Kasunduang Pagsasanib ng Hapon-Korea

Ang Kasunduang Pagsasanib ng Hapon-Korea ay nilagdaan noong Agosto 22, 1910 ng mga kinatawan ng mga Koreano at ng mga Pamahalaang Imperyal ng Hapon, at ipinahayag sa publiko (at binigyang-bisa) noong Agosto 29, na nagsimulang opisyal sa panahon ng pamumuno ng Hapones sa buong Korea. Mayroong walong artikulo ang naturang kasunduan, na ang una ay: "Ang Kanyang Kamahalang Emperador ng Korea ay gagawa ng kumpleto at permanenteng pagsuko sa Kanyang Kamahalang Emperador ng Hapon ang lahat ng karapatan ng nasasakupan sa buong Korea."

Kasunduang Pagsasanib ng Hapon-Korea
Japanese name
Kanji日韓併合条約
Hiraganaにっかんへいごうじょうやく
RōmajiNikkan Heigō Jōyaku
Korean name
Hangul한일병합조약
(한일합방조약, 한일합방늑약)
Hanja韓日倂合条約
(韓日合邦条約, 韓日合邦勒約)
Revised RomanizationHanil Byeonghap Joyak
(Hanil Hapbang Joyak, Hanil Hapbang Neugyak)
Heneral Puwersa ng manananggol kay Lee Wan-Yong na nilagdaan at sinelyuhan ng huling emeperador, Sunjong ng Imperyo ng Korea (Lee Cheok, 이척 李坧) sa pagpuwersa sa pagka-epekto noong Agosto 22, 1910 (隆熙4年). Ayon sa nakaugalian, hindi lumagda ang mga monarkong Koreano sa mga opisyal na dokumento gamit ang kanilang mga tunay na pangalan. Ngunit piilit ng Hapon ang Koreanong emperador na sumunod sa bagog alituntunin na lumagda gamit ang tunay na pangalan na nagsimula mundo ng mga Kanlurain. Nabannggit din na maaarig sapilitan lamang ang lagda ni Sunjong. Makikita mo sa taas ang unang pangalan ng emperador (坧).

Sa modernong Korea, karaniwan ding tinatawag ang kasunduang bilang "Hanil Hapbang Neugyak (한일 합방 늑약)," na ang ibig sabihin ay sapilitan (gayon pa man ay walang bisa) ng pagkadugtong ng Korea sa Hapon. Ang pangyayaring iyon ay tinatawag din na "Gyeongsul Gukchi (경술국치 庚戌國恥)," na ang ibig sabihin ay "ang pagkapahiya ng buong bansa noong 1910." Sa araw na nangyari, Agosto 29, ay ginugunita ngayon bilang "Gukchi-il (국치일)," na "ang araw ng pambansang pagkapahiya."

Wikisource
Wikisource
Ang Wikisource ay may orihinal na tekstong kaugnay ng lathalaing ito:

Kawing Panlabas

baguhin