Patricio ng Irlanda

(Idinirekta mula sa San Patricio)

Si San Patricio (Ingles: Saint Patrick, Latin: Patricius[2], Irlandes: Naomh Pádraig) ay isang Kristiyanong Romano Britanikong misyonero at pintakasing santo ng Irlanda na kahanay nina Brigid ng Kildare at Columba. Noong labing-anim na taong gulang siya, nabihag siya ng mga mananalakay na mga Irlandes at inalipin sa Irlanda, kung saan namuhay siya ng anim na taon bago makatakas at makabalik sa kaniyang mag-anak. Pumasok siya sa simbahan, katulad rin ng ginawa ng kaniyang ama at lolo, naging diyakuno at isang obispo. Nagbalik siya sa Irlanda bilang isang misyonero sa hilaga at kanluran ng pulo, subalit kaunti lamang ang nalalaman hinggil sa mga pook kung saan siya nagsagawa ng mga gawaing pangmisyonero, at walang ugnay na magawa sa pagitan ni Patricio at ng anumang simbahan. Sa pagsapit ng ika-8 daantaon, naging santong patron siya ng Irlanda. Sinilang at umunlad ang sistema ng monasteryong Irlandes pagkaraan ng panahon ni Patricio at hindi pinainam ng simbahang Irlandes ang huwarang dioyesis na sinubok ilunsad ni Patricio at iba pang mga sinaunang mga misyonero.

San Patricio
Ipinanganakhindi alam
Namatay17 Marso 461 o 493
Benerasyon saAnglikanismo
Silanganing Ortodoksiya
Luteranismo
Romanong Katolisismo
Kapistahan17 Marso (Araw ni San Patricio)
PatronIrlanda, Nigeria, Montserrat, New York, Boston, mga inhinyero[1]

Hindi matukoy ng may katiyakan ng mga nahagilap na katawan ng mga ebidensiya ang mga petsa sa buhay ni Patricio, subalit naipapakitang aktibo siya bilang isang misyonero sa Irlanda noong mga pangalawang hati ng ika-5 daantaon. May dalawang na nagbuhat mula sa kaniya ang nailigtas sa pagkasira, kasama ng sumunod na mga hagiograpiya mula noong ika-7 daantaon pataas. Marami sa mga akdang ito ang hindi matanggap bilang mga awtentikong tradisyon. Mula sa hindi mapanuring pagtanggap ng Taunang Tala ng Kasaysayan ni Ulster[3] (Ingles: Annals of Ulster) ang nagpapahiwatig na namuhay sa Patricio mula 378 hanggang 493, at nagturo ng pananampalataya sa hilagang Irlanda ng makabagong panahon mula 433 pataas.

Sanggunian

baguhin
  1. "Roman Catholic Patron Saints Index". Nakuha noong 25 Agosto 2006.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Brown, pp. 51
  3. "Annals," mga kasaysayang nangyayari sa taón-taón Naka-arkibo 2016-03-06 sa Wayback Machine., Tagalog English Dictionary, Bansa.org