Ube

espesye ng kamiging

Ang ube[3] o ubi[4] (Ingles: purple yam[5]) ay isang uri ng halamang-ugat na inaani mula sa ilalim ng lupa. Kulay lila ang matamis[3] na halamang-ugat na ito na karaniwang ginagamit sa paghahalaya. Dahil sa kulay nito, natatawag ding kulay-ubi ang kulay na lila.[4] Subalit minsan sila ay kulay puti. Paminsan-minsan, ikinalilito ito sa gabi at ang kamote ng Okinawa, beniimo (紅芋) (Ipomoea batatas cv. Ayamurasaki), ngunit itinatanim din ang ube sa Okinawa. Mula sa tropiko ng Asya, nakilala na ang ube ng mga tao kahit noong sinaunang panahon pa.[6]

Ube
Hiniwang ube
Klasipikasyong pang-agham edit
Kaharian: Plantae
Klado: Tracheophytes
Klado: Angiosperms
Klado: Monocots
Orden: Dioscoreales
Pamilya: Dioscoreaceae
Sari: Dioscorea
Espesye:
D. alata
Pangalang binomial
Dioscorea alata
Kasingkahulugan [2]

Pangalan

baguhin

Dahil naturalisado na ito kasunod ng pinagmulan nito sa Asya, lalo na sa Pilipinas, sa buong Timog Amerika at timog-silangan ng Estados Unidos, marami ang mga pangalan para sa ube sa mga rehiyong ito. Sa Ingles lang mismo, maliban sa purple yam, ginagamit din ang mga salitang ten-months yam, water yam, white yam, winged yam, violet yam, o yam lang.[6]

Kasaysayan ng paglilinang

baguhin
 
Inaning lamang-lupa ng ube

Ang ube ay isa sa mga pinkamahalagang pananim sa mga kulturang Austronesyo. Isa ito sa mga iba't ibang espesye ng kamiging na dinomestika at itinanim nang magkakahiwalay sa Maritimong Timog-silangang Asya at Bagong Ginea para sa kanilang mga malagawgaw na lamang-lupa, kabilang dito ang bayag-kabayo (Dioscorea bulbifera), nami (Dioscorea hispida), tugi (Dioscorea esculenta), pakit (Dioscorea nummularia), lima-lima (Dioscorea pentaphylla), at pencil yam (Dioscorea transversa).[7][8] Sa mga ito, ube at tugi lamang ang palaging itinatanim at kinakain habang itinuring ang iba bilang pagkain tuwing taggutom dahil mas mataas ang nilalamang dioskorina, isang toksin, kaya kailangang ihanda sila nang maayos bago kainin.[9] Mas itinatanim ang ube kaysa sa tugi, higit sa lahat, dahil sa malaking mga lamang-lupa nito.[10]

Ube at tugi ang naging pinakamainam sa mahabaing transportasyon sa mga barkong Austronesyo at ikinarga sa lahat o karamihan ng napuntahan ng mga Austronesyo. Bukod-tangi, ipinakilala ang ube sa mga Kapuluang Pasipiko at Bagong Silandiya. Ikinarga rin ito ng mga Austronesyong manlalakbay patungo sa Madagaskar at ang Komoros.[11][12][13]

 
Hangining lamang-lupa ng puting uri ng ube

Sa Pilipinas ang sentro ng pinanggaling ng ube, ngunit iminumungkahi ng mga ebidensyang arkeolohiko na pinakinabangan ito sa Kapuluan ng Timog-silangang Asya at Bagong Ginea bago ang pagpapalawak ng mga Austronesyo. Pinaniniwalaan na isang totoong kultiheno ang ube, kilala lamang sa kanyang nililinang na uri. Halos baog ang lahat ng mga kultibar, kaya mga tao lang ang makakadala ng mga ito sa mga ibang pulo, at isa itong magandang tagapaghiwatig ng paglilipat ng mga tao. Iminungkahi ng mga iilang may-akda, nang walang ebidensiya, sa pinagmulan sa Kontinental na Timog-silangang Asya, ngunit pinakamalaki ang pagkakaiba-iba ng penotipo sa Pilipinas at Bagong Ginea.[14][15][16]

