Moundou
Ang Moundou (Arabe: موندو) ay ang pangalawang pinakamalaking lungsod ng bansang Chad sa Aprika at kabisera ng rehiyon ng Logone Occidental.
Moundou موندو | |
---|---|
Mga koordinado: 8°34′N 16°05′E / 8.567°N 16.083°E | |
Bansa | Chad |
Rehiyon | Rehiyon ng Logone Occidental |
Departmento | Lac Wey |
Sub-Prepektura | Moundou |
Taas | 413 m (1,355 tal) |
Populasyon (2012) | |
• Kabuuan | 137,929 |
Sona ng oras | +1 |
Matatagpuan ito sa Ilog Mbéré (isang sangay ng Kanlurang Logone) sa layong mga 475 kilometro timog ng kabisera na N'Djamena. Ito ang pangunahing lungsod ng lahing Ngambai. Lumaki ang Moundou at naging isang sentrong pang-industriya na tahanan ng Gala Brewery, na gumagawa ng pinakapatok na serbesa ng Chad, gayon din ng mga industriya ng bulak at petrolyo.
Kasaysayan
baguhinItinatag ang lungsod noong 8 Nobyembre 1923 ng sarhento at tagapangasiwang Pranses na si Joseph-François Reste, Tenyente-Heneral ng Chad mula 1923 hanggang 1926 at magiging Gobernador-Heneral ng French Equatorial Africa sa hinaharap.[1] Mula sa awaram (whaleboat) na ginamit niya sa paglalayag, natanaw niya ang sityo at natagpuan niya itong kaakit-akit.[2] Pagsapit ng taong 1916, natapos na ang militar na paglupig ng Chad, bagamat naganap ang mga kilusang paglaban sa rehimeng kolonyal, lalo na sa timog-kanluran kung saang nagpatuloy ang mga pakikipaglaban hanggang sa mga taong 1930.[3][4] Natukoy niya ang Moundou bilang sentro ng sonang panghihimagsik.[5] Hindi lubusang nagbago ang kalagayang panghihimagsik sa pagdating ni Tenyente Robert Reverdy. Puno ng distrito ng Gitnang Logone noong 1925, natapos ni Reverdy (na naging tagapamahala noong 1927) ang hindi naaabalang pamamalagi ng limang taon at walong buwan. Nilipat niya ang punong bayan ng distrito sa Moundou noong 1927, at sinakop niya ang pagbubuo ng matatag na mga pinuno, una para sa nayon at sumunod para sa bayan.
Noong 20 Abril 1930, nilagda ni Gobernador Georges Prouteaux ng Oubangi-Chari (nakasama ang distrito sa Oubangui-Chari noong 1926) ng isang katatagán na nagbubuong muli ng "katutubo ng Gitnang Logone" sa pamamagitan ng pagtatatag ng 40 canton (katumbas ng mga lalawigan), na nahahati sa limang paghahati. Itinalaga ni Reverdy bilang pinuno ng township o bayan ng Moundou ang kaniyang kanang-kamay, pinunong pampook na si Hassan Moundou o Hassan Baguirmi ng Baguirmian o sa halip, may pinagmulang Baguirmianisadong Dekakire Arabe.[3][4][6] Hindi lahat ng mga pinuno ay may tradisyonal na pinagmulan. Sa bansang animista, kinilala lamang ng nakagawian ang mga pinuno ng angkan o mga puno ng digmaan o pagpapasimula, na nagdalubhasà at pansanantala. Ngunit tinanggap ng mamamayan ng bayan ang sistema, at nanatili sa puwesto ang ilang mga pinuno ng higit sa ikaapat na bahagi ng dantaon. Nakatira pa rin sa lungsod ang kanilang mga apu-apuhan.[6]
Isinalunsod ni Reverdy[5] (tinawag na Baoguel, ang "Nakakaliwang-Kamay", sa wikang Ngambay)[2] ang poste ng Moundou na itinatag niya. Nagtanim siya ng mga bulaklak (mula Pebrero hanggang Mayo) na naglilinya sa mga daan ng Moundou, na naging pinagmulan ng palayaw ng lungsod noong panahong kolonyal: "Moundou-la-Rouge".[2]
Noong 1926 nagtatag ang Cotton Company of the Congo ng isang pabrika sa Moundou na nagtatanggal ng mga buto mula sa bulak. Paglaon, ang kompanya ng bulak ay naging Cotonfran noong 1928 at CotonTchad noong 1972.[7][8]
Ang unang pangkadastrong mapa ng bayan ay ginawa noong 2 Pebrero 1926. Sapagkat sa mga panahong iyon walang maraming mga kagamitan para sa malakihang topograpikong agrimensura, ang tubo ng daluyan ng bayan ay nakaharap sa ilog sa paniniwalang papunta sa ilog ang likas na dalisdis, bagamat sa katotohanan mas-mataas sa lebel ng lungsod ang lebel ng ilog. Noong 2012, winika ng Alkalde ng Moundou na si Laoukein Kourayo Médard, na "tuwing may baha, lahat ng mga tubig ng Logone ay lumalabas papuntang Lawa ng Wey (sa kanluran), na siya namang binubuhos ang tubig nito sa lungsod, at ganap na bumabaha ang Moundou."[9]
Heograpiya
baguhinKlima
baguhinAng Moundou ay may klimang tropiko na sabana (Köppen climate classification Aw).
