Sariling pagninilay

Ang sariling pagninilay ay ang kakayahan na saksihan at suriin ang sariling mga prosesong kaalaman, damdamin, at pag-uugali. Sa sikolohiya, kabilang sa iba pang katawagan sa sariling obserbasyon na ito ang 'kaalamang mapanimdim' at 'kamalayang mapanimdim', na nagmula sa gawa ni William James.[2][3]

A lady seated by herself
Ito ang sumunod sa huling eksena ng Nüshi zhen tu na pinapakita ang isang dama na nakaupo sa tahimik na pagmumuni-muni, na sumusunod siguro sa mga paalala sa mga kasamang linya:[1] "Kaya't sinasabi ko: Maging maingat at mahinahon sa lahat ng iyong ginagawa, at mula rito, lilitaw ang magandang kapalaran. Isipin ang iyong mga gawain ng mahinahon at magalang, at maghihintay sa iyo ang karangalan at kasikatan."

Nakasalalay ang sariling pagninilay sa isang hanay ng mga gawain, kabilang ang introspeksyon at metakognisyon, na nabubuo mula kumusmusan hanggang adolosensya, na nakakaapekto kung papaano ang interaskyon ng mga indibiduwal sa iba, at gumawa ng mga pasya.[4]

Sinauna ang konsepto ng sariling pagninilay. Halimbawa, higit sa 3,000 taong nakalipas, natala ang "Kilalanin ang Sarili", isang sinaunang kasabihan ng orakulong Delpos, si Pitia, sa harapan ng Templo ni Apolo nang itinayo ito sa isa sa pinakalumang relihiyosong lugar sa Sinaunang Griyego. Tinuturing din ito bilang isang anyo ng kaisipan na naglilikha ng bagong kahulugan[5] at isang pagkakataon upang sumali sa bagay na para bagang salungat.[6]

Mga sanggunian

baguhin
  1. McCausland, Shane (2003), First Masterpiece of Chinese Painting: The Admonitions Scroll (sa wikang Ingles), British Museum Press, p. 78, ISBN 978-0-7141-2417-9{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link).
  2. James, W. (1981/1890). The principles of psychology (Vol. 1). New York: Dover. (sa Ingles)
  3. Farthing, G. W. (1992). The psychology of consciousness. Englewood Cliffs, NJ: Prentice Hall. (sa Ingles)
  4. "Self-Reflection | Encyclopedia of Adolescence - Credo Reference". search.credoreference.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-12-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Merleau-Ponty, Maurice (15 Oktubre 2018). Phenomenology of perception (sa wikang Ingles). ISBN 978-0-343-27541-9. OCLC 1105849980.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Heidegger, Martin (1966). Discourse on thinking : a translation of Gelassenheit (sa wikang Ingles). Harper Perennial. ISBN 978-0-06-131459-9. OCLC 821883241.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)