Jeronimo

(Idinirekta mula sa Saint Jerome)

Si San Jeronimo[1] o San Geronimo (ca. 347 CE – 30 Setyembre 420 CE) na may tunay na pangalan sa wikang Latin na Eusebius Sophronius Hieronymus (Griyego: Ευσέβιος Σωφρόνιος Ιερώνυμος, at kilala rin bilang Hieronymus Stridonensis; Ingles: Saint Jerome) ay isang Kristiyanong apolohista na kilalang-kilala sa pagsasalin ng Bibliyang Vulgata, isang edisyong ng Bibliya sa Latin na malawakan ang katanyagan. Itinuturing siya ng Simbahang Romano Katoliko bilang isang kanonisadong santo at Duktor ng Simbahan. Magpahanggang sa ngayon, isa pa ring mahalagang teksto sa Katolisismo ang kaniyang bersiyon ng Bibliya. Itinuturing din siyang isang santo ng Silanganing Ortodoksiyang Simbahan, kung saan kilala siya bilang Eusebio Jeronimo ng Estridon (Kastila: Eusebio Hierónimo de Estridón o Jerónimo de Estridón; Ingles: Saint Jerome of Stridonium) o Pinagpalang Jeronimo. Ipinapakiwari ng ilan na isa siyang taong mula sa Illyria, subalit maaaring isa lamang itong sapantaha.

San Jeronimo
San Jeronimo
Kumpesor, Duktor ng Simbahan
Ipinanganakca. 347
Stridon, sa hangganan ng Dalmatia at Pannonia
Namatay420
Bethlehem, Judea
Benerasyon saAnglikanismo
Silanganing Ortodoksiya
Luteranismo
Oryental na Ortodoksiya
Romanong Katolisismo
Pangunahing dambanaBasilika ni Santa Maria Mayor, Roma
KapistahanKanluran: Setyembre 30; Silangan: Hunyo 15
Katangianleon, kasuotang pangkardenal, krus, bungo, trumpeta, kuwago, mga aklat at mga kagamitang panulat
Patronmga arkeologo; mga arkibista; mga dalubhasa sa Bibliya; mga tagapag-ingat ng mga aklatan; mga aklatan; mga batang mag-aaral; mga estudyante; mga tagapagsalin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Abriol, Jose C. (2000). "San Jeronimo". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)