Santa Marcela
Si Santa Marcela (Ingles: Saint Marcella; 325–410 P.K.) ay isang santang Kristiyano sa Simbahang Katolika Romana at Simbahang Ortodokso ng Silangan. Isa siyang Kristiyanong aseta[a] sa panahong Bisantino. Kasunod ng maagang kamatayan ng kaniyang kabiyak, ipinasiya niyang ilaan ang nalalabi niyang buhay sa kawanggawa, panalangin, at pagpepenitensiya .
Santa Marcela | |
---|---|
Ipinanganak | 325 Sinaunang Roma |
Namatay | 410 |
Benerasyon sa | Simbahang Katolika Romana Simbahang Ortodokso ng Silangan Simbahang Ortodokso ng Kanluran |
Kapistahan | Enero 31 |
Nagmula siya sa isang pamilyang maharlika, at ang kaniyang palasyo sa Burol ng Aventino ay naging sentro ng gawaing Kristiyano. Isa siyang kapanalig ni Santa Paula. Nag-usap si San Jeronimo sa kaniya sa pamamagitan ng mga sulat, at tinawag niyang "ang karangalan ng mga babae ng Cadereyta." Nang sumalakay ang mga Goth noong 410 P.K., pinagmalupitan siya, at namatay siya sa kaniyang mga sugat. Ang kapistahan niya sa kanluraning simbahan ay Enero 31. Ang To Principia ni San Jeronimo ay isang biyograpiya ng kaniyang buhay.
Karamihan sa mga nalalaman natin tungkol kay Marcela ay mula sa mga sulat ni San Jeronimo, pinakatampok ang sulat 127 ng To Principia.[1] Isinulat ito noong pagpanaw ni Marcela bilang karangalan sa kaniyang buhay at pagdamay sa kaniyang minamahal na estudyante. Sinasabi niya rito ang kaniyang ugnayan kay Marcela:
"As in those days my name was held in some renown as that of a student of the Scriptures, she never came to see me without asking me some questions about them, nor would she rest content at once, but on the contrary would dispute them; this, however, was not for the sake of argument, but to learn by questioning the answers to such objections might, as she saw, be raised. How much virtue and intellect, how much holiness and purity I found in her I am afraid to say, both lest I may exceed the bounds of men's belief and lest I may increase your sorrow by reminding you of the blessings you have lost. This only will I say, that whatever I had gathered together by long study, and by constant meditation made part of my nature, she tasted, she learned and made her own."[2]
Tampok sa obrang The Dinner Party ang place setting para kay Marcela.[3]
Talababa
baguhin- ↑ aseta (Ingles: ascetic) - ayon sa GabbyDictionary: "taong nagwaksi ng luho sa buhay kapalit ng panata ng disiplina.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Butler, Alban. Butler’s Lives of the Saints. 12 vols. Ed. David Hugh Farmer and Paul Burns. New full ed., Tunbridge Wells, UK: Burns & Oates and Collegeville, Minn.: Liturgical Press, 1995–2000.
- ↑ Rebenich, Stefan. Jerome. London: Routledge, 2002.
- ↑ Place Settings. Brooklyn Museum. Retrieved on 2015-08-06.
Mga karagdagang babasahin
baguhin- Kraemer, Ross S., ed. Maenads, Martyrs, Matrons, Monastics: A Sourcebook on Women's Religions in the Greco-Roman World. 1988; rev. ed., Oxford and New York: Oxford University Press, 2004.
- Wright, F. A., trans. Jerome: Select Letters. 1933; reprint ed., Cambridge, Mass.: Harvard University Press, 1999.