Datos ng klima para sa Moundou (1961–1990) | |||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Buwan | Ene | Peb | Mar | Abr | May | Hun | Hul | Ago | Set | Okt | Nob | Dis | Taon |
Katamtamang taas °S (°P) | 34.1 (93.4) |
36.7 (98.1) |
38.6 (101.5) |
38.0 (100.4) |
35.7 (96.3) |
32.3 (90.1) |
30.2 (86.4) |
29.8 (85.6) |
30.7 (87.3) |
33.1 (91.6) |
35.1 (95.2) |
34.2 (93.6) |
34.0 (93.2) |
Katamtamang baba °S (°P) | 15.1 (59.2) |
18.3 (64.9) |
22.5 (72.5) |
24.2 (75.6) |
23.5 (74.3) |
22.1 (71.8) |
21.2 (70.2) |
21.0 (69.8) |
20.8 (69.4) |
21.0 (69.8) |
17.4 (63.3) |
14.6 (58.3) |
20.1 (68.2) |
Katamtamang presipitasyon mm (pulgada) | 0.0 (0) |
0.2 (0.008) |
4.6 (0.181) |
39.2 (1.543) |
89.8 (3.535) |
147.7 (5.815) |
257.8 (10.15) |
284.8 (11.213) |
200.1 (7.878) |
57.1 (2.248) |
1.5 (0.059) |
0.0 (0) |
1,082.8 (42.63) |
Araw ng katamtamang presipitasyon (≥ 0.1 mm) | 0 | 1 | 2 | 5 | 9 | 12 | 15 | 19 | 13 | 7 | 2 | 0 | 85 |
Katamtamang kahalumigmigang relatibo (%) | 36 | 28 | 31 | 50 | 63 | 73 | 80 | 81 | 78 | 73 | 56 | 45 | 58 |
Buwanang tamtaman ng sikat ng araw | 279.0 | 249.2 | 248.0 | 234.0 | 241.8 | 210.0 | 182.9 | 170.5 | 186.0 | 235.6 | 282.0 | 291.4 | 2,810.4 |
Arawang tamtaman ng sikat ng araw | 9.0 | 8.9 | 8.0 | 7.8 | 7.8 | 7.0 | 5.9 | 5.5 | 6.2 | 7.6 | 9.4 | 9.4 | 7.7 |
Sanggunian #1: World Meteorological Organization[10] | |||||||||||||
Sanggunian #2: NOAA (sun and humidity)[11] |
Demograpiya
baguhinTaon | Pop. | ±% |
---|---|---|
1993 | 99,530 | — |
2008 | 142,462 | +43.1% |
1993 at 2008:[12] |
Ekonomiya at imprastraktura
baguhinAng lungsod ay may industriya ng pagtatanggal ng mga buto mula sa bulak (ginning) at pagpoproseso ng bulak (langis at sabon) sa ilalim ng kompanyang CotonTchad. Ginawa ang pagluluwas ng bulak bago ang pagtuklas ng petrolyo na kasalukuyang pangunahing pinagmumulan ng kita ng Chad. Pinopondohan ang pagsasaka ng bulak ng mga sapiang Pranses (sa pamamagitan ng CCCE, ngayon ay AFD,[13] at ang pampublikong kompanya na Dagris, ngayon ay Geocoton) at ng European Development Fund[14][15] ng Unyong Europeo.
