at ang pagsugpo sa insureksyon noong Oktubre 1948 ay nagwakas sa pag-asa ng Hilagang Korea na ang isang himagsikan sa Timog ay maaaring muling pagsama-samahin ang Korea, at mula sa unang bahagi ng 1949 ay humingi si Kim Il-sung ng suporta ng mga Sobyetiko at Tsino para sa isang kampanyang militar upang muling pag-isahin ang bansa sa pamamagitan ng puwersa. Ang pag-alis ng karamihan sa mga pwersa ng EU mula sa Timog Korea noong Hunyo 1949 ay nag-iwan sa katimugang pamahalaan na ipinagtatanggol ng hukbo nito na mahina at walang karanasan. Kinailangan ding harapin ng rehimen ang mga mamamayan nitong hindi tapat. Sa kabaligtaran, ang hukbo ng Hilaga ay nakinabang mula sa kagamitan ng Unyong Sobyetiko na ginamit ng bansa noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, at mayroon ng mga beteranong sanay na nakipaglaban bilang mga gerilyang anti-Hapon o kasama ng mga komunistang Tsino.[23] Noong 1949 at 1950, naglakbay si Kim Il-sung sa Mosku kasama ang Timog Koreanong pinunong komunista na si Pak Hon-yong upang itaas ang suporta sa mga Sobyetiko para sa isang digmaan ng muling pagsasanib.[6]:72 Noong una ay tinanggihan ni Iosif Stalin ang mga kahilingan ni Kim Il-sung para sa pahintulot na salakayin ang Timog, ngunit ginawa niyang muling isaalang-alang ang panukala ni Kim noong huling bahagi ng 1949 sa tagumpay ng himagsikang komunista sa Tsina at ang pagbuo ng mga sandatang nukleyar ng Unyong Sobyetiko. Pagkatapos ipahiwatig ni Mao Zedong noong Enero 1950 na magpapadala ang Republikang Bayan ng Tsina ng mga tropa at iba pang suporta kay Kim, inaprubahan ni Stalin ang pagsalakay.[24]:66-67 Ang mga Sobyetiko ay nagbigay ng suportang limitado sa pamamagitan ng mga tagapayo na tumulong sa mga Hilagang Koreano habang pinaplano nila ang operasyon at mga Sobyetikong instruktor ng militar upang sanayin ang ilan sa mga yunit ng Korea. Gayunpaman, sa simula pa lang ay nilinaw na ni Stalin na iiwasan ng Unyong Sobyetiko ang komprontasyong direkta sa EU sa Korea at hindi maglalagay ng mga puwersa sa lugar kahit magkaroon ng malaking krisis militar.[25]:10

Pagka-Digmang Muling PagpapaunladBaguhin

Pamumuno ni Kim Jong-il (1994-2011)Baguhin

Martsang MahirapBaguhin

Patakarang ArawanBaguhin

Pagkalunod ng Cheonan at Pagbobomba ng YeonpyeongBaguhin

Pamumuno ni Kim Jong-un (2011-kasalukuyan)Baguhin

Krisis sa Hilagang Korea (2017-2018)Baguhin

Pandemyang COVID-19Baguhin

HeograpiyaBaguhin

TopograpiyaBaguhin

 
Topograpikong mapa ng Hilagang Korea.

Sinasakop ng Hilagang Korea ang hilagang bahagi ng Tangway ng Korea, na nasa pagitan ng mga latitud na 37° at 43°H, at mga longitud na 124° at 131°S. Sumasaklaw ito ng sukat na 120,540 kilometrong kuwadrado (46,541 milyang kuwadrado).[26] Sa kanluran nito ay ang Dagat Dilaw at Look ng Korea, at ang nasa silangan nito ay ang Hapon sa kabila ng Dagat ng Hapon.

Nagkaroon ang Hilagang Korea ng midyang markang 8.02/10 noong 2019 sa Talatuntunan ng Integridad ng Paysaheng Kagubatan, at niraranggo ito bilang ika-28 sa buong mundo sa 172 bansa. Ang bansa ay naglalaman ng tatlong panlupang ekorehiyon: kagubatang nangungulag ng Gitnang Korea, magkahalong kagubatan ng Bulubunduking Changbai, at magkahalong kagubatan ng Mantsurya.[27][28][29][30]

 
Pintura na inilalarawan sina Kim Il-sung at Kim Jong-il na tumatayo sa tuktok ng Bundok Paektu.

Sinabi ng mga naunang bisitang Europeo sa Korea na ang bansa ay kahawig ng "isang dagat sa malakas na unos" dahil sa maraming bulubunduking sunud-sunod na kumukrus sa tangway. Mga 80 bahagdan ng lupain ng Hilagang Korea ay binubuo ng mga bundok at kabundukan, na pinaghihiwalay ng mga malalim at makipot na lambak. Lahat ng bundok ng tangway na may taas na 2,000 metro (6,600 talampakan) o higit pa ay matatagpuan sa Hilagang Korea. Ang malaking mayorya ng populasyon ay naninirahan sa mga kapatagan at mababang lupain.[31]

 
Litrato ng Bundok Kumgangsan, isang tanyag na bundok sa Hilagang Korea dahil sa kagandahan nito.

Ang Bundok Paektu ang pinakamataas na punto sa Hilagang Korea sa 2,743 metro (8,999 talampakan). Isa itong bulkang bundok na malapit sa Mantsurya na may basalt na lavang talampas na mayroong taas sa pagitan ng 1,400 metro (4,600 talampakan) at 2,000 metro (6,600 talampakan) sa ibabaw ng antas ng dagat. Itinuturing na isang sagradong lugar ng mga Koreano. Ayon sa mitolohiyang Koreano, isinilang dito si Dangun, ang nagtatag ng unang kaharian sa Korea na Gojoseon. May kahalagahan ang bundok sa kalinangang Koreano at isinama sa detalyadong alamat ng kulto ng pagkatao na nakapalibot sa dinastiyang Kim. Isang tanyag na pampamahalaang propagandang alamat ay sumasaad na ang bundok ang lugar ng kapanganakan ni Kim Jong-il. Binabanggit ang bundok sa pambansang awit ng parehong Korea at sa iba't-ibang awiting propaganda, isang halimabawa ang awiting "Pupunta Tayo sa Bundok Paektu" na umaawit bilang papuri kay Kim Jong-un at naglalarawan ng simbolikong paglalakbay sa bundok.[32]

 
Litrato ng Ilog Yalu, kilala ng mga Koreano bilang Ilog Amnok. Ito ang pinakamahabang ilog sa Hilagang Korea.

