Sam Cassell
Walang sangguniang binanggit o isinaad ang talambuhay na ito patungkol sa isang buhay na tao. (Nobyembre 2010)
Makakatulong po kayo sa pagpapabuti nito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga maaasahan at mapagkakatiwalaang sanggunian. Tandaan lamang po na agad na tatanggalin ang mga kaduda-dudang materyales nang walang sanggunian o di kaya'y mahina ang pagkakasangguni. |
Si Samuel "Sam" James Cassell (ipinanganak noong ika-18 ng Nobyembre, 1969, sa Baltimore, Maryland) ay isang dating Amerikanong propesyonal na baksebolista.
Philadelphia 76ers | |
---|---|
Position | Assistant coach |
League | NBA |
Personal information | |
Born | Baltimore, Maryland | 18 Nobyembre 1969
Nationality | Amerikano |
Listed height | 6 tal 3 pul (1.91 m) |
Listed weight | 185 lb (84 kg) |
Career information | |
High school |
|
College |
|
NBA draft | 1993 / Round: 1 / Pick: ika-24 overall |
Selected by the Houston Rockets | |
Playing career | 1993–2009 |
Position | Point guard |
Number | 10, 20, 19, 28 |
Coaching career | 2009–kasalukuyan |
Career history | |
As player: | |
1993–1996 | Houston Rockets |
1996 | Phoenix Suns |
1996–1997 | Dallas Mavericks |
1997–1999 | New Jersey Nets |
1999–2003 | Milwaukee Bucks |
2003–2005 | Minnesota Timberwolves |
2005–2008 | Los Angeles Clippers |
2008–2009 | Boston Celtics |
As coach: | |
2009–2014 | Washington Wizards (assistant) |
2014–2020 | Los Angeles Clippers (assistant) |
2020–kasalukuyan | Philadelphia 76ers (assistant) |
Career highlights and awards | |
| |
Career statistics | |
Points | 15,635 (15.7 ppg) |
Rebounds | 3,221 (3.2 rpg) |
Assists | 5,939 (6.0 apg) |
Stats at Basketball-Reference.com | |
Si Cassel ay napili bilang ika-24 overall ng Houston Rockets noong 1993 NBA Draft galing sa Florida State University. Tinulungan niyang manalo ang nasabing kuponan upanng manalo ng dalawang kampeonato noong 1994 at 1995. Matapos ang 1995-96 season, siya ay na-trade sa Phoenix Suns, ngunit sandali lamang ang pananatili niya doon.
Hindi rin nagtagal at na-trade siyang muli kasama sina Michael Finley, A.C. Green at isang draft pick papuntang Dallas Mavericks para kay Jason Kidd, Tony Dumas, at Loren Meyer noong ika-26 ng Disyembre, 1996. Noong sumunod na taon, siya ay nalipat kasama ni Chris Gatling, Jim Jackson, George McCloud, at Eric Montross papuntang New Jersey Nets para kay Shawn Bradley, Ed O'Bannon, Robert Pack at Khalid Reeves.
Makalipas ang dalawang taon, siya ay nasama sa isang three-way trade at siya ay napunta sa Milwaukee Bucks kasama nina Brian Evans, Chris Gatling, at dalawang future draft choices. Noong ika-27 ng Hunyo, 2003, muli siyang nalipat ng kuponan papuntang Minnesota Timberwolves kasama si Ervin Johnson para kila Joe Smith at Anthony Peeler. Noon namang ika-12 ng Agosto, 2005, muling na trade si Cassell kasama ang isang draft pick papuntang Clippers para kila Marko Jaric at Lionel Chalmers.
Animo'y natagpuan na ni Cassell ang tamang kuponan para sa kanya kasama ang Los Angeles Clippers; at pinangunahan ng beteranong basketbolista ang kuponan papuntang Western Conference semi-finals noong 2006 NBA Playoffs at nasa kanila pa ang home court advantage sa unang round. Tinalo nila ang Denver sa loob lamang ng limang laban, ngunit sa kalaunan ay matalo sa kamay ng Phoenix Suns pagkatapos ng pitong laban.
Kilala si Cassell dahil sa kanyang kakaibang personalidad at dahil magaling siyang makibagay. Isa siya sa "big three " ng Milwaukee Bucks kasama nina Ray Allen at Glen Robinson na nakapasok sa Eastern Conference Finals noong 2001. SA Minnesota, isa sya sa mga importanteng manlalarong TImberwolves. Siya at ang kanyang mga kakampi ay pinangunahan ng 2003-04 MVP na si Kevin Garnett upang makapasok sa 2004 Western Conference Finals sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng kuponan.
Noong 2006, nagkasundo si Cassell at ang Lakers para sa isang kontrata para sa dalawng taon na nagkakhalaga ng $13,000,000, na tinapatan naman ng Atlanta Hawks nghalagang $15,000,000. Sa huli, tinanggihan ni Cassell ang Atlanta at nakumpirma na ang kasunduan nila ng Lakers noong ika-2 ng Hulyo. Nakumpleto ang kasunduan noong ika-12 ng Hulyo, noong magsimula ang NBA Free Agency period.
Kawing palabas
baguhin- Cassell's page at NBA.com
- Sam Cassell Pictures @ Clippers Topbuzz Naka-arkibo 2006-09-18 sa Wayback Machine.
- ClutchFans.net Sam Cassell Profile Naka-arkibo 2021-01-11 sa Wayback Machine. - Houston Rocket Fan Site
- Sam Cassell Fansite Naka-arkibo 2016-10-08 sa Wayback Machine.