San Giacomo degli Spagnoli, Napoles
Ang San Giacomo degli Spagnoli ay isang simbahang basilika sa Piazza Municipio sa sentrong Napoles, Italya. Ang simbahang Renasimiyento ay napaloob noong 1812 sa Palazzo San Giacomo na itinayo ni Haring Fernando I ng Bourbon nang magtayo siya ng isang sentral na bloke ng mga tanggapan para sa mga ministro ng kaniyang gobyerno na katabi ng kuta ng Castel Nuovo. Ang Palazzo San Giacomo ay ngayon ang municipio o bulwagang panlungsod ng Napoles. Ang isa pang simbahan ng San Giacomo degli Spagnoli ay matatagpuan sa Roma.
Basilika ng San Giacomo degli Spagnoli Basilica di San Giacomo degli Spagnoli (sa Italyano) | |
---|---|
Relihiyon | |
Pagkakaugnay | Katoliko Romano |
Distrito | Arkidiyosesis ng Napoles |
Katayuang eklesyastikal o pang-organisasyon | Basilika menor |
Lokasyon | |
Lokasyon | Napoles, Campania, Italya |
Mga koordinadong heograpikal | 40°50′26″N 14°15′00″E / 40.840650°N 14.249920°E |
Arkitektura | |
Uri | Simbahan |
Ang orihinal na simbahan ay ikinomisyon noong 1540 ng Espanyol na viceroy na si Don Pedro álvarez de Toledo, Marquis ng Villafranca at nauugnay sa katabing ospital para sa mga mahihirap. Ang simbahan ay inialay kay Santiago, ang patron ng Espanya, at dinisenyo ni Ferdinando Manlio. Ang pagtatayo ng Palazzo San Giacomo ang gumiba sa patsada, ngunit pinanatili ang panloob na layout ng tatlong nabe at isang mataas na sentral na kisame.
Napapanatili pa rin sa loob ang ilang dakilang libingan, kabilang ang para sa viceroy na si Don Pedro de Toledo, ang kaniyang asawa at anak, na nililok noong 1570 ni Giovanni da Nola. Sa may pasukan ay may dalawang eskultura ni Francesco Cassano. Dagdag, ang libingan ni Ferdinando Maiorca at asawa niyang si Porzia Coniglia sa abside ay kinumpleto ni Michelangelo Naccherino. Ang nitso ni Alfonso Basurto, ay inukit nina Annibale Caccavello at Giovanni Domenico D'Auria.[1][2]
Ang simbahan ay iniangat sa katayuan bilang basilika noong 1911 ngunit pagkatapos ay napinsala buhat ng pambobomba noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ngayon, bihira na itong bukas sa publiko.[3]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Storiacity website Naka-arkibo 2014-10-29 sa Wayback Machine. entry on church.
- ↑ Napoligrafia entry on church.
- ↑ comune of Naples, announcement about opening for visits.