Marami ng bulundukin sa bansa, iilan sa kabilang dito ang Bulubunduking Hamgyong na matatagpuan sa sukdulang hilagang-silangan na bahagi ng tangway ay mayroon ng maraming matataas na taluktok, kabilang ang Kwanmobong sa humigit-kumulang 2,541 metro (8,337 talampakan); ang Bulubunduking Rangrim na matatagpuan sa hilaga-gitnang bahagi ng Hilagang Korea at tumatakbo sa direksyong hilaga-timog, na ginagawang mahirap ang komunikasyon sa pagitan ng silangan at kanlurang bahagi ng bansa; at ang Bulubunduking Kangnam na tumatakbo sa kahabaan ng hangganang Hilagang Korea–Tsina. Ang Bundok Kumgangsan, na kilala rin bilang ang Bundok Dyamante, (humigit-kumulang 1,638 metro (5,374 talampakan)) na matatagpuan sa Bulubunduking Thaebaek na umaabot sa Timog Korea, ay sikat dahil sa magandang tanawin nito. Ang mga bulubundukin sa hilaga at silangang bahagi ng Hilagang Korea ay bumubuo sa kuwenka para sa karamihan ng mga ilog nito, na dumadaloy sa direksyong kanluran at umaagos sa Dagat Dilaw at Look ng Korea. Ang pinakamahaba ay ang Ilog Yalu (kilala sa Korea bilang Ilog Amnok) na maaaring maugitanan sa 678 km ng 790 kilometro (490 milya) nito. Ang Ilog Tumen, isa sa iilang malalaking ilog na dumadaloy sa Dagat Hapon, ay ang ikalawang pinakamahaba sa 521 kilometro (324 milya) ngunit nalalayag lamang ng 85 kilometro (53 milya) dahil sa bulubunduking topograpiya. Ang Ilog Taedong ang ikatlong pinakamahabang ilog sa bansa, dumadaloy ito sa Pyongyang at maaaring maugitanan sa 245 ng 397 kilometro nito. Maliliit ang mga lawa dito dahil sa kakulangan ng aktibidad na gleysyal at katatagan ng kortesa ng Daigdig sa rehiyon. Hindi tulad ng kalapit na Hapon o hilagang Tsina, ang Hilagang Korea ay nakakaranas ng kaunting matinding lindol. Ang bansa ay may iilang spang natural at mainit na bukal, tinatayang 124 ito lahat-lahat ayon sa isang Hilagang Koreanong mapagkukunan.[33][34]

KlimaBaguhin

KapaligiranBaguhin

Pangkalahatang-ideya at BiyodibersidadBaguhin

 
Ang Bundok Myohyang, isang sagradong bundok sa mga Koreano.

Ang kapaligiran ng Hilagang Korea ay magkakaiba, ito'y sumasaklaw ng mga ekosistemang alpina, kagubatan, bukirin, tubig-tabang, at marino. Mahigit sa 80 bahagdan ng Hilagang Korea ay bulubundukin kung saan ang pagtatanim ay nakakulong sa mga baybaying silangan at kanluran. Ayon sa ulat ng Programang Pangkapaligiran ng Nasyones Unidas noong 2003, sakop ng kagubatan ang higit sa 70 bahagdan ng bansa, karamiha'y nasa mga matarik na dalisdis. Gayunpaman, ang ibang mga pag-aaral ay nagmungkahi na dahil sa deporestasyon, ang kagubatan ay nasa 50% lamang. Mayroong siyam na ilog at maraming maliliit na daluyan ng tubig sa bansa. Dahil sa kasaysayang heolohikal nito, ang bansa ay may saklaw ng behetasyon mula sa mga sonang subtropiko, mapagtimpi at napakalamig na kayang mabuhay nang magkakasama dahil sa pinagsamang epekto ng mga klimang oseaniko at kontinental. Sa nakalipas na mga taon, ang kapaligira'y naiulat na nasa isang estado ng "krisis", "sakuna", o "pagbagsak".[35][36][37][38][39][40][41]

 
Mga landas ng migrasyon at pahingahang lupa ng Limosa lapponica sa Dagat Dilaw.

Noong 2003, ang mga espesyeng hayop at halaman sa Hilagang Korea ay iniulat na "masagana". Apat na bahagdan ng mas mataas na uri ng halaman ang iniulat na nanganganib, mahina, bihira, o bumababa. Labing-isang bahagdan ng mga espesyeng bertebrado ay iniulat na kritikal na nanganganib, nanganganib, o bihira. Noong 2013, isang delegasyon ng mga bumibisitang dalub-agham ang nag-ulat ng malaking pagkawasak sa kapaligiran ng bansa. Inilarawan nila ang kawalan ng mga hayop at sinabi na ang "tanawin ay talagang patay". Ang kalagayang ito ay inilarawan bilang "napakalubha na maaaring masira ang katatagan ng buong bansa". Gayunpaman, isang grupo ng mga tagamasid ng ibon mula sa Bagong Selanda ay bumisita sa Dagat Dilaw sa lalawigan ng Timog Pyongan noong 2016 at iniulat na ang mga maputik na lugar doon ay naging kanlungan para sa mga ibon. Ang relatibong kakulangan ng pag-unlad doon kung ikumpara sa kalapit na Tsina at Timog Korea ay nagbigay ng kanlungan para sa ilang pandaigdigang mahalagang ibon - tulad ng kritikal na nanganganib na Numenius madagascariensis, Numenius arquata, at Limosa lapponica sa kanilang migrasyon sa kahabaan ng Rota ng Silangang Asya-Australasya.[42][43][44][45]

 
Ang Pinus densiflora, isang punong laganap sa Hilagang Korea.

Ang sanghalamanan ng Hilagang Korea ay may malaking pagkakatulad sa ibang mga lugar sa hilagang hating-daigdig. Humigit-kumulang 2898 espesye ang naitala, kung saan 14% ay endemiko. Apat ang inuri bilang nanganganib. Ang mga katutubong pamayanang halaman sa mababang lupain ay higit na naglaho sa paglilinang at urbanisasyon. Ang mga katutubong pamayanang kagubatang pinophyta ay matatagpuan sa kabundukan. Ang mga uri ng kagubatan ay pangunahing subartiko (boreal) at kagubatang templado-malamig. Ang Pinus densiflora ay nangingibabaw sa mga kagubatang konipero sa buong Hilagang Korea, at dumami din sa mga lugar na binago ng epekto ng tao. Ang pangunahing harding botaniko sa Hilagang Korea ay ang Gitnang Harding Botanikal na itinatag noong 1959. Matatagpuan ito sa paanan ng Bundok Taesongsan sa Pyongyang.