Mayroon ding makasaysayang industriya ng serbesa ang lungsod sa pamamagitan ng Brasseries du Logone at ang tatak na Gala[16][17] na magkasingkahulugan sa marangyang serbesa sa Chad at sa Cameroon.
Ginagawa ng kompanyang Manufacture des Cigarettes du Tchad (MCT) ang mga sigarilyong buhat sa lungsod.[18]
Transportasyon
baguhinMatatagpuan ang Moundou sa isa sa mga pangunahing lansangan sa katimugang Chad. Dumadaan ito mula Léré sa hangganang Chad-Cameroon, patungong Pala, Kélo, Moundou, Doba, Koumra at Sarh.[19][20]
Pinaglilingkuran ang lungsod ng Paliparan ng Moundou IATA: MQQ, ICAO: FTTD, na may maayos na patakbuhan.
Mga kambal at kapatid na lungsod
baguhinMagkakambal ang Moundou sa:
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Le gouverneur Général François Reste de Roca". lalbere.net. Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-08-27. Nakuha noong 2016-12-11.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 2.2 Auzias, Dominique; Labourdette, Jean-Paul (2010-10-01). Tchad (sa wikang Pranses). Petit Futé. p. 170. ISBN 2746929430.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 Magnant, Jean-Pierre (1992-01-01). L'Islam au Tchad: actes du colloque organisé au Centre d'étude d'Afrique noire de l'Institut d'études politiques de Bordeaux, 1990 ; sous la direction de Jean-Pierre Magnant (sa wikang Pranses). CEAN. p. 115. ISBN 9782908065121.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 4.0 4.1 "Résistances et mouvements anticoloniaux au Tchad (1914-1940)" (PDF).[patay na link]
- ↑ 5.0 5.1 "Résistances et mouvements anticoloniaux au Tchad (1914-1940)" (PDF). p. 429.[patay na link]
- ↑ 6.0 6.1 "Résistances et mouvements anticoloniaux au Tchad (1914-1940)" (PDF). p. 430.[patay na link]
- ↑ Nojibaye, Daniel (1976). Étude des mécanismes de croissance urbaine du Tchad, l'exemple de Moundou et Sahr (ex Fort Archambault). Lille: Université Lille 2.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Inc, IBP (2008-03-03). Chad Mining Laws and Regulations Handbook Volume 1 Strategic Information and Basic Law (sa wikang Ingles). Lulu.com. p. 158. ISBN 9781433077159.
{{cite book}}
:|last=
has generic name (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Urbanisme :". Centerblog. 2012-05-15. Nakuha noong 2016-12-09.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "World Weather Information Service–Moundou". World Meteorological Organization. Nakuha noong Hunyo 24, 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Moundou Climate Normals 1961–1990". National Oceanic and Atmospheric Administration. Nakuha noong Hunyo 24, 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ World Gazetteer: Chad
- ↑ "LA FILIERE COTONNIERE DU TCHAD Historique, Evolution et Perspectives" (PDF). 2016. p. 7. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2016-12-20.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ ""10eme fed" - mai 2008 - Europa" (PDF). Mayo 2008.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Magrin, Géraud (2001-01-01). Le sud du Tchad en mutation: Des champs de coton aux sirènes de l'or noir (sa wikang Pranses). Editions Quae. p. 125. ISBN 9782876144620.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Histoire des Brasseries du Tchad". bdt-td.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-11-15. Nakuha noong 2016-12-10.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Magrin, Géraud (2001-01-01). Le sud du Tchad en mutation: Des champs de coton aux sirènes de l'or noir (sa wikang Pranses). Editions Quae. p. 178. ISBN 9782876144620.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "MANUFACTURE DES CIGARETTES DU TCHAD (MCT) - Petit Futé".
- ↑ "Google Maps". Google Maps. Nakuha noong 2016-12-11.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "RÉSUMÉ DE L'ÉTUDE D'IMPACT ENVIRONNEMENTAL ET SOCIAL DU TRONÇON ROUTIER DOBA - SARH" (PDF). Fonds Africain de Développement. Disyembre 2008.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Wikiwix's cache". archive.wikiwix.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-11-25. Nakuha noong 2016-12-09.
{{cite web}}
: Cite uses generic title (tulong); Unknown parameter|deadurl=
ignored (|url-status=
suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Communication, Ville de Poitiers - Service. "Villes jumelles > Moundou - Ville de Poitiers". www.poitiers.fr. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-12-20. Nakuha noong 2016-12-09.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)