Ayon sa katibayang arkeolohiko ng mga pabinhian at nalabing halaman sa puwesto ng Latiang Kuk, iminungkahi ng mga may-akda na unang dinomestika ito sa mga kabundukan ng Bagong Ginea noong mga 10,000 BP at kumalat patungo sa Kapuluan ng Timog-silangang Asya sa pamamagitan ng kulturang Lapita noong mga s. 4,000 BP, kasama ng pakit at bayag-kabayo. Sa kabila nito, pinaniniwalaan na ipinakilala ng kulturang Lapita ang tugi sa Bagong Ginea. Mayroon ding ebidenisya ng rebolusyon sa agrikultura sa panahong ito dahil sa mga makabagong-likha mula sa pakikipag-ugnayan sa mga Austronesyo, kabilang ang paglinang ng tubigan.[17][18]

Gayunman, nabawi rin ang mga mas lumang labi na pinag-uring ube mula sa Yungib ng Niah sa Borneo (Huling Pleistoseno, <40,000 BP) at sa Yungib ng Ille sa Palawan (s. 11,000 BP), pati na rin ang labi ng nakakalasong nami (D. hispida) na kailangang ihanda bago ito makain. Kahit hindi ito nagpapatunay ng paglilinang, ipinapakita nito na may kaalaman ang mga tao upang pakinabangan ang mga malagawgaw na halaman at na katutubong halaman ang ube sa Kapuluan ng Timog-silangang Asya. Bukod dito, bungad nito sa tanong kung tunay na espesye ang ube o nilinang nang mas maaga kaysa sa pinaniniwalaan.[7][19][20][21][22][23]

Nananatiling importanteng ani ang ube sa Timog-silangang Asya, lalo na sa Pilipinas kung saan gamit na gamit ang lilang uri sa mga iba't ibang tradisyonal at modernong panghimagas. Nananatiling mahalaga rin ito sa Melanesya, kung saan itinatanim din ito para sa layuning panseremonya na nakatali sa laki ng mga lamang-lupa sa anihan. Gayunman, umigsi ang kahalagahan nito sa silangang Polynesia at Bagong Silandya pagkatapos ng pagpapakilala ng ibang ani, lalo na ang kamote.[10]

Paggamit

baguhin

Kulinarya

baguhin

Ang mga ube ay may mga makakaing lamang-lupa na may lasang banayad na matamis, malalupa, at malanuwes na kahawig ng kamote o gabi. Partikular na nagpalilila nang todo ang lilang kultibar ng mga putahe dahil sa mataas na nilalamang antosiyanina.[24] Pinapahalagaan din ang mga ube para sa gawgaw na maaaring iproseso sa kanila.[6] Pinakakaraniwan ang ube sa lutuing Pilipino. Madalas na ginagamit ito sa mga iba't ibang uri ng Pilipinong panghimagas tulad ng ubeng keyk, ubeng tsiskeyk at ubeng krinkels, pati na rin bilang sangkap o pampalasa ng sorbetes, gatas, donat, tarta, kukis, kapkeyk, keyk, halaya at iba pang uri ng pastelerya. Madalas itong kinakain pagkatapos pakuluin, ihurno, o bilang isang pinatamis na panghimagas na tinatawag na ube halaya; isang popular na sahog ang huli sa eladong panghimagas na tinatawag na halo-halo.[25][26][27] Kamakailan lamang, nakapasok ang mga ubeng panghimagas sa Estados Unidos sa pamamagitan ng lutuing Pilipino, sa ilalim ng pangalang "ube". Sikat na sikat ito dahil sa kapansin-pansing kulay lila na ibinibigay niya sa mga panghimagas.[24][25][28]

