Sacro Cuore di Gesù a Castro Pretorio
Itinayo ito noong 1887 ni Conte Francesco Vespignani (1842-1899), ang Architetto dei Sacri Palazzi ng Leon XIII,[2] na nagtayo rin ng Kolehiyo ng San Anselmo sa Burol Aventino. Ang maringal na estatwa ng Manunubos sa itaas ng kampanilya ay itinayo lamang noong 1931. Alay sa Sagradong Puso ni Jesus, ang simbahan ay pinaglingkuran ng mga amang Salesiano. Mayroon itong katabing boarding-school ng sining at industriya.
Sacro Cuore di Gesù a Castro Pretorio | |
---|---|
Relihiyon | |
Pagkakaugnay | Katoliko Romano |
Katayuang eklesyastikal o pang-organisasyon | Simbahang parokya, Simbahang titulo, basilika menor |
Taong pinabanal | 1887 |
Lokasyon | |
Lokasyon | Roma, Italya |
Mga koordinadong heograpikal | 41°54′10″N 12°30′9.5″E / 41.90278°N 12.502639°E |
Arkitektura | |
(Mga) arkitekto | Francesco Vespignani[1] |
Uri | Simbahan |
Istilo | Renaissance Revival |
Groundbreaking | 1879 |
Mga detalye | |
Haba | 70 metro (230 tal) |
Lapad | 30 metro (98 tal) |
Lapad (nabe) | 14 metro (46 tal) |
(Mga) taluktok | 1 |
Websayt | |
www.basilicadelsacrocuore.it |
Ang Sacro Cuore di Gesù al Castro Pretorio (Tagalog: Sagradong Puso ni Hesus sa Praetorianang Kuwartel) ay isang Katoliko Romanong parokya at simbahang titulo sa Roma, Italya.
Ang simbahan ay itinaas sa ranggong basilika menor noong 1921.
Mga Kardinal-Diyakono
baguhinAng Simbahan ng Sacro Cuore ay itinatag bilang isang Diyakoniya noong 5 Pebrero 1965 ni Papa Pablo VI, bilang paghahanda sa kaniyang paglikha ng dalawampu't pitong bagong kardinal noong 28 Pebrero 1965.[3]
- Maximilien de Fürstenberg (pro hac vice na titulo para sa isang Kardinal Pari) (26 Hunyo 1967 - 22 Setyembre 1988)
- Giovanni Saldarini (pro hac vice na titulo para sa isang Kardinal Pari) (28 Hunyo 1991 - 18 Abril 2011)
- Giuseppe Versaldi Kardinal Diyakono (18 Pebrero 2012 -)
Galeriya
baguhinMga tala
baguhin- ↑ Touring Club Italiano 1999, pp. 547
- ↑ He was also supernumerary Secret Chamberlain of the Cape and Sword: La Gerarchia cattolica, la Cappella e la Famiglia ponteficie, per l'anno 1888 (Roma: Tipografia Vaticana, 1888) p. 541; p. 581.
- ↑ David M. Cheyney, Catholic-Hierarchy: Sacro Cuore di Gesù a Castro Pretorio. Retrieved: 2016-03-15.
Mga sanggunian
baguhin- Massimo Alemanno, Le chiese di Roma moderna Vol I (Roma : Armando, 2004). pp. 27–31.
- Farnedi, Giustino (1999). Guida Alle Chiese Di Roma . Casale Monferrato: Piemme. ISBN Farnedi, Giustino (1999). Farnedi, Giustino (1999).
- Touring Club Italiano (1999), "Il rione Castro Pretorio", Roma, SL: Touring Club Italiano, ISBN Touring Club Italiano (1999), "Il rione Castro Pretorio",
Mga panlabas na link
baguhin- "Basilica del Sacro Cuore: a guided tour". Retrieved 2010-12-31.