Ang tugtuging klasiko ay isang napaka pangkalahatang kataga na pantukoy sa pamantayang tugtugin ng mga bansa sa Kanluraning mundo. Isa itong musikang nilikha o kinumposisyon ng mga musikero na sinanay sa sining ng pagsusulat ng musika (kumposisyon) at isinulat sa notasyong pangtugtugin upang matugtog ng iba pang mga manunugtog. Maaari ring ilarawan ang musikang klasiko bilang isang musika ng sining o tugtugin ng sining dahil ang dakilang sining (kasanayan) ay talagang kailangan upang malikha ito at matugtog ito ng mabuti. Kaiba ang klasikong musika mula sa musikang popular dahil hindi lang ito basta ginawa upang maging tanyag sa loob ng maikling panahon o maging isang tagumpay na pangkomersiyo. Naiiba ito mula sa tugtuging bayan (folk music sa Ingles) na pangkalahatang ginagawa ng pangkaraniwang mga kasapi ng lipunan at natutunan ng panghinaharap na mga salinlahi sa pamamagitan ng pakikinig at paggaya.

Mga manunugtog na tumutugtog ng tugtuging klasiko.

Ang musikang klasiko ay isang musikang pangsining na ginawa sa loob, o naka-ugat sa loob, ng mga tradisyon o kaugalian ng Kanluraning musikang liturhikal at sekular (pampananampalataya), na sumasaklaw sa malawak na panahon magmula tinatayang ika-9 daang taon magpahanggang sa kasalukuyang panahon.[1] Ang panggitnang mga gawi ng tradisyong ito ay naging panuntunan sa pagitan ng 1550 at 1900, na kilala bilang "panahon ng pangkaraniwang pagsasagawa".

Malaki ang pagkakaiba ng musikang Europeo mula sa marami pang ibang hindi Europeo at mga anyo ng musikang tanyag dahil sa sistema nito ng notasyong pangmusika o tagdan ng notasyon (staff notation sa Ingles), na ginagamit na magmula bandang ika-16 daang taon.[2] Ginamit ng mga kompositor ang Kanluraning tagdang pangnotasyon upang maitakda sa tagapagtanghal ang lakas, bilis, metrika, mga ritmo, at tumpak na pagsasagawa ng isang piyesa ng tugtugin. Nakapag-iiwan ito ng kaunting puwang para sa mga gawain ng pagtugtog na may walang paghahanda at pagtugtog ng kahit na papaano ayon sa kagustuhan (ad libitum, "pag-aadlib"), na kadalasang naririnig sa hindi Europeong musikang pangsining (paghambingin ang klasikong tugtugin ng Indiya at tradisyunal na musika ng Hapon) at musikang popular.[3][4][5]

Ang katagang "musikang klasikal" ay hindi lumitaw hanggang sa pagsapit ng kaagahan ng ika-19 daang taon, bilang pagsubok na maging pamantayan o maging "panuntunan" ang panahon mula kay Johann Sebastian Bach hanggang kay Ludwig van Beethoven bilang ginintuang panahon.[6] Ang pinakamaagang pagtukoy sa "musikang klasiko" ay naitala ng Oxford English Dictionary mula bandang 1836.[1][7]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 "Classical", The Oxford Concise Dictionary of Music, ed. Michael Kennedy, (Oxford, 2007), Oxford Reference Online, napuntahan noong 23 Hulyo 2007
  2. Chew, Geffrey & Rastall, Richard. "Notation, §III, 1(vi): Plainchant: Pitch-specific notations, 13th–16th centuries", Grove Music Online, patnugot. L. Macy (napuntahan noong Hulyo 23 2007), grovemusic.com (aksesong may subskripsyon).
  3. Malm, W.P./Hughes, David W.. "Japan, §III, 1: Notation systems: Introduction", Grove Music Online, patnugot. L. Macy (napuntahan noong Hulyo 23 2007), grovemusic.com (aksesong may subskripsyon).
  4. IAN D. BENT, DAVID W. HUGHES, ROBERT C. PROVINE, RICHARD RASTALL, ANNE KILMER. "Notation, §I: General", Grove Music Online, patnugot. L. Macy (napuntahan noong Hulyo 23 2007), grovemusic.com (aksesong may subskripsyon).
  5. Middleton, Richard. "Popular music, §I, 4: Europe & North America: Genre, form, style", Grove Music Online, patnugot. L. Macy (napuntahan noong Hulyo 23 2007), grovemusic.com (aksesong may subskripsyon).
  6. Rushton, Julian, Classical Music, (London, 1994), 10
  7. The Oxford English Dictionary (2007). "classical, a." The OED Online. Nakuha noong 2007-05-10.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)