Saurimo
9°39′S 20°24′E / 9.650°S 20.400°E
Saurimo | |
---|---|
Munisipalidad at bayan | |
Mga koordinado: 9°39′S 20°24′E / 9.650°S 20.400°E | |
Bansa | Angola |
Lalawigan | Lunda Sul |
Itinatag | 1927 |
Taas | 1,081 m (3,547 tal) |
Populasyon (2010) | |
• Kabuuan | 80,445 |
Sona ng oras | UTC+1 (WAT) |
Klima | Aw |
Ang Saurimo ay ang kabisera ng lalawigan ng Lunda Sul sa Angola. Matatagpuan ito sa hilagang-silangang bahagi ng bansa sa taas na 3,557 talampakan (1,081 metro) sa ibabaw ng lebel ng dagat. Isa itong bayang kampamento at pampook na sentrong pampamilihan. Ito ay may populasyon ng humigit-kumulang 200,000 katao. Lumaki ang populasyon dahil sa mga dayuhang tumakas mula sa mga pook na napinsala noong digmaang sibil.
Dating tinawag ang bayan na Henrique De Carvalho, kasunod ng Portuges na manggangalugad na bumisita sa rehiyon noong 1884 at nakipagtungo sa pampook at dating makapangyarihan na liping Lunda. Binago ang pangalan nito noong 1975.
Ang mga pangunahing kabuhayan sa bayan ay pagsasaka at diyamante. Ang mga pangunahing produktong pagkain ay balinghoy (manioc), mais, kamote, at ube. Ang iba pang mga gawaing pang-ekonomiya ay sining ng mga gawaing-kamay, pangingisda, at pagsala ng ginto (gold panning).