Wonsan
Ang Wŏnsan (Pagbabaybay sa Koreano: [wʌn.san]) ay isang puwertong lungsod at baseng pandagat na matatagpuan sa Lalawigan ng Kangwŏn, Hilagang Korea, sa silangang gilid ng Tangway ng Korea, sa Dagat ng Hapon (Silangang Dagat). Ito ang panlalawigang kabisera ng Kangwŏn. Binuksan ang pantalan ng mga nananakop na puwersang Hapones noong 1880. Bago ang Digmaang Koreano ng 1950–1953, napunta ito sa pamamahala ng noo'y lalawigan ng Timog Hamgyŏng, at noong digmaan ito ang kinaroroonan ng Paghadlang sa Wŏnsan. Noong senso ng 2008, may populasyon ito na 363,127 katao.[1] May mga panguanhing pagawaan ang lungsod. Taga-Wŏnsan si Kim Ki Nam, diplomatiko at Kalihim ng Partido ng mga Manggagawa ng Korea.
Wŏnsan 원산시 | |
---|---|
Transkripsyong Koreano | |
• Chosŏn'gŭl | 원산시 |
• Hancha | 元山市 |
• McCune-Reischauer | Wŏnsan-si |
• Revised Romanization | Wonsan-si |
Tanawin ng Wonsan | |
Mga koordinado: 39°08′51″N 127°26′46″E / 39.14750°N 127.44611°E | |
Bansa | Hilagang Korea |
Lalawigan | Lalawigan ng Kangwon (Hilagang Korea) |
Itinatag | mga 1800 |
Mga paghahati | 45 dong (mga neighborhood), 14 ri (mga nayon) |
Lawak | |
• Kabuuan | 269 km2 (104 milya kuwadrado) |
Populasyon (2008)[1] | |
• Kabuuan | 363,127 |
Ipinahayag noong 2013 na ang Wŏnsan ay gagawing destinasyon sa tag-init na may mga liwaliwan at pook-panlibangan.[2]
Pangalan
baguhinKilala rin ang Wŏnsan bilang Yonghunghang, Yuan-shan (元山) sa Tsina, Genzan o Gensan (Kana: ウォンサン, Kanji: 元山) sa Hapon, at Port Lazareva o Port Lazareff sa Rusya.
Kasaysayan
baguhinBinuksan ang Wŏnsan bilang isang pantalang pangkalakalan noong 1880. Ang orihinal na pangalan nito ay "Wŏnsanjin" (元山津), ngunit kilala rin ito sa pangalang Ruso nito na "Port Lazarev" (o "Lazaref") sa mga panahong iyon. Sa ilalim ng pamumuno ng Hapon (1910–45) tinawag itong "Gensan" (元山). Noong 1914 binuksan ang mga linyang daambakal na P'yŏngwŏn at Kyŏngwŏn na nagdudugtong ng lungsod sa Pyongyang (na kilala noon bilang "Heijo") at Seoul (na kilala noon bilang "Keijo" o "Kyŏngsŏng"). Bunga nito, unti-unting umusbong ang lungsod bilang isang sentro sa silangang Korea ng pamamahagi ng mga produkto. Sa ilalim ng pananakop ng mga Hapones, lubhang industriyalisado ang lungsod at nagsilbing lugar ng pag-aangkat sa pamamahagi ng kalakalan sa pagitan ng Korea at punong-lupaing Hapon.
Pagkaraang sumiklab ang Digmaang Koreano kinuha ito ng mga kawal ng Amerikano at Timog Koreano noong Oktubre 10, 1950 habang patungo sila sa hilaga. Nang lumisan sila sa harap ng ganting salakay ng mga Tsino, napunta ang lungsod sa pamamahala ng mga Tsino noong Disyembre 9, 1950. Binomba at kinanyon ito nang husto ng Mga Nagkakaisang Bansa sa Pagharang sa Wŏnsan noong Digmaang Koreano.[3] Ayon sa opisyal na kasaysayan ng Hukbong Dagat ng Estados Unidos, nasa ilalim ng patuloy na pagbobomba at pagkubkob ng Amerikanong hukbong dagat ang Wŏnsan mula Marso 1951 hanggang Hulyo 27, 1953, kung kaya ito ang pinakamahabang paglusob (siege) sa makabagong kasaysayang pandagat ng Amerika. Pagsapit ng wakas ng digmaan ang lungsod ay isang malawak na guho.[4]
Mga panlalawigang hangganan
baguhinDating matatagpuan ang Wŏnsan sa Timog Hamgyŏng, ngunit nang muling iginuhit ang mga hangganang panlalawigan noong 1946, umanib ito sa hilagang kalahati ng Kangwŏn (na nahati ng ika-38 paralelo sa hilaga noong 1945 sa dalawang bahagi: isang sonang nasa ilalim ng pamamahala ng Sobyet sa hilaga at isang nasa ilalim ng pamamahala ng Amerikano sa timog) at naging kabisera nito, sapagkat ang mga kinagisnang kabisera ng Kangwŏn na Wŏnju (1395–1895) at Ch'unch'ŏn (1896–kasalukuyan) ay kapuwa nasa timog ng ika-38 paralelo at timog ng Military Demarcation Line na pumalit sa ika-38 paralelo bilang isang hangganan noong 1953.