Tatlong espesyeng nanganganib ay lubhang natatangi na nauuri sa kanilang sariling saring monotipiko. Ang nanganganib na Pentactina rupicola ng pamilyang Rosaceae ay matatagpuan lamang malapit sa tuktok ng Bundok Kumgang sa Kangwon Province. Ang nag-iisang miyembro ng sari nito, ang mga relasyon nito ay hindi malinaw, ngunit ang pagsuring molekular ay nagmumungkahi na ang pinakamalapit na kamag-anak nito ay ang saring Hilagang Amerikano na Petrophytum. Ang kritikal na nanganganib na Abeliophyllum distichum ay mula sa gitnang tangway ng Korea at gaya ng Pentactina rupicola ay kabilang din ito sa isang sari kung saan ito ang nag-iisang miyembro. Mula sa Korea ay ipinakilala ito sa hortikultura sa Inglatera at Hilagang Amerika, pati na rin sa paglilinang sa Hilagang Korea. Ang Sophora koreensis ay inuri din sa sarili nitong sari, ngunit ang Echinosophora ay natagpuang henetikong nasa loob ng saring Sophora.

Suliranin at Programang PangkalikasanBaguhin

Aang kapaligiran ng Hilagang Korea ay kilala na hindi gaanong kontaminado kaysa sa Timog Korea, ngunit ang Hilagang Korea ay nasa malubhang kalagayan din ng polusyon sa kapaligiran dahil sa kakulangan ng kamalayan, pamumuhunan, kondisyong teknolohikal, at walang ingat na pag-unlad na sumisira sa kalikasan. Sa ngayon, ang kinatawan ng Hilagang Korea ay lumahok sa Sumite ng Rio at nagpahayag ng kanyang intensyon na tumugon sa mga konsultasyong interkoreano sa mga isyung pangkapaligiran. Ang kalagayang pangkalikasan sa Hilagang Korea ay hindi pa rin ganoon kakilala sa labas ng mundo, at ang mga kaugnay na pinsala ay paulit-ulit lamang na iniuulat.[46][47]

Mga Hangganan, Baybayin, at IslaBaguhin

Paghahating PampangasiwaanBaguhin

 
Pangkalahatang paghahating pampangasiwaan ng Hilagang Korea.

Ang mga paghahating pampangasiwaan ng Hilagang Korea ay nakasaayos sa tatlong antas. Ang una at pinakamataas na antas ay sinasaklaw ang siyam na lalawigan at apat na espesyal na lungsod, ang ikalawang antas ay binubuo ang mga lungsod, kondado, at distrito, at ang ikatlong antas ay nahahati sa mga bayan, kapitbahayan, nayon, at distrito ng mga manggagawa. Ang sistemang pampangasiwaan na ito na kasalukuyang ginagamit sa Hilagang Korea ay unang pinasinayaan ni Kim Il-sung noong 1952 bilang bahagi ng malawakang muling pagtatatag pamahalaang lokal. Noong nakaraan ay gumamit ang bansa ng maraming-antas na sistema katulad ng ginagamit pa sa Timog Korea.

Unang AntasBaguhin

Ang siyam na lalawigan sa Hilagang Korea ay nagmula sa tradisyonal na mga lalawigan ng Korea, ngunit higit pa itong hinati simula noong pagkakahati ng Korea. Ang mga ito ay malalaking lugar kabilang ang mga lungsod, kanayunan at bulubunduking rehiyon. Ang tatlong espesyal na lungsod at natatanging direktang pinamamahalaang lungsod ay mga malalaking lungsod ng kalakhan na hiniwalay sa kanilang mga dating lalawigan upang maging mga unang antas na yunit. Mayroon ng apat na iba pang mga lungsod (Chongjin, Hamhung, Kaesong, at Gwangju) na direktang pinamamahalaan sa nakaraan, ngunit sa paglipas ng panahon ay muling pinagsama ang iba sa kanilang mga lalawigan o kung hindi man ay muling isinaayos. Ang mga espesyal na lungsod ay mayroon ng pantay na katayuan sa mga lalawigan.

Mapa Kodigo Pangalan
(Filipino)
Pangalan
(Chosongul)
Pangalan
(Hanja)
Kabisera
Direktang Pinamamahalaang Lungsod
(Chosongul: 직할시; Hanja: 直轄市; MR: chikhalsi)
KP-01 Pyongyang 직할시 平壤市
Lalawigan
(Chosongul: ; Hanja: MR: to)
KP-02 Timog Pyongan 평안남도 平安南道 Pyongsong
KP-03 Hilagang Pyongan 평안북도 平安北道 Sinuiju
KP-04 Chagang 자강도 慈江道 Kanggye
KP-05 Timog Hwanghae 황해남도 黃海南道 Haeju
KP-06 Hilagang Hwanghae 황해북도 黃海北道 Sariwon
KP-07 Kangwon 강원도 江原道 Wonsan
KP-08 Timog Hamgyong 함경남도 咸鏡南道 Hamhung
KP-09 Hilagang Hamgyong 함경북도 咸鏡北道 Chongjin
KP-10 Ryanggang 량강도 兩江道 Hyesan
Espesyal na Lungsod
(Chosongul: 특별시; Hanja: 特別市 MR: t'ŭkpyŏlsi)
KP-11 Rason 라선특별시 羅先市
KP-12 Nampo 남포시 南浦市
KP-13 Kaesong 개성시 開城市

Ikalawa at Ikatlong AntasBaguhin

 
Ikalawang antas ng paghahating pampangasiwaan sa Hilagang Korea.

Ang pinakakaraniwang ikalawang antas na paghahati ay ang kondado (Chosongul: ; Hanja: ; MR: kun), isang hindi gaanong urbanisadong lugar sa loob ng isang lalawigan o direktang pinamamahalaang lungsod. Ang mga mas mataong distrito sa loob ng mga lalawigan ay mga lungsod (Chosongul: ; Hanja: ; MR: si). Ang mga sentrong panlungsod ng mga direktang pinamamahalaang lungsod ay isinaayos sa mga distrito (Chosongul: 구역; Hanja: 區域; MR: kuyŏk).

Ang mga bahaging rural ng mga lungsod at kondado ay isinaayos sa mga nayon (Chosongul: ; Hanja: ; MR: ŭp). Ang mga bayanang lugar sa loob ng mga lungsod ay nahahati sa mga kapitbahayan (Chosongul: ; Hanja: ; MR: tong), at ang mga mataong bahagi ng isang kondado ay bumubuo ng isang bayan (Chosongul: ; Hanja: ; MR: ri). Ang ibang kondado ay mayroon ng mga distrito ng mga manggagawa (Chosongul: 로동자구; Hanja: 勞動者區; MR: rodongjagu).

