Sarah Winnemucca
Si Sarah Winnemucca (ipinanganak na Thocmentony o Tocmetone,[1] na sa wikang Paiute ay "Bulaklak-Kabibi") (ca. 1844 – 16 Oktubre 1891) ay isang tanyag na babaeng aktibistang Amerikana na Indiyanang Paiute at edukador. Isa siyang aktibista para sa mga karapatang ng mga Indiyano at nagbigay ng mga panayam hinggil sa mga problema ng sistema ng reserbasyon.[2] Tumulong siya sa pagkakamit ng pagpapalaya ng kaniyang mga tao mula sa Reserbasyon ng Yakima pagkatapos ng Digmaan ng Bannock noong 1878. Malawakan siyang nagbigay ng mga lektura sa Silangan noong 1883 ukol sa mga pang-aapi laban sa mga Katutubong Amerikano sa Kanluran. Nagtatag siya ng isang paaralang pribado para sa mga estudyang Indiyano sa Nevada. Isa siyang maimpluwensiyang pigura sa pagpapaunlad ng mga patakaraan para sa mga Indiyano noong ika-19 na daantaon sa Estados Unidos.[kailangan ng sanggunian]
Sarah Winnemucca | |
---|---|
Kapanganakan | 1844
|
Kamatayan | 17 Oktubre 1891
|
Mamamayan | Estados Unidos ng Amerika |
Trabaho | manunulat, guro |
Kilala si Winnemucca sa paglalathala ng unang nalalamang awtobiyograpiya na isinulat ng isang babaeng Katutubong Amerikano.[3] Ang kaniyang aklat na pinamagatang Life Among the Paiutes: Their Wrongs and Claims (1883, "Buhay sa Piling ng mga Paiuete: Ang Kanilang mga Kamalian at mga Pag-aangkin), ay kapwa isang memoir at kasaysayan ng kaniyang mga tao noong kanilang unang 40 mga taon ng pakikipag-ugnayan sa mga Amerikanong Europeo. Inilarawan ito ng antropologong si Omer Stewart bilang isa sa una at isa sa pinaka matatag na mga aklat na etnohistorikal na naisulat ng isang Indiyanong Amerikano, na madalas na binabanggit ng mga iskolar.[4]
Magmula noong hulihan ng ika-20 daantaon, nakakatanggap si Winnemucca ng muling sumiglang pagpansin dahil sa kaniyang mga naging kontribusyon. Noong 1993, iniluklok siya sa Nevada Writers Hall of Fame. Noong 2005, nag-ambag ang estado ng Nevada ng isang estatwa niya na nililok ng eskultor na si Benjamin Victor, na ibinigay sa National Statuary Hall Collection ng Kapitolyo ng Estados Unidos.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Ontko, Gale. Thunder Over the Ochoco, Tomo I: The Gathering Storm, p. 404. Bend, OR: Maverick Publications, Inc., 1997.
- ↑ Deverell, William at Deborah Gray White. United States History and New York History: Post-Civil War to the Present (Holt McDougal:2010), pahina R117.
- ↑ Voices from the Gaps: "Sarah Winnemucca Hopkins", website ng Pamantasan ng Minnesota, napuntahan noong 11 Pebrero 204
- ↑ Omer Stewart, Review: "Gae Whitney Canfield, 'Sarah Winnemucca of the Northern Paiutes', Norman, OK: University of Oklahoma, 1983", Journal of California and Great Basin Anthropology, 5(2), 1983, napuntahan noong 12 Pebrero 2014