Madalas na ikinalilito ang ube sa mga lilang uri ng kamote, dahil sa kanilang pagkakapareho sa kulay, lasa, at paggamit sa kulinarya. Gayunman, ang ube, tulad ng mga ibang kamiging, ay mas mahalumigmig kaysa sa mga kamote. Mas mataas rin ang antosiyanina ng ube kaysa sa kamote. Kahit ganoon, maaari sila gamitin nang halinhinan sa karamihan ng mga resipi.[29][30]

Suplemento, katutubong gamot at masamang epekto

baguhin

Kahit magagamit bilang suplementong pandiyeta at sa katutubong gamot, walang klinikal na katibayan na may katangiang nakapagpapagaling ang ube.[31] Maaaring magkaroon ng masamang epekto ang paggamit ng mga suplementong ube sa mga taong kumukuha ng estroheno, antikoagulante (panlaban sa pamumuo) o sa mga taong buntis o nagpapasuso.[31] Maaaring magkaalerhiya ang ilang tao kapag gagamit ng mga suplementong ube.

Iba pang paggamit

baguhin

Ang kulay ng mga lilang uri ay dahil sa mga iba't ibang pangulay na antosiyanina.[32] Natutunaw ang mga pangulay sa tubig, at ipinanukla bilang posibleng pangkulay ng pagkain.[33] Minsan, itinatanim ang ube sa hardin bilang dekorasyon.[6]

Bilang espesyeng nagsasalakay

baguhin

Katutubo ang ube sa Pilipinas, pati na rin sa mga nakapaligid na lugar (Taiwan, Kapuluan ng Ryukyu ng Hapon). Nakatakas ito sa kanyang pinagtutubuhan patungo sa mga ibang lugar, at nanaturalisa sa mga bahagi ng timugang at gitnang-silangang Tsina, Aprika at Madagascar, at Kanlurang Hemispero, at iba't ibang kapuluan sa mga karagatang Indyano at Pasipiko.[34] Namamalagi ito sa mga kasukalan sa Estados Unidos sa Louisiana, Georgia, Alabama, Puerto Rico, Haiti, at ang Kapuluang Birhenes ng Estados Unidos, at sa Florida, kung saan ito itinuturing bilang espesyeng nagsasalakay.[35][36]