Pamahalaan at PolitikaBaguhin

Istraktura ng PamahalaanBaguhin

Pampolitikang Kalagayan at PagpapaunladBaguhin

Pagpapatupad ng Batas at Panloob na SeguridadBaguhin

Ugnayang PanlabasBaguhin

EkonomiyaBaguhin

Pangkalahatang SitwasyonBaguhin

Imprastraktura, Enerhiya, at TransportasyonBaguhin

Agham at TeknolohiyaBaguhin

Lihim na "Silid 39"Baguhin

LipunanBaguhin

DemograpikoBaguhin

EdukasyonBaguhin

KalusuganBaguhin

Karapatang PantaoBaguhin

RelihiyonBaguhin

WikaBaguhin

KalinanganBaguhin

Arkitektura at SiningBaguhin

 
Isang Hilagang Koreanong artistang nagpipinta sa Estudyong Pansining ng Mansudae.

Ang biswal na sining sa bansa ay karaniwang ginawa sa estetika ng reyalismong sosyalista. Pinagsasama ng pagpipintang Hilagang Koreano ang impluwensya ng ekspresyong biswal ng mga Hapones at Sobyetiko upang maitanim ang katapatang sentimental sa sistema.[48] Lahat ng artista ay kinakailangang sumali sa Unyon ng mga Artista, at ang mga pinakamahusay ay maaaring makatanggap ng isang lisensyang opisyal upang ilarawan ang mga pinuno. Ang mga litrato at eskultura na naglalarawan kina Kim Il-sung, Kim Jong-il at Kim Jong-un ay inuuri bilang "mga gawaing numero uno".[49]

 
Mga rebulto at pinturang pangpropaganda sa Estudyong Pansining ng Mansudae.

Sa panahon ng pamamahala ni Kim Il-sung ay pinayagan lamang ang pagpipinta sa henerong reyalistang sosyalista. Pagkatapos ng kamatayan ni Kim Il-sung noong 1994 ay pinaluwag at minsa'y ganap na inalis ang mga direktiba sa pagpipinta sa ilalim ni Kim Jong-il. Ang mga bagong anyo ng sining, kabilang ang isang kakaibang uri ng impresyonismo sa Hilagang Korea ay umakma sa mga poster. Makikita ang ibang anyo ng sining sa mga pelikulang makabayan na nangibabaw sa kalinangan mula 1949 hanggang 1994, at ang muling nagising na arkitektura, kaligrapya, gawang tela, at pagpipintang neo-tradisyonal na naganap mula 1994 hanggang sa kasalukuyan. Malaki ang naging epekto nito sa mga manghihimagsik na poster, litograpiya at mga multiplo, pelikulang pandula at dokumental, pagpipintang makatotohanan, arkitekturang engrande, at maliit sa palayukang domestiko, seramika, at pananahing eksportable. Ang mga palakasang sining at pampolitikang manghihimagsik na poster ay ang pinakasopistikado at internasyonal na kinokolekta ng mga bahay ng subasta at kolektor ng espesyalidad. Sina Duk Soon Fwhang at Chung Soon Fwhang O'Dwyer, dalawang magkapatid na Hilagang Koreanong pintor na tumakas sa Estados Unidos noong huling bahagi ng mga 1950, ay umiwas sa mga tahasang pampolitikang pahayag at pabor sa tanawing mabagsik, na pinag-ugnay ang mga pamamaraan ng pagpipinta sa Kanluran at Malayong Silangan. Ang mga pintor sa Hilagang Korea ay kilala sa kanilang husay, at ang mga Hilagang Koreanong pintor na desertor sa Timog Korea ay regular na nagtatrabaho bilang mga artista roon.[50]

Ang anyong pinakanatatangi at kahanga-hanga sa kontemporaryong pagpapahayag ng kalinangan sa Hilagang Korea ay ang arkitektura at pagpaplano ng lungsod. Ang Pyongyang, na halos ganap na nawasak ng Estados Unidos sa panahon ng Digmaang Koreano, ay muling itinayo sa malaking sukat. Sinuportahan ang Stalinista at absolutista, madalas na arkitekturang brutalista. Nag-aral ang mga Hilagang Koreanong arkitekto sa Mosku o mga sateliteng Sobyetiko, at ibinalik ang mga istilong manggagawang sosyalista at malaking arkitekturang bayang selebratoryo sa isang engrande at napakalaking kahanga-hangang sukat. Nanirahan ang mga taga-lungsod at burokratiko blokeng apartamentong istilo-Sobyetiko; nanirahan ang mga magsasaka at manggagawang rural sa mga tradisyonal na bahay gaya ng dati; hindi nangyari ang urbanisasyon hanggang kamakailan lamang. Binuo sa Pyongyang ang mga gusaling engrande at malalaking pampublikong plasa bilang mga palabas sa arkitektura. Ang mga tanawing pormal na prusisyonal ay sinamahan ng mga sitio na ito. Halos lahat ng arkitektura ay itinaguyod ng pamahalaan, at pinanatili ang mahusay na homoheneidad ng pag-andar at istilo. Maraming mga gusaling bago na itinayo noong dekadang 1980 at 1990 upang mapahusay ang katayuan ng Pyongyang bilang isang kabisera.

Litrato ng Arko ng Tagumpay na kinuha sa hilagang-silangan sa dapit-hapon.
Ang Tore ng Juche sa gabi.
Otel Ryugyong noong 4 Setyembre 2011.

Nahahati ang mga istrakturang pangunahin sa tatlong kategorya: mga bantayog, gusaling pinagsasama ang mga tradisyonal na Koreanong paksang tradisyonal at konstruksyong moderno, at gusaling matataas na may disenyong moderno. Ang mga halimbawa ng unang kategorya ay ang Rebulto ng Chollima, isang dalawampu't metrong taas na estatwang tanso ni Kim Il-sung sa harap ng Museo ng Himagsikang Koreano (isa sa mga istrukturang pinakamalaki sa mundo na nasa 240,000 metrong kuwadrado), Arko ng Tagumpay (katulad ng kahawig nito sa Paris bagama't mas mataas ng sampung metro), at ang Tore ng Juche na itinayo sa okasyon ng ikapitumpung kaarawan ni Kim Il-sung noong 1982. Ang ikalawang kategorya ng arkitektura ay gumagawa ng espesyal na paggamit ng mga tradisyonal na disenyong baldosadong bubong. Ang mga halimbawa nito ay ang Palasyo ng Kalinangang Bayan at Maringal na Bahay ng Pag-aaral ng Bayan, parehong nasa Pyongyang, at ang Eksibisyong Internasyonal ng Pagkakaibigan sa Bundok Myohyang na nagpapakita ng mga regalong ibinigay kay Kim Il-sung ng mga dignitaryong dayuhan. Kasama sa ikatlong kategorya ang mga komplehong apartamentong matataas at otel sa kabisera. Ang pinakakapansin-pansin sa mga gusaling ito ay ang di pa tapos na Otel Ryugyong (itinigil ang konstruksiyon mula 1992 - Abril 2008) na inilalarawan bilang isa sa mga pinakamataas na otel sa mundo na may 105 palapag, ang hugis tatsulok nito ay makikita sa hilaga-gitnang Pyongyang. Ang Otel Koryo ay isang istrakturang ultramodernong toreng-kambal na apatnapu't limang palapag ang taas.[51]

Lutuin at InuminBaguhin

 
Mga taong kumakanta at kumakain sa isang restawrang Hilagang Koreano.