Heograpiya
baguhinAng lawak ng Wŏnsan ay 269 kilometro kuwadrado (104 milya kuwadrado). Matatagpuan ito sa lalawigan ng Kangwŏn, sa pinakakanlurang bahagi ng Dagat ng Hapon (Silangang Dagat ng Korea) at sa silangang dulo ng "leeg" ng Tangway ng Korea. Matatagpuan ang Bundok Changdok (Changdok-san) at Bundok Nap'al (Nap'al-san) sa kanluran ng lungsod. Higit sa 20 mga maliit na pulo ang nasa tabi ng pook-dalampasigan ng Wŏnsan, kabilang na ang Pulo ng Hwangt'o at Pulo ang Ryŏ. Itinuturing mahusay na lokasyon para sa likas na pantalan ang Wŏnsan. Matatagpuan malapit sa lungsod ang Kŭmgang-san.
Demograpiya
baguhinAyon sa senso noong 2008, may 363,127 katao ang Wŏnsan,[1] isang pagtaas mula sa tinatayang populasyon na 331,000 noong 2000.
Ekonomiya
baguhinAng Wŏnsan ay may pagawaan na nag-poproseso ng mga produkto na nabubuhay sa tubig, shipyard, negosyo ng kimika, pagawaan ng semento, gayundin ang 4 June Rolling Stock Works, na isa sa mga pinakamalaking pagawaan ng mga sasakyang daambakal sa Hilagang Korea.[5]
Mga kapatid na lungsod
baguhin- Sakaiminato, Tottori, Hapon (1992–2006)
- Puebla, Mehiko[6]
- Vladivostok, Rusya[7]
- Malacca, Malaysia
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 1.2 "2008 Census of Population of the Democratic People's Republic of Korea conducted on 1–15 October 2008" (PDF). United Nations Statistics Division. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 14 Mayo 2011. Nakuha noong 22 Septiyembre 2017.
{{cite web}}
: Check date values in:|access-date=
(tulong) - ↑ Ryall, Julian (27 Hunyo 2013). "North Korean leader Kim Jong-un orders the creation of nation's first beach resort". The Daily Telegraph. Nakuha noong 29 Hunyo 2013.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Wonsan Key Seaport Before War Started; Badly Crippled by U.N. Air and Sea Attacks". New York Times. Hunyo 30, 1951. Nakuha noong 2009-02-17.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Jon Halliday and Bruce Cumings, Korea, the Unknown War (NY: Pantheon Books, 1988), p. 157.
- ↑ Kokubu, Hayato, 将軍様の鉄道 (Shōgun-sama no Tetsudō) p. 130, 2007, Tokyo, ISBN 978-4-10-303731-6
- ↑ "Acuerdo de Hermanamiento entre la ciudad de Puebla de los Estados Unidos Mexicanos y la ciudad de Wonsan, Provincia de Kangwon, de la República Popular Democrática de Corea" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2012-06-27. Nakuha noong 2017-09-17.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Kim Jong Il Holds Third Summit Talks with Putin during Tour of Far Eastern Region of Russia
Mga karagdagang babasahin
baguhin- Dormels, Rainer. North Korea's Cities: Industrial facilities, internal structures and typification. Jimoondang, 2014. ISBN 978-89-6297-167-5
Mga kawing panlabas
baguhinGabay panlakbay sa Wonsan mula sa Wikivoyage
- North Korea Uncovered Naka-arkibo 2012-01-14 sa Wayback Machine., (North Korea Google Earth) a Google Earth map of Wonsan's cultural, economic, political, military infrastructure, and tourist locations and facilities.
- The Wŏnsan Operation, October 1950 - Korean War amphibious assault ordered by General Douglas MacArthur
- Google Earth images of Wŏnsan Naka-arkibo 2007-08-08 at Archive.is, including one of Kim Jong Il's palaces, a military airfield, and the ferry Mangyongbong-92
nk.joins.com/map/view.asp?idx=i141.htm
- City profile of Wonsan Naka-arkibo 2016-03-10 sa Wayback Machine.
- Padron:DMOZ