Galeriya

baguhin

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1.  Dioscorea alata was first described and published in Species Plantarum 2: 1033. 1753. "Name - Dioscorea alata L." Tropicos. Saint Louis, Missouri: Missouri Botanical Garden. Nakuha noong Mayo 26, 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "The Plant List: A Working List of All Plant Species" [Ang Talaan ng Halaman: Isang Working List ng Lahat ng Espesye ng Halaman]. Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-06-16. Nakuha noong 2020-01-15.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 Lacquian, Eleanor at Irene Sobreviñas (1977). "Ube". Filipino Cooking Here & Abroad (Lutuing Pilipino Dito at sa Labas ng Bansa).{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 English, Leo James (1977). "Ubi". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. De Guzman, Maria Odulio (1968). "Yam [Ingles], mga halamang-ugat o mga halamang galing sa ilalim ng lupa na kinabibilangan ng ubi, singkamas, gabi, yuro at iba pa". The New Filipino-English / English-Filipino Dictionary. National Bookstore (Lungsod ng Mandaluyong) ISBN 9710817760.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. 6.0 6.1 6.2 6.3 "Dioscorea alata". Germplasm Resources Information Network (GRIN). Agricultural Research Service (ARS), United States Department of Agriculture (USDA). Nakuha noong Mayo 26, 2011.{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. 7.0 7.1 Barker, Graeme; Hunt, Chris; Barton, Huw; Gosden, Chris; Jones, Sam; Lloyd-Smith, Lindsay; Farr, Lucy; Nyirí, Borbala; O'Donnell, Shawn (Agosto 2017). "The 'cultured rainforests' of Borneo" [Ang 'kultibadong kagubatan' ng Borneo] (PDF). Quaternary International (sa wikang Ingles). 448: 44–61. doi:10.1016/j.quaint.2016.08.018.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "M.M.P.N.D. - Sorting Dioscorea names" [M.M.P.N.D. - Pag-uuri ng mga pangalan ng Dioscorea]. www.plantnames.unimelb.edu.au. Nakuha noong 29 Mayo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Bevacqua, Robert F. (1994). "Origin of Horticulture in Southeast Asia and the Dispersal of Domesticated Plants to the Pacific Islands by Polynesian Voyagers: The Hawaiian Islands Case Study" [Pinagmulan ng Hortikultura sa Timog-silangang Asya at ang Pagkalat ng Domestikadong Halaman patungo sa Kapuluang Pasipiko dahil sa mga Polinesyong Manlalakbay: Ang Pag-aaral ng Kaso ng Kapuluan ng Hawaii] (PDF). HortScience (sa wikang Ingles). 29 (11): 1226–1229. doi:10.21273/HORTSCI.29.11.1226.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. 10.0 10.1 "*Qufi ~ Uwhi, uhi". Te Mära Reo: The Language Garden. Benton Family Trust. Nakuha noong 21 Enero 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Crowther, Alison; Lucas, Leilani; Helm, Richard; Horton, Mark; Shipton, Ceri; Wright, Henry T.; Walshaw, Sarah; Pawlowicz, Matthew; Radimilahy, Chantal; Douka, Katerina; Picornell-Gelabert, Llorenç; Fuller, Dorian Q.; Boivin, Nicole L. (14 Hunyo 2016). "Ancient crops provide first archaeological signature of the westward Austronesian expansion" [Mga sinaunang pananim, nagbigay ng unang pirmang arkeolohiko ng pagpapalawak ng mga Austronesyo pakanluran]. Proceedings of the National Academy of Sciences (sa wikang Ingles). 113 (24): 6635–6640. doi:10.1073/pnas.1522714113. PMC 4914162. PMID 27247383.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Beaujard, Philippe (Agosto 2011). "The first migrants to Madagascar and their introduction of plants: linguistic and ethnological evidence" [Ang mga unang migrante pa-Madagaskar at ang kanilang pagdala ng mga halaman: mga ebidensiya sa lingguwistika at etnolohika] (PDF). Azania: Archaeological Research in Africa (sa wikang Ingles). 46 (2): 169–189. doi:10.1080/0067270X.2011.580142.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Walter, Annie; Lebot, Vincent (2007). Gardens of Oceania [Mga Hardin ng Oseaniya] (sa wikang Ingles). IRD Éditions-CIRAD. ISBN 9781863204705.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. Malapa, R.; Arnau, G.; Noyer, J.L.; Lebot, V. (Nobyembre 2005). "Genetic Diversity of the Greater Yam (Dioscorea alata L.) and Relatedness to D. nummularia Lam. and D. transversa Br. as Revealed with AFLP Markers" [Pagkasari sa Henetiko ng Ube (Dioscorea alata L.) at Pagkakaugnayan sa D. nummularia Lam. at D. transversa Br. na Inihayag ng mga Pangmarkang AFLP]. Genetic Resources and Crop Evolution (sa wikang Ingles). 52 (7): 919–929. doi:10.1007/s10722-003-6122-5.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. Cruz, V.M.V.; Altoveros, N.C.; Mendioro, M.S.; Ramirez, D.A. (1999). "Geographical patterns of diversity in the Philippine edible yam collection" [Mga tularan sa heograpiya ng pagkakasari sa koleksiyon ng nakakaing kamiging sa Pilipinas]. Plant Genetic Resources Newsletter (sa wikang Ingles). 119: 7–11.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. Paz, Victor J. (1999). "Neolithic Human Movement to Island Southeast Asia: The Search for Archaeobotanical Evidence" