Chongjin
Ang Chŏngjin (Pagbabaybay sa Koreano: [tsʰʌŋ.dʑin]; Koreano: 청진시; MR: Ch'ŏngjin-si) ay ang kabiserang lungsod ng lalawigan ng Hilagang Hamgyong sa hilaga-silangang bahagi ng Hilagang Korea. Mayroon itong 667,929 na katao ayon sa senso noong 2008,[1] kung kaya ito ang pangatlong pinakamalaking lungsod ng bansa. Minsang tinawag itong Lungsod ng Bakal (City of Iron).[2]
Chongjin 청진 | |
---|---|
Transkripsyong Koreano | |
• Chŏsŏn'gŭl | 청진시 |
• Hancha | 淸津市 |
• McCune–Reischauer | Ch'ŏngjin-si |
• Binagong Romanisasyon ng Koreano | Cheongjin-si |
Kabayanan ng Chongjin noong Setyembre 2011, tanaw mula sa bantayog ng lungsod kay Kim Il-sung. | |
Palayaw: City of Iron | |
Mga koordinado: 41°47′N 129°46′E / 41.783°N 129.767°E | |
Bansa | Hilagang Korea |
Lalawigan | Hilagang Hamgyong |
Lawak | |
• Kabuuan | 269 km2 (104 milya kuwadrado) |
Populasyon (2008)[1] | |
• Kabuuan | 667,929 |
• Wikain | Hamgyong |
Sona ng oras | UTC+08:30 (Oras sa Pyongyang) |
Mula 1948 hanggang 1960, 1967 hanggang 1977, at 1987 hanggang sa kasalukuyan, pinamahalaan ang Ch'ŏngjin bilang bahagi ng lalawigan ng Hilagang Hamgyong. Mula 1960 hanggang 1967, at 1977 hanggang 1987, pinangangasiwaan ang Chŏngjin bilang isang direktang pinamumunuang lungsod.[3]
Kasaysayan
baguhinDati isang maliit na nayong nangingisda ang Chŏngjin bago ang pagsasanib ng Korea sa Hapon; hindi tiyak ang petsa ng patatatag nito. Ang mga Tsinong panitik ng pangalan nito ay nangangahulugang "malinaw na tawiran ng ilog" ("clear river crossing").[2] Noong Digmaang Ruso-Hapones ng 1904-1905, dumating ang mga puwersang Hapones sa Chongjin, at nagtatag ng isang supply base dahil sa pagiging malapit nito sa mga front line sa Manchuria. Nanatili ang mga Hapones pagkaraan ng wakas ng digmaan, at noong 1908 ipinahayag na isang bukas na pantalang pangkalakalan ang lungsod para sa kapuwa lulan ng mga yaman ng Korea at bilang lugar ng paghinto para sa mga yamang mula Tsina.[4] Kilala ang lungsod sa panahong ito bilang “Seishin”, mula sa Hapones na pagbigkas ng mga Tsinong panitik ng pangalan nito. Ang Ika-19 na Dibisyon ng Hukbong Katihan ng Imperyong Hapon ay nakahimpil sa kalapit na bayan ng Ranam mula noong 1918, kung saang itinayo ng mga Hapones ang isang bagong planadong lungsod batay sa parihabang pinagtagpu-tagpong mga guhit na kalye.[2] Noong 1930, nagtayo ang Nippon Steel ng isang malaking pagawaan ng asero, ang Seishin Iron and Steel Works, sa bayan. Isinanib ang Ranam sa Chŏngjin noong 1940, na binigyan ng katayuang lungsod (city status). Napinsala ang lungsod kasunod ng dagliang paglaban ng Unyong Sobyet noong Agosto 13, 1945, dalawang araw lamang bago ang wakas ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sa ilalim ng pamumuno ng Hilagang Korea, nanatiling isang mahalagang sentro pangmilitar at pang-industriya ang Chŏngjin. Direktang pinamamahala ito ng pamahalaang sentral mula 1960-1967 at mula 1977-1988.