Umunlad ang lutuing Hilagang Koreano ay umunlad sa mga dantaon ng pagbabago sa lipunan at politika. Inilarawan ang lutuin na mayroong tiyak at pambihirang kahanghangan na nagmumula sa paggamit ng mga sahog na may lasa na matamis, maasim, masangsang at maanghang sa mga pagkakahalong nagdudulot ng ganitong epekto.[52] Mayroon ng mga luto't pagkain sa Hilagang Korea na ihinahanda rin sa Timog Korea, at ang karamihan sa pagkaing nagmumula sa Hilagang Korea ay naidala sa Timog Korea sa pamamagitan ng mga pamilyang nandayuhan pagkatapos ng Digmaang Koreano, at marami rito ang naging pangunahing sangkap sa karaniwang pagkaing Timog Koreano.[53]

 
Mga nagtitinda ng pagkaing kalye sa Pyongyang.

Makabuluhang nakabatay ang disponibilidad at kalidad ng pagkain sa mga pagkakahating sosyopolitikal sa uri. Ang ibang restawran, partikular na sa Pyongyang, ay may mahal na pagpepresyo kung ikukumpara sa karaniwang sahod ng mga manggagawa sa Hilagang Korea. Hindi ito pinupuntahan ng mga karaniwang mamamayan, at ang mga turista at mamamayang mayaman ang mga pangunahing tumatangkilik nito, lalo na sa mga maluho.[54][55] Alinsunod sa kanilang pagpepresyo, ang mga restawrang maluho ay karaniwang nagagamit lamang ng mga pinuno ng pamahaalan na binabayaran ng maayos, turista na bumibisita sa bansa, at ang umuusbong na mayamang gitnang uri ng donju (nangangahulugang "mga maestro ng pera").[56][57] Ang donju ay karaniwang humahawak ng mga posisyon sa pamahalaan, negosyong pag-aari ng estado sa labas ng bansa, at mga may kinalaman sa pagdadala ng mga pamumuhunan at pag-angkat ng mga produkto sa bansa.[58][59] Mayroon ng iilang pagkaing kalye na umiiral sa bansa, kung saan ang mga nagtitinda ay nagpapatakbo ng mga puwestong pampagkain.[60] Ang unang pizzerya ng bansa ay binuksan noong 2009.[61]

 
Inihandang raengmyŏn sa Okryu-gwan (Restawrang Okryu) na nasa Pyongyang.

Bihira ang pagkonsumo ng karne sa bansa, at karamihan sa mga mamamayan ay nakakain nito sa mga pampublikong pista sa kaarawan nina Kim Il-sung at Kim Jong-il, kapag ang dagdag na karne ay kasama sa mga rasyon ng pamahalaan. Kabilang sa mga karneng kinakain ay karamiha'y baboy, kuneho at kung minsa'y kambing. Ipinagbabawal ang pagkonsumo ng karne ng baka, ngunit pinahihintulutan ang pagkonsumong napakalimitado kagaya ng ginagamit sa nilaga o sopas.[52] Kumakatawan naman ang mahabang bihon ng mahabang buhay o mahabang kasal, kaya't inihahain ito sa mga tao sa kasalan. Isang halimbawa nito ang raengmyŏn, isang tradisyonal na Koreanong bihong malamig na inihahanda gamit ang bihong bakwit.[62] Ang mga karagdagang sangkap para rito sa Hilagang Korea ay ilang hiwa ng karne, pinatuyong itlog, at sarsang mainit. Inihahanda ito gamit ng harina at almirol mula sa mga sangkap tulad ng bakwit, patatas at kamote. Ilang baryasyon nito'y ay ang pagdaragdag ng pipino, labanos, isdang hilaw, at Asyatikong peras.[63] Isa namang halimbawa ang ramen, na tinutukoy bilang "bihong kulot" sa Hilagang Korea. Ang Shin Ramyun ay isang tatak ng bihong instante na ginagawa sa Timog Korea na binansagang "bihong pera" sa Hilaga dahil sa medyo mahal na presyo nito sa humigit-kumulang 800 won sa bawat yunit.[64] Noong 2009, ang mga kahon ng Shin Ramyun na naglalaman ng dalawampung pakete ng ramen sa bawat kahon ay nagkahalaga ng humigit-kumulang 30,000 Hilagang Koreanong won, na sa bansa ay presyong mahal, samakatuwid ay hindi makukuha ng karamihan sa mga mamamayan dahil sa presyong ito.

 
Serbesang artesanal sa Kompanyang Serbesera ng Taedonggang Blg. 3 sa Pyongyang.

Kinokonsumo ang mga inuming alkohol sa bansa, kung saan ang pag-inom nito'y bahagi ng kalinangang pambansa.[65] Ang legal na edad ng pag-inom ng Hilagang Korea ay 18, ngunit minsa'y pinapayagang uminom ang mga menor de edad, at ang ilang tagabantay ng mga tindahan ay kaagad na nagbebenta sa kanila ng mga inuming may alkohol. Mayroong ng mga Hilagang Koreano na nagtitimpla at nagdadalisay ng mga inuming may alkohol sa bahay sa kabila ng pagbabawal ng paggawang natura ng alkohol sa bahay, at ang ilan ay nagbebenta ng mga inuming ito sa mga pamilihan bagama't ito'y ilegal din. Ginagawa ang alak na timplang bahay gamit ang mga sangkap tulad ng patatas at mais. Ang ilang mga mamimili sa Hilagang Korea ay bumibili ng mga inuming alkohol nang direkta mula sa mga pabrika na gumagawa ng alkohol sa bansa sa pamamagitan ng perang hawak. Sa kamakailang panahon, ang inangkat na Tsinong alak ay pinahihintulutang ibenta sa mga pamilihan. Isang kilalang Tsinong alak na ibinibigay sa Hilagang Korea ay ang Alak ng Kaoliang, na mayroong 46-50% na nilalamang alkohol.[66] Partikular na ginagawa ang serbesa sa Hilagang Korea, kung saan ang paggawa ng serbesang artesanal ay tumaas sa mga nakaraang panahon.[67] Mayroon ang bansa ng hindi bababa sa sampung serbeseryang pangunahing serbesa (tulad ng Kompanyang Serbesera ng Taedonggang) at mga mikroserbeserya (tulad ng Mikroserbeserya Paraiso at Mikroserbeserya ng Otel Yanggakdo) na nanunustos ng mga malawak na hanay ng mga produktong serbesa.[68] Idinaos ng Kompanyang Serbesera ng Taedonggang ang kauna-unahang pagdiriwang ng serbesa sa bansa noong Agosto 2016, na sumama ng iba't-ibang uri ng inuming Taedonggang at mga serbesang lokal.[69] Kabilang sa pagdiriwang ng mga serbesang lokal ay ang serbesang kanin at maitim.[70]

