Ramen

Pagkain mula sa bansang Hapón

Ang ramen (拉麺, ラーメン, rāmen) ay isang masabaw na nudels lutuing nanggaling sa bansang Hapón. Naglalaman ito ng miswa na sinabawan ng sabaw ng karne o (kung paminsan-minsan) isda, at madalas na nilalagyan ng toyo o miso bilang pampalasa. Sinasahugan rin ito madalas ng hiniwang karne ng baboy, pinatuyong halamang-dagat (o nori), menma, at sibuyas. Halos lahat ng mga rehiyon sa bansang Hapón ay may sariling bersyon ng ramen, tulad ng tonkotsu (sinabawang buto ng karne ng baboy) ng Kyuushuu at ang miso ramen ng Hokkaido. Samantala, hindi sinasabawan ang mazemen, kundi ay nilalagyan ito ng sarsa (tulad ng tare), kahawig sa mga nudels na inihahain sa sarsang tamis-asim.

Ramen
Shouyu (sabaw na toyo) ramen[1]
Ibang tawagshina soba, chūka soba
UriSabaw na nudels
LugarChinatown sa Yokohama, bansang Hapón
Rehiyon o bansaSilangang Asya
Ihain nangMainit
Pangunahing SangkapMiswa, sabaw ng karne o isda, mga gulay o karne
Shōyu ramen
Tonkotsu ramen
Miso ramen

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Nishiyama Seimen Ramēn Wandārando "Rāmen Donburi no Zugara no Imi wa?"" 西山製麺 ラーメンワンダーランド「ラーメン丼の図柄の意味は?」 [Nishiyama Seimen Ramen Wonderland "Ano ang nasa likod ng disenyo ng mangkok ng ramen?"]. Nishiyama Seimen Inc.

Ugnay Panlabas

baguhin

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Hapon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.