Ricardo ng Chichester

(Idinirekta mula sa San Ricardo)

Si Ricardo ng Chichester[1] (Ingles: Richard of Chichester, 1197 – Abril 3, 1253), na kilala rin bilang Ricardo ng Wych (Richard de Wych), ay isang santo (kinanonisa noong 1262) na isang Obispo ng Chichester.

San Ricardo ng Chichester
Obispo ng Chichester
A wall painting of St. Richard of Chichester
Naiupo1244
Nagwakas ang pamumuno1253
HinalinhanRobert Passelewe
KahaliliJohn Climping
Iba pang katungkulanKinatawang pari ng Deal
Mga detalyeng personal
Pangalan sa kapanganakanRicardo (Richard)
Kapanganakanc. 1197
Droitwich, Worcestershire, Inglatera
YumaoAbril 3, 1253
Dover, Kent, Inglatera
DenominasyonKatoliko
Kasantuhan
KapistahanAbril 3 (sa Simbahang Katolika Romana at ilang mga probinsiya ng Komunyong Anglikano), Hunyo 16 (sa ilang mga probinsiya ng Komunyong Anglikano)
Pinipitagan saSimbahang Katolika Romana
Komunyong Anglikano
Pamagat bilang santoObispo at Tagapagpaamin
KanonisasyonEnero 25, 1262
Viterbo, Lazio, Estadong Papal
ni Papa Urbano IV
AtribusyonObispo na may kalis sa kaniyang tabi ng kaniyang paa dahil minsang nahulog niya ang kalis habang nagmimisa at walang natapon na laman nito; nakaluhod sa harap ng kalis; umaararo sa kabukiran ng kaniyang kapatid; isang obispong binabasbas ang kaniyang mga mananampalataya na may kasamang kalis na malapit sa kaniya
PamimintakasiMga kutsero; Diyosesis ng Chichester; Sussex, Inglatera
Mga dambanaKatedral ng Chichester

Sa Katedral ng Chichester, naging napapalamutiang sentro ng pilgrimahe ang isang dambanang nakalaan kay Ricardo. Noong 1538, sa panahon ng pamumuno ni Enrique VIII, nilooban at winasak ito sa utos ni Thomas Cromwell. Si Ricardo ng Chichester ay ang patron ng Sussex sa katimugang Inglatera; mula noong 2007, ipinagdiriwang ang kaniyang araw ng santo na Hunyo 16 bilang Araw ng Sussex.

Talababa

baguhin
  1. "San Ricardo ng Chichester". Nakuha noong Agosto 31, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga sanggunian

baguhin

Pagpapatungkol:

Mga kawing panlabas

baguhin