Noong taggutom sa Hilagang Korea ng dekada-1990, isa ang Chŏngjin sa mga pinakaapektadong lugar sa bansa; maaaring umabot sa 20% ang rate ng kamatayan sa lungsod.[2] Nananatili pa rin sa kalunos-lunos ang mga kalagayan doon kung hinggil sa makukuhang pagkain.[2] Ang suliraning ito ay nagdulot ng ilang pagkakataon ng kaguluhan ng mga mamamayan sa Chŏngjin, isang pambihirang pangyayari sa Hilagang Korea. Noong Marso 4, 2008, nagprotesta ang isang pangkat ng mga babaeng mangangalakal bilang tugon sa pinahigpit na kontrol sa pamilihan.[2] Tinukoy ang tumataas na presyo ng mga butil at mga tangka ng pamahalaan na ipagbawal ang "paglalako sa pamilihan" bilang mga sanhi ng mga pagtutol.[2] Bilang bunga ng protesta, "ipinaskil" ng lokal na pamahalaan ng Chŏngjin "ang isang proklamasyon na nagpapahintulot ng paglalako sa pamilihan."[5] Noong Agosto 24, 2008, isang pag-aaway ang naganap sa pagitan ng mga pumapatrolyang ahente at mga babaeng mangangalakal, na humantong sa isang "malaking pagtitipon ng pagtutol". Iniulat na nagpalabas ang lokal na pamahalaan ng mga atas sa salita na nagpapaluwag sa pagpapatupad hanggang sa panahon ng susunod ng rasyon sa butil.[5]
Heograpiya
baguhinMatatagpuan ang Chŏngjin sa hilaga-silangang bahagi ng Hilagang Korea, sa lalawigan ng Hilagang Hamgyong, malapit sa Look ng Silangang Korea (Kyŏngsŏng Bay)[6] sa Dagat ng Hapon. Dumadaloy sa lungsod ang Ilog Sosong; matatagpuan din sa lungsod ang Batis ng Sonam (Sonam Stream) at Bundok Komal.
Mga kapatid na lungsod
baguhinAng Chongjin ay may dalawang mga kapatid na lungsod:
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 "2008 Census of Population of the Democratic People's Republic of Korea conducted on 1–15 October 2008" (PDF). United Nations Statistics Division. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 31 Marso 2010. Nakuha noong 22 Septiyembre 2017.
{{cite web}}
: Check date values in:|access-date=
(tulong) - ↑ 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 2.5 2.6 Demick, Barbara (2010). Nothing to Envy: Real Lives in North Korea (ika-UK (na) edisyon). Granta Publications. ISBN 978-1-84708-141-4.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Archived copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2006-11-02. Nakuha noong 2006-11-02.
{{cite web}}
: Unknown parameter|deadurl=
ignored (|url-status=
suggested) (tulong)CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-03-03. Nakuha noong 2017-09-16.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 5.0 5.1 Good Friends, “North Korea Today,” No. 113 (Mar. 14, 2008)
- ↑ "Chongjin". Encyclopaeida Britannica’s. Nakuha noong 8 Disyembre 2012.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Chongjin(D.P.R.K.)". Changchun Municipal People's Government. Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Septiyembre 2018. Nakuha noong 22 Oktubre 2017.
{{cite web}}
: Check date values in:|archive-date=
(tulong) - ↑ "Chongjin(D.P.R.K.)". People's Government of Jilin. 12 Abril 2011. Inarkibo mula sa orihinal noong 23 Oktubre 2017. Nakuha noong 22 Oktubre 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga karagdagang babasahin
baguhin- Dormels, Rainer. North Korea's Cities: Industrial facilities, internal structures and typification. Jimoondang, 2014. ISBN 978-89-6297-167-5
Mga kawing panlabas
baguhinGabay panlakbay sa Chongjin mula sa Wikivoyage
- Padron:DMOZ
- City profile of Chongjin Naka-arkibo 2016-03-08 sa Wayback Machine.