Midyang PangmasaBaguhin

MusikaBaguhin

 
Mga kabataang tumatambol para sa mga turista sa Sakahang Kooperatibo ng Chonsam.

Kasali sa musika ng Hilagang Korea ang malawakang saklaw ng iba't-ibang pop, magaang instrumental, pambayan, klasiko, at pampolitikang tagapaglabas. Itinuturong laganap ang edukasyon sa musika, kung saan unang ipinatupad ni Kim Il-sung ang isang programa ng pag-aaral ng mga instrumentong pangmusika noong 1949 sa isang bahay-ampunan sa Mangyongdae.[71]:99-100 Patuloy na nauugnay ang diplomasyang pangmusika sa Hilaga, kung saan kumukumpleto ang mga delegasyong pangmusika at pangkalinangan sa mga konsyerto sa Tsina at Pransiya sa mga taong nakalipas, at ang mga musiko mula sa Timog at mga bansang Kanluranin ay nagtutulungan sa mga proyekto sa bansa.[72][73]:29-42[74]

Nang nahati ang Korea at naitatag ang pamahalaang komunista sa Hilaga ay inihatid sa suporta ang mga tradisyong manghihimagsik sa pagsusulat ng mga awitin para sa estado. Sa kalaunan ay naging isang istilo ito ng awiting makabayan na tinatawag na taejung kayo noong dekadang 1980, kung saan pinagsama-sama ang musikang sinponikong Kanluraning klasikal at anyong pangmusikang Koreanong tradisyonal.[75][76] Karaniwang inaawit ang mga ito ng mga babae't lalaking tagapaglabas na may kasamang mga banda o koro na sinasaliwan ng isang orkestang malaki o bandang konsiyerto, at sa mga nakaraang taon, isang bandang pop na may mga gitara, teklado, at seksyong tansong dilaw na paminsan-minsan'y mayroon ng akordeon at instrumentasyong tradisyonal. Sumusunod ang musika ng bansa sa mga prinsipyo ng ideolohiyang Juche, ang katangiang masigla't parang-martsa ng musika ay maingat na binubuo, bihirang isa-isang ginaganap, at ang mga liriko at imahe nito'y mayroon ng positibong nilalamang malinaw.[77] Sa halos buong ika-20 dantaon, nagbigay-diin ang pamahalaan sa mga maasahing himig na batay sa musikang katutubo't manghihimagsik.[78] Ang mga mensaheng ideolohikal ay inihahatid sa pamamagitan ng mga napakalaking piyesang orkestal tulad ng "Limang Dakilang Orkestang Manghihimagsik" batay sa tradisyonal na Koreanong ch'angguk.[79] Ang mga operang manghihimagsik ay naiiba sa kanilang mga Kanluraning katapat sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga instrumentong tradisyonal sa orkesta at pag-iwas sa mga segmentong resitatibo.[80] Ang Dagat ng Dugo ay isa sa mga pinakamalawak na ginanap sa Limang Dakilang Opera mula nang ipalabas ito noong 1971; ito'y ginanap nang mahigit 1,500 beses at naging malaking tagumpay ang gira nito sa Tsina noong 2010.[81] Karamihan sa musikang binubuo ay para sa mga pelikula at dramang pantelebisyon, at ang mga gawa ng Koreanong kompositor na si Isang Yun, na nanirahan ng halos buong-buhay sa Alemanya, ay sikat sa bansa. Ang musikang Kanluraning klasikal nina Brahms, Tchaikovsky, Stravinsky at iba pang mga kompositor ay parehong ginagampanan ng Orkestang Sinponikong Pampamahalaan at mga orkestang pambata.[82]

Iniakma ang mga instrumentong tradisyonal ng bansa upang payagan silang makipagkumpitensya sa mga instrumentong Kanluranin. Gayunpaman, maraming mas lumang anyong pangmusika na nananatili at ginagamit sa parehong tradisyonal na pagtatanghal na naaayon sa mga ideya at paraan ng pamumuhay sa estado at upang samahan ang mga modernong awit bilang papuri kina Kim Il-sung, Kim Jong-il, at Kim Jong-un mula 2012, kasama ang mga kanta na naghahangad ng muling pagsasama-sama ng Korea. Mga halimbawa ng mga minodernisang instrumentong tradisyonal na ginagamit sa Hilagang Korea ay ang mga sitarang moderno na Ongnyugeum at ang apat-na-kuwedrang biyoling tradisyonal na Sohaegeum. Sa kaibahan, kadalasang ginagamit sa musikang militar ang instrumentong tansong Kanluranin, kahoy-hangin, at perkusyon, kung saan inaalis ang mga instrumentong Koreano. Bagama't kadalasang komposisyong orihinal, hindi madaling makilala ang mga ito mula sa mga komposisyong Kanluranin sa kawalan ng kanilang mga liriko, na labis na nagtatampok sa nakagawiang nilalamang nakatuon sa ideolohiya.

