Sai Baba ng Shirdi
Si Sai Baba of Shirdi (Hindi alam– Oktubre 15, 1918) at kilala rin bilang Shirdi ke Sai Baba (Marathi: शिर्डीचे श्री साईबाबा, Telugu: శిరిడి సాయిబాబా, Kannada: ಶಿರಡಿ ಸಾಯಿ ಬಾಬಾ, Tamil: ஷீரடி சாயி பாபா, Urdu: شردی سائیں بابا), ay isang guru na Indiano, yogi, at fakir na itinuturing ng kanyang mga debotong Hindu at Muslim bilang isang santo. Maraming mga debotong Hindu kabilang si Hemadpant na sumulat ng sikat na Shri Sai Satcharitra — ay tumuturing sa kanyang isang inkarnasyon ng Panginoong Krishna[1] samantalang ang ibang mga deboto ay tumuturing sa kanyang inkarnasyon ng Panginoong Dattatreya. Ang marami niyang mga deboto ay naniniwala na siya ay isang Satguru na naliwanagang Sufi Pir, o isang Qutub. Ang tunay na pangalan ni Sai Baba ay hindi alam. Ang pangalang "Sai" ay ibinigay sa kanya sa kanyang pagdating sa Shirdi na bayan sa estadong Indian na Maharashtra. Si Mahalsapati na isang lokal na saserdote ng templo ay kumilala sa kanya bilang isang santong Muslim at binati siya ng mga salitang 'Ya Sai!' na nangangahulugang 'Welcome Sai!'. Ang Sai o Sayi ay isang pamagat na Persian na ibinibigay sa mga santong Sufi na nangangahulugang 'ang isang mahirap'.[2] The honorific "Baba" means "father; grandfather; old man; sir" in Indo-Aryan languages. Thus Sai Baba denotes "holy father", "saintly father" or "poor old man".[3] Gayunpaman, ang Sāī ay maaari ring tumukoy sa terminong Sanskrit na "Sakshat Eshwar" o ang makadiyos. Si Sai Baba ay nananatiling isang napakasikat na santo lalo na sa India at siya ay sinasamba sa buong mundo.[4] Siya ay walang pag-ibig sa mga bagay na nasisira at ang kanyang tanging pinaguukulan ang realisasyon sa sarili. Siya ay nagturo ng isang moral na kodigo ng pag-ibig, kapatawaran, pagtulong sa iba, kawanggawa, panloob na kapayapaan at debosyon sa Diyos at guru. Ang mga katuruan ni Sai Baba ay nagsama ng mga elemento ng Hinduismo at Islam. Kanyang binigyan ng pangalang Hindu na Dwarakamayi sa moskeng kanyang tinirhan,[5] nagsanay ng mga ritwal na Hindu at Muslim at nagturo gamit ang mga salita at pigurang hinango sa parehong mga tradisyon. Siya ay inilibing sa Shirdi. Ang kanyang isang mahusay na kilalang mga epigramo ang "Sabka Malik Ek " ("Ang isang Diyos ay Namamahala sa Lahat") na nauugnay sa Islam at Sufismo. Kanyang palaging binibigkas ang "Allah Malik" ("Ang Diyos ay Hari").[6] Ang ilan sa mga alagad ni Sai Baba ay sumikat bilang mga pigurang espiritwal at santo gaya ni Mahalsapati na isang pari ng templong Khandoba sa Shirdi, at Upasni Maharaj. Siya ay ginagalang ng ibang mga santo gaya nina Santo Bidkar Maharaj, Santo Gangagir, Santo Janakidas Maharaj, at Sati Godavari Mataji.[7][8] Sai Baba referred to several saints as 'my brothers', especially the disciples of Swami Samartha of Akkalkot.[8] Si Avatar Meherbaba ay tumuring kay Sai Baba na isa sa Limang mga Perpektong Panginoon ng Panahon at nakatanggap ng pagpapala ni Sai Baba sa kanyang espiritwal na paglalakbay.Meherbaba
Ipinanganak | unknown |
---|---|
Namatay | October 15th, 1918 |
Panahon | 19th to 20th century |
Rehiyon | Shirdi, Maharashtra, India |
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Sai Satcharitra in English".
- ↑ Rigopoulos, The Life and Teachings of Sai Baba of Shirdi
- ↑ Rigopoulos, Antonio (1993). The Life and Teachings of Sai Baba of Shirdi. SUNY. p. 3. ISBN 0-7914-1268-7.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Srinivas Sathya Sai Baba movement
- ↑ Hoiberg, Dale; I. Ramchandani (2000). Students' Britannica India. Popular Prakashan. Nakuha noong 2007-12-01.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Sri Sai Satcharitra
- ↑ Ruhela, S. P. (ed), Truth in Controversies about Sri Shirdi Sai Baba, Faridabad, Indian Publishers Distributors, 2000. ISBN 81-7341-121-2
- ↑ 8.0 8.1 Dabholkar, Govind Raghunath, Shri Sai Satcharita: the life and teachings of Shirdi Sai Baba (1999)