Santa Maria dei Miracoli at Santa Maria in Montesanto

Ang Santa Maria dei Miracoli at Santa Maria di Montesanto ay dalawang simbahan sa Roma.

Ang "kambal" na simbahan ng Santa Maria di Montesanto (kaliwa) at Santa Maria dei Miracoli (kanan), tanaw mula sa Piazza del Popolo . Sa pagitan ng dalawang simbahan nagsisimula ang Via del Corso. Bagaman magkapareho, ang mga pagkakaiba ay makikita sa imaheng ito sa dalawang maliit kampanilya at sa dalawang simboryo (mapapansin sa bilang ng mga bintana sa tympanum ng bawat simbahan).

Matatagpuan ang mga ito sa Piazza del Popolo, na nakaharap sa hilagang tarangkahan ng Pader Aureliano, sa entrada ng Via del Corso sa plaza. Ang mga simbahan ay madalas na itinuturing bilang "kambal", dahil sa kanilang kaparehas na panlabas na hitsura. Ngunit mayroon silang talagang pagkakaiba, sa parehong mga plano at mga panlabas na detalye.

Mula sa plaza, ang dalawang simbahan ang nagbibigay-depinisyon sa tinaguriang tinukoy ang tinatawag na "tridente" ng mga kalyeng nagmumula sa Piazza del Popolo: simula sa kaliwa, Via del Babuino, Via del Corso, at Via di Ripetta. Ang unang dalawa ay pinaghiwalay ng Santa Maria di Montesanto, ang huli ng Santa Maria dei Miracoli.

Ang pinagmulan ng dalawang simbahan mula pa sa ika-17 siglong pagpapanumbalik ng dating pangunahing lagusan sa sa Gitnang Kapanahunan at Renasimiyentong Roma, mula sa Via Flaminia (kilala bilang Via Lata at Via del Corso sa katangian ng syudad). Kinumisyon ni Papa Alejandro VII ang monumental na disenyo ng pasukan ng Via del Corso kay arkitektong si Carlo Rainaldi. Kasama rito ang dalawang simbahan na may mga sentralisadong plano, ngunit ang magkakaibang hugis ng dalawang lugar na maaaring magagamit ay nagbunga ng mabibigat na pagbabago sa mga proyekto.

Pareho itong pinondohan ni Kardinal Girolamo Gastaldi, na ang eskudo ay makikita sa dalawang simbahan.

Mga sanggunian

baguhin