Ang Sarh (Arabe: ساره), dating tinawag na Fort Archambault, ay ang kabisera ng Rehiyon ng Moyen-Chari at ng Departamento ng Barh Köh sa katimugang Chad.

Sarh

ساره
Sarh is located in Chad
Sarh
Sarh
Kinaroroonan sa Chad (Moyen-Chari region highlighted)
Mga koordinado: 09°09′N 18°23′E / 9.150°N 18.383°E / 9.150; 18.383
Bansa Chad
RehiyonRehiyon ng Moyen-Chari
DepartmentoBarh Köh
Sub-PrepekturaSarh
Taas
347 m (1,138 tal)
Populasyon
 (2012)
 • Kabuuan103,269
Sona ng oras+1

Kasaysayan

baguhin

Itinatag ang dating Fort Archambault ng koloniyal na French Equatorial Africa, para sa mga nagsibalik mula sa mga kampong paggawa na ini-uugnay sa pagtatayo ng Daambakal ng Konggo-Karagatan. Isang napakalaking hugnayan ng pagawaan ng tela ay itinayo ng mga Pranses sa Sarh noong 1967.

Dumanas ang mamamayan ng Sarh ng epidemyang meningococcal meningitis noong 1990.[1]

Heograpiya

baguhin

Matatagpuan ang Sarh sa Ilog Chari, sa layong 560 kilometro (350 milya) timog-kanluran ng kabiserang lungsod na N'Djamena. Ipinangalan ito mula sa lahing Sara ng katimugang Chad.[2]

Ito ang pangatlong pinakamalaking lungsod sa Chad, kasunod ng N'Djamena at Moundou.

Historical population
TaonPop.±%
1993 75,496—    
2008 108,061+43.1%
1993 at 2008[3]

Ekonomiya

baguhin

Isa na ngayong pangunahing pusod ng transportasyon ang Sarh. Pinaglilingkuran ito ng Paliparan ng Sarh (kodigong pampaliparan ng IATA SRH).

Isa rin itong sentro ng industriya ng bulak, dahil sa mainit-init at pana-panahong mabasang klima. Isa rin itong mahalagang sentro ng pangkomersiyong pangingisda sa Ilog Chari.

Kilala ang lungsod bilang sentro ng buhay-gabi sa rehiyon. Kabilang sa mga palatandaang-pook ng lungsod ang Pambansang Museo ng Sarh.

Ang Sarh ay may klimang tropikal na savanna (Köppen climate classification Aw).

Datos ng klima para sa Sarh (1961–1990)
Buwan Ene Peb Mar Abr May Hun Hul Ago Set Okt Nob Dis Taon
Katamtamang taas °S (°P) 35.8
(96.4)
38.0
(100.4)
39.1
(102.4)
38.5
(101.3)
36.2
(97.2)
33.2
(91.8)
30.9
(87.6)
30.6
(87.1)
31.7
(89.1)
33.6
(92.5)
35.5
(95.9)
35.4
(95.7)
34.9
(94.8)
Katamtamang baba °S (°P) 16.5
(61.7)
18.8
(65.8)
22.6
(72.7)
24.7
(76.5)
24.1
(75.4)
22.6
(72.7)
21.6
(70.9)
21.5
(70.7)
21.5
(70.7)
21.7
(71.1)
18.8
(65.8)
16.4
(61.5)
20.9
(69.6)
Katamtamang presipitasyon mm (pulgada) 0.1
(0.004)
1.6
(0.063)
9.5
(0.374)
37.4
(1.472)
82.1
(3.232)
135.9
(5.35)
234.4
(9.228)
243.7
(9.594)
165.5
(6.516)
55.8
(2.197)
3.3
(0.13)
0.0
(0)
969.3
(38.161)
Araw ng katamtamang presipitasyon (≥ 0.1 mm) 0 1 2 5 9 12 15 18 16 7 1 0 86
Katamtamang kahalumigmigang relatibo (%) 33 29 37 50 61 72 79 82 80 73 57 42 58
Buwanang tamtaman ng sikat ng araw 266.6 243.6 244.9 237.0 241.8 207.0 173.6 176.7 186.0 232.5 261.0 266.6 2,737.3
Arawang tamtaman ng sikat ng araw 8.6 8.7 7.9 7.9 7.8 6.9 5.6 5.7 6.2 7.5 8.7 8.6 7.5
Sanggunian #1: World Meteorological Organization (temperatures and rainy days)[4]
Sanggunian #2: NOAA (sun, humidity and precipitation)[5]

Mga kambal at kapatid na lungsod

baguhin

Magkakambal ang Sarh sa:

Mga sanggunian

baguhin
  1. Lengeler, C; Kessler, W; Daugla, D. "The 1990 meningococcal meningitis epidemic of Sarh (Chad): how useful was an earlier mass vaccination?". Acta Trop. 59: 211–22. doi:10.1016/0001-706x(95)00081-o. PMID 7572427.
  2. Britannica Online Encyclopedia
  3. World Gazetteer: Chad
  4. "World Weather Information Service–Sarh". World Meteorological Organization. Nakuha noong Hunyo 24, 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Sarh Climate Normals 1961–1990". National Oceanic and Atmospheric Administration. Nakuha noong Hunyo 24, 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "National Commission for Decentralised cooperation". Délégation pour l’Action Extérieure des Collectivités Territoriales (Ministère des Affaires étrangères) (sa wikang Pranses). Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-11-27. Nakuha noong 2013-12-26. {{cite web}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)