Felix ng Valois

(Idinirekta mula sa San Felix ng Valois)

Si San Felix ng Valois (1217 - 4 Nobyembre 1212) ay isang santong Pranses. Binigyan siya ng apelidong Valois ng ilan dahil pagkakasapi niya sa Kabahayan ng Valois, isang kadeteng sangay ng maharlikang Kabahayan ng Capet sa Pransiya. Ayon naman sa ilan, ibinigay sa kaniya ang apelyidong ito dahil katutubo siya ng lalawigan ng Valois. Namatay siya sa Cerfroid.

San Felix ng Valois
Larawan nina Felix ng Valois at Juan ng Matha, mga tagapagtatag ng Ordeng Trinitaryano.
Kumpesor
Ipinanganak1127
pinaniniwalaang sa Valois
Namatay4 Nobyembre 1212
Cerfroid
Benerasyon saSimbahang Romano Katoliko
Kanonisasyon1262 (tradisyonal na petsa); 1666 (kinumpirma ang kulto) ni Urbano IV (tradisyonal na petsa); kinumpirma ni Alexander VII
Kapistahan4 Nobyembre (dating 20 Nobyembre)

Talambuhay

baguhin

Sa maagang edad, itinakwil niya ang kaniyang mga ari-arian at nagretiro sa isang pook na gubat-na-gubat sa Diyosesis ng Meaux, kung saan itinakda niya ang sarili sa pananalangin at pagmumuni-muni. Sumama sa kaniyang paglisang ito si Juan ng Matha na nagmungkahi sa kaniya ng proyektong ilunsad ang isang ordeng magliligtas sa mga aliping Kristiyano na nasa kamay ng mga Muslim.

Matapos ang taos-pusong pagdarasal, tumungo si Felix na kasama si Juan ng Matha sa Roma at dumating doon noong kasisimula pa lamang ng pontipikado ni Inocencio III.

Kipkip nila ang mga liham ng rekomendasyon mula sa Obispo ng Paris, at malugod na tinanggap ito ng bagong papa at pinahintil ang mga ito sa palasyo. Pinagaralan ang proyekto ng paglulunsad ng order sa ilang mga konklabe ng mga kardenal at mga prelato, at makaraan ang taimtim na pananalangin ng papa, pinagpasiyahan niyang binigyang-lakas ng loob ng Diyos ang sina Felix ng Valois at Juan ng Matha para iniangat ang mga sarili para sa kabuhtihan ng Simbahan. Binindisyunan at kinumpirmahan ng papa ang samahan, na pinangalanan niyang Orden ng Kabanal-banalang Katatluhan para sa Pagkakaligtas ng mga Bihag (o Ordeng Trinitaryo). Kinumisyon ng papa ang Obispo ng Paris at ang Abbot ng San Viktor na gumawa ng patakaran para sa panimulaan, na kinumpirma ng papa noong 17 Disyembre 1198. Nanumbalik si Felix sa Pransiya upang itatag ang orden. Malugod na tinanggap, pinahintuluan, at sinuportahan ni Haring Philip Augustus sa Pransiya si Felix at ang panimulaan.

Pinagkalooban ni Margaret ng Blois, ang kondesa ng Blois, ang samahan ng dalawampung hektarya ng magubat na lupa kung saan unang itinayo ni Felix ang isang ermitahe. Sa halos kaparehong pook, itinayo niya ang kilalang monasteryo ng Cerfroi, ang punong-tahanan ng panimulaan. Sa loob ng apatnapung mga taon, pinanghawakan ng orden ang anim-na-raang mga monasteryo sa bawat bahagi ng Europa. Napilitang maghiwalay nina San Felix ng Valois at San Juan ng Matha. Kinailangang magpunta ni Juan ng Matha sa Roma upang itatag ang isang kabahayan ng orden, kung saan nakatayo pa rin ang simbahan nito, ang Santa Maria sa Navicella, sa Burol Caelian. Nanatili si San Felix sa Pranya upang pangalagaan ang mga hangarin ng kongregasyon. Itinatag niya ang isang kabahayn sa Paris na kakabit sa simabahan ng St. Maturinus, na naging kilala pagdaka sa ilalim ng pangangasiwa ni Robert Guguin, ang maestro-heneral ng orden.

Benerasyon

baguhin

Bagaman wala na ang Bula[1] ng kanonisasyon ni San Felix, naging malimit na kaugalian ng kaniyang panimulaan na ipahayag na kinanonisa siya ni Urbano IV noong 1262.

Sinasabi ni Du Plessis na ipinagdiriwang na ang kapistahan ni San Felix sa Diosesis ng Meaux noon pa mang kaagahan ng 1215. Noong 1666, dineklara siyang santo ni Alejandro VII dahil sa walang-kamatayan kulto para kay San Felix. Noong 1679, inilipat ni Inocencio XI ang kaniyang araw ng kapistahan sa 20 Nobyembre, noong isinisingit ito sa Romanong Kalendaryo.[2] Muling ibinalik ito sa 4 Nobyembre, ang araw ng kaniyang kamatayan.[3]

Sanggunian

baguhin
  1. Bula ng papa, Papal bull Naka-arkibo 2016-03-06 sa Wayback Machine., Tagalog English Dictionary, Bansa.org
  2. Calendarium Romanum (Libreria Editrice Vaticana 1969), p. 146
  3. Martyrologium Romanum (Libreria Editrice Vaticana 2001 ISBN 88-209-7210-7)

Panlabas na kawing

baguhin

Naglalaman ang artikulong ito ng mga teksto mula sa nasa pampublikong dominyong Katolikong Ensiklopedya ng 1913.