Santa Maria Donna Regina Vecchia

Simbahan sa Napoles, Italya

Ang Santa Donna Regina Vecchia ay isang simbahan sa Napoles, sa Katimugang Italya. Tinatawag itong Vecchia ("luma") upang makilala ito mula sa mas bago at katabing simbahan ng Santa Maria Donnaregina Nuova.

Isang tanaw sa loob ng simbahan
Abside

Ang pinakamaagang pagbanggit ng isang simbahan sa pook na ito ay mula sa taong 780 sa isang pagsangguni ng mga madre sa simbahan ng San Pietro del Monte di Donna Regina. Sa panahong iyon, ang simbahan ay malapit sa matandang pader ng silangang lungsod. Ang mga madre ay mula sa ordeng Basiliano at, nang iniwan ng ordeng iyon ang Napoles sa simula ng ika-9 na siglo, kumuha ng mga panatang Benedictino. Noong 1264, binigyan ni Papa Gregorio IX ng pahintulot ang mga madre na sumali sa ordeng Franciscano.

Noong 1293 isang matinding lindol ang nagdulot ng malaking pinsala sa orihinal na estruktura, at si reyna Mary ng Hungary, asawa ng hari ng Naples, si Charles II ng Anjou ang nagpondo sa pagbuo ng isang bagong compex katabi ng luma. Ang mas bagong complex ay kilala bilang Santa Maria Donna Regina Nuova.[1]

Mga sanggunian

baguhin
  • Bologna, Ferdinando (1969). I pittori alla corte angioina di Napoli (1266-1414). Rome.logna, Ferdinando (1969). I pittori alla corte angioina di Napoli (1266-1414). Rome.
  • Carelli, E.; Casiello, S. (1975). Santa Maria di Donnaregina a Napoli. Naples.
  1. All information is from Sopraintendenza per i beni artistici e culturali (1993). Napoli Sacra. Naples: Elio di Rosa.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
baguhin