Lorenzo Ruiz

(Idinirekta mula sa San Lorenzo Ruiz)

Si Lorenzo Ruiz (c.1600ika-29 ng Setyembre, 1637) ay isa sa mga kilalang Pilipino at santo ng Katolisismo. Kilala siya bilang unang santong Pilipino na nakanonisa sa kasaysayan ng Simbahang Katoliko Romano.

Buhay at Kamatayan

baguhin

Ipinanganak siya sa Binondo, Maynila, Pilipinas noong ika-17 na siglo sa mga Katolikong magulang. Natuto siyang mag-Tsino mula sa kaniyang ama, habang sa kaniyang ina naman siya ay natutong magsalita ng Tagalog.

Base sa mga dokumento ang mga magulang ay debotong Katoliko. Siya ay pinangalan sa isang martyr noong ikatlong siglo, habang ang kanyang apeliydo ay kinuha sa kanyang tiyo. Siya ay nagsilbi bilang sakristan o ang tumutulong sa pari sa simbahan ng Binondo.

Habang nagtatrabaho siya bilang isang klerk sa simbahan ng Binondo noong 1636 ay pinagbintangan siya sa pagkamatay ng isang Kastila. Nagsagawa ng malawakang pagtutugis kay Lorenzo dahil sa paniniwalang may kinalaman siya sa kaso. Noong napagalaman niya na mayroong isang misyonario na patungong Hapon ay nagtanong siya kung puwede siyang sumama sa kanila. Pinayagan siyang sumakay ng barko, kasama ang mga paring Dominikano.

Noong panahong iyon ay pinarurusahan ng kasugunan (shogunado) ng Tokugawa ang mga Kristiyano sa pamamagitan ng pagdakip o pagpapahirap sa kanila. Noong ika-27 ng Setyembre taong 1637 ay nahuli si Lorenzo at ang kanyang mga kasama at dinala sa burol ng Nishizaka, kung saan ay ibinitin sila pabaligtad sa balon.

Matapos silang pahirapan, si Lorenzo Ruiz ay namatay isang martir noong ika-29 ng Setyembre, taong 1637 sa Nagasaki.

Pagkilala bilang Santo

baguhin

Bineatipika si Ruiz sa Maynila noong Pebrero 18, 1981 ni Papa Juan Pablo II, na siya ring nagkanonisa sa kaniya noong Oktubre 18, 1987. Ang beatipikasyon ni Ruiz ang kauna-unahan sa labas ng Vaticano. Ang kaniyang kapistahan ay ginugunita ng Simbahang Katolika tuwing ika-28 ng Setyembre

"Isa akong Katoliko at buong-pusong tinatanggap ang kamatayan para sa Panginoon, kung ako man ay may sanlibong buhay, lahat ng iyon ay iaalay ko sa kaniya."

Mga kawing panlabas

baguhin
Tingnan ang katumbas na artikulo sa Wikipediang Ingles para sa mas malawak na pagtalakay ng paksang ito.


    Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas, Kristiyanismo at Hapon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.