Kapistahan at mga PinagdidiriwangBaguhin

PalakasanBaguhin

PanitikanBaguhin

SinehanBaguhin

Mga SanggunianBaguhin

  1. Rossabi, Morris (20 May 1983). China Among Equals: The Middle Kingdom and Its Neighbors, 10th–14th Centuries (sa Ingles). University of California Press. ISBN 9780520045620. Kinuha noong 8 November 2016.
  2. Yunn, Seung-Yong (1996), "Muslims earlier contact with Korea", Religious culture of Korea, Hollym International:99
  3. Korea原名Corea? 美國改的名 (sa Tsino). United Daily News. 5 July 2008. Tinago mula sa orihinal mula 6 October 2014. Kinuha noong 28 March 2014.
  4. https://www.nknews.org/2018/11/how-north-korea-got-its-official-name/
  5. "Chosŏn". Dictionary.com Unabridged. Random House. Kinuha noong 19 December 2018.
  6. 6.00 6.01 6.02 6.03 6.04 6.05 6.06 6.07 6.08 6.09 6.10 6.11 Buzo, Adrian (2002). The Making of Modern Korea. London: Routledge. ISBN 978-0-415-23749-9.
  7. 7.0 7.1 7.2 7.3 Cumings, Bruce (2005). Korea's Place in the Sun: A Modern History. New York: W. W. Norton & Company. ISBN 978-0-393-32702-1.
  8. Young, Benjamin R (7 February 2014). "Why is North Korea called the DPRK?". NK News. Tinago mula orihinal hanggang 9 February 2014. Kinuha noong 9 February 2014.
  9. Walker, J Samuel (1997). Prompt and Utter Destruction: Truman and the Use of Atomic Bombs Against Japan. Chapel Hill: The University of North Carolina Press. ISBN 978-0-8078-2361-3.
  10. 10.0 10.1 Hyung Gu Lynn (2007). Bipolar Orders: The Two Koreas since 1989. Zed Books.
  11. Seth, Michael J. (16 October 2010). A History of Korea: From Antiquity to the Present. Rowman & Littlefield Publishers (Nilathala noong 2010). ISBN 9780742567177.
  12. 12.0 12.1 Robinson, Michael E (2007). Korea's Twentieth-Century Odyssey. Honolulu: University of Hawaii Press. ISBN 978-0-8248-3174-5.
  13. Bluth, Christoph (2008). Korea. Cambridge: Polity Press. ISBN 978-07456-3357-2.
  14. Jager, Sheila Miyoshi (2013). Brothers at War – The Unending Conflict in Korea. London: Profile Books. ISBN 978-1-84668-067-0.
  15. 15.0 15.1 "Establishment of the Provisional People's Committee of North Korea". National Institute of Korean History. Kinuha noong 11 January 2019.
  16. 16.0 16.1 16.2 16.3 "Organization and Role of the Provisional People's Committee of North Korea". National Institute of Korean History. Kinuha noong 11 January 2019.
  17. "20-Point Platform". Kim Il Sung Open University. Kinuha noong 11 January 2019.
  18. Charles K. Armstrong, The North Korean Revolution, 1945–1950 (Ithaca, NY: Cornell University Press), 71–86.
  19. East Gate Book (2003) North Korea Handbook: Yonhap News Agency Seoul, p930 ISBN 0765610043
  20. 20.0 20.1 "People's Assembly of North Korea". Encyclopedia of Korean Culture. Kinuha noong 10 January 2019.
  21. "National Reunification Prize Winners", Korean Central News Agency, 7 May 1998, tinago mula orihinal hanggang 2 June 2013
  22. "DPRK Diplomatic Relations". NCNK. 11 April 2017. Tinago mula orihinal hanggang 19 April 2014.
  23. Bruce Cumings, The Origins of the Korean War, Vol. 1: Liberation and the Emergence of Separate Regimes, 1945–1947, Princeton University Press
  24. Martin, Bradley K. (2007). Under the Loving Care of the Fatherly Leader: North Korea and the Kim Dynasty. Macmillan. ISBN 9781429906999.
  25. Weathersby, Kathryn (2002). ""Should We Fear This?" Stalin and the Danger of War with America". Cold War International History Project: Working Paper No. 39.
  26. Demographic Yearbook – Table 3: Population by sex, rate of population increase, surface area and density (PDF). United Nations Statistics Division. 2012. pa. 5. Kinuha noong 29 November 2014.
  27. United Nations Environmental Programme. "DPR Korea: State of the Environment, 2003" (PDF). pa. 12. Tinago mula orihinal (PDF) hanggang 24 July 2010.
  28. Grantham, H. S.; et al. (2020). "Anthropogenic modification of forests means only 40% of remaining forests have high ecosystem integrity – Supplementary Material". Nature Communications. 11 (1): 5978. doi:10.1038/s41467-020-19493-3. ISSN 2041-1723. PMC 7723057. PMID 33293507.
  29. Bill Caraway (2007). "Korea Geography". The Korean History Project. Tinago mula orihinal hanggang 6 July 2007. Kinuha noong 1 August 2007.
  30. Dinerstein, Eric; et al. (2017). "An Ecoregion-Based Approach to Protecting Half the Terrestrial Realm". BioScience. 67 (6): 534–545. doi:10.1093/biosci/bix014. ISSN 0006-3568. PMC 5451287. PMID 28608869.
  31. "Topography and Drainage". Library of Congress. 1 June 1993. Tinago mula orihinal hanggang 17 November 2004. Kinuha noong 17 August 2009.
  32. Song, Yong-deok (2007). "The recognition of mountain Baekdu in the Koryo dynasty and early times of the Joseon dynasty". History and Reality V.64.
  33. https://www.koreakonsult.com/Attraction_Kumgang_eng.html
  34. "Topography and Drainage". countrystudies.us. U.S. Library of Congress. Kinuha noong 17 June 2018.
  35. United Nations Environmental Programme. "DPR Korea: State of the Environment, 2003" (PDF). pa. 13, 52. Tinago mula orihinal (PDF) hanggang 2004-08-31.
  36. Kirby, Alex (August 27, 2004). "North Korea's environment crisis". BBC. Tinago mula sa orihinal mula February 21, 2006.
  37. United Nations Environmental Programme. "DPR Korea: State of the Environment, 2003" (PDF). pa. 53. Tinago mula orihinal (PDF) hanggang 2004-09-01.
  38. United Nations Environmental Programme. "DPR Korea: State of the Environment, 2003" (PDF). pa. 12. Tinago mula orihinal (PDF) hanggang 2004-09-01.
  39. Hayes, Peter (12 October 2009). "Unbearable Legacies: The Politics of Environmental Degradation in North Korea". Asia Pacific Journal: Japan Focus.
  40. United Nations Environmental Programme. "DPR Korea: State of the Environment, 2003" (PDF). pa. 30. Tinago mula orihinal (PDF) hanggang 2004-09-01.
  41. United Nations Environmental Programme. "DPR Korea: State of the Environment, 2003" (PDF). pa. 12. Tinago mula orihinal (PDF) hanggang 2004-09-01.
  42. United Nations Environmental Programme. "DPR Korea: State of the Environment, 2003" (PDF). pa. 53. Tinago mula orihinal (PDF) hanggang 2004-09-01.
  43. McKenna, Phil (March 6, 2013). "Inside North Korea's Environmental Collapse". PBS.
  44. Kirby, Alex (August 27, 2004). "North Korea's environment crisis". BBC.
  45. "Why North Korea is a safe haven for birds". BBC News. 2016-06-20. Kinuha noong 2016-06-20.
  46. "NK테크 브리핑". www.nktech.net. Kinuha noong June 21, 2021.
  47. 명, 수정 (2018). "KDI 북한경제리뷰". www.kdi.re.kr (sa Kanuri). Kinuha noong June 18, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)
  48. Rank, Michael (16 June 2012). "A window into North Korea's art world". Asia Times. Tinago mula sa orihinal noong 26 March 2013. Kinuha noong 14 July 2014.{{cite web}}: CS1 maint: unfit URL (link)
  49. Andrei Lankov (13 February 2011). "Socialist realism". The Korea Times. Tinago mula sa orihinal mula 26 July 2014. Kinuha noong 6 July 2014.
  50. Tertitskiy, Fyodor (6 June 2016). "The good things in North Korea". NK News. Kinuha noong 20 July 2016.
  51. Ang artikulong ito ay naglalaman ng mga materyal mula sa Library of Congress Country Studies, na publikasyon ng Pamahalaan ng Estados Unidos sa pampublikong dominyon. Fourth ed. Washington: Federal Research Division of the Library of Congress. ISBN 0-8444-0794-1.
  52. 52.0 52.1 Demick, Barbara (October 8, 2011). "The unpalatable appetites of Kim Jong-il". The Telegraph. Tinago mula sa orihinal mula 2022-01-12. Kinuha noong May 19, 2017.
  53. Gentile, Dan (February 28, 2014). "Korean food: The 12 essential dishes you need to know from the North and the South". Thrillist. Kinuha noong May 19, 2017.
  54. Killalea, Debra (May 17, 2016). "Pyonghattan: Life inside North Korea's brat pack". News.com.au. Kinuha noong May 17, 2017.
  55. Fullerton, Jamie (March 29, 2017). "Munchies in North Korea: A Visit to Pyongyang's Newest Pizza Joint". Vice. Kinuha noong May 17, 2017.
  56. Song Ah, Seol (September 30, 2014). "Bottled Water Gaining Popularity in Markets". Daily NK. Kinuha noong May 19, 2017.
  57. Song Min, Choi (December 9, 2015). "North Korea's nouveau riche spend like there's no tomorrow". Daily NK. Kinuha noong May 20, 2017.
  58. Pearson, James; Park, Ju-min (June 4, 2015). "Pyongyang Bling - The rise of North Korea's consumer comrades". Reuters UK. Kinuha noong May 20, 2017.
  59. Fifield, Anna (May 14, 2016). "North Korea's one-percenters savor life in 'Pyonghattan'". Washington Post. Kinuha noong May 20, 2017.
  60. Jeffries, I. (2013). North Korea: A Guide to Economic and Political Developments. Guides to Economic and Political Developments in Asia. Taylor & Francis. pa. 408. ISBN 978-1-134-29033-8. Kinuha noong May 18, 2017.
  61. "Five interesting facts about North Korean leader Kim Jong-un". The Jakarta Post. February 18, 2017. Kinuha noong May 20, 2017.
  62. Williams, Martyn (July 22, 2014). "North Korea launches cooking website 'for housewives'". The Guardian. Kinuha noong May 17, 2017.
  63. Shalhoub, Lulwa (April 27, 2017). "From kimchi to rice cakes: Korean cuisine has something for every foodie". Arab News. Kinuha noong May 19, 2017.
  64. "Shin Ramyun, Ramen of Choice in North Korea". Daily NK. June 3, 2009. Kinuha noong May 17, 2017.
  65. Kim, M. (2010). Escaping North Korea: Defiance and Hope in the World's Most Repressive Country. Rowman & Littlefield Publishers. pa. 42. ISBN 978-0-7425-5733-8. Kinuha noong May 19, 2017.
  66. Lee, Je Son (December 14, 2015). "Ask a North Korean: do you drink alcohol?". The Guardian. Kinuha noong May 20, 2017.
  67. Volodzko, David (August 11, 2016). "The Rise of South Korea's Craft Brewing Scene". Vice. Kinuha noong May 17, 2017.
  68. Steadman, Ian (May 12, 2017). "'Kim Jong-Ale': North Korea's surprising microbrewery culture explored". Wired UK. Kinuha noong May 19, 2017.
  69. Evans, Stephen (September 12, 2016). "Sneaking a taste of North Korea's finest beer". BBC News. Kinuha noong May 19, 2017.
  70. Ji, Dagyum (August 16, 2016). "Plastered in Pyongyang: North Korea launches its first beer festival". The Guardian. Kinuha noong May 19, 2017.
  71. Cathcart, Adam (2008-09-01). "Song of Youth: North Korean Music from Liberation to War". North Korean Review. 4 (2). doi:10.3172/nkr.4.2.93. ISSN 1551-2789.
  72. "Music, diplomacy, and dictatorship: North Korean concerts in Beijing | NK News - North Korea News" (sa Ingles). 2019-01-31. Kinuha noong 2019-10-06.
  73. Cathcart, Adam (Fall 2013). "North Korea's Cultural Diplomacy in the Early Kim Jong-un Era" (PDF). North Korean Review. 9 (2). doi:10.3172/NKR.9.2.29. JSTOR 43908918.
  74. Reuters (2018-04-01). "South Korean K-pop stars perform for Kim Jong-un in Pyongyang". The Guardian (sa Ingles). ISSN 0261-3077. Kinuha noong 2019-10-06.
  75. "Pop music of Asia". IIAS Newsletter Online. Tinago mula orihinal hanggang July 9, 2013. Kinuha noong September 27, 2005.
  76. World and Its Peoples: Eastern and Southern Asia. Marshall Cavendish Corporation. 2007. pa. 929. ISBN 9780761476313.
  77. "Songs for the 'Great Leaders': Ideology and Political Agitation in the Music of North Korea". korea.fas.harvard.edu (sa Ingles). Kinuha noong 2020-11-07.
  78. "Contemporary Cultural Expression". Library of Congress Country Studies. 1993. Tinago mula sa orihinal mula 13 December 2012. Kinuha noong 3 July 2014.
  79. "Literature, Music, and Film". Library of Congress Country Studies. 1993. Kinuha noong 14 July 2014.
  80. "North Korean Opera Draws Acclaim in China". The New York Times. 28 July 2010. Tinago mula sa orihinal mula 26 July 2014. Kinuha noong 14 July 2014.
  81. "Revolutionary opera 'Sea of Blood' 30 years old". KCNA. August 2001. Tinago mula sa orihinal mula 12 October 2014. Kinuha noong 14 July 2014.
  82. "North Korea: Bringing modern music to Pyongyang". BBC News. 3 January 2013. Tinago mula sa orihinal mula 9 July 2014. Kinuha noong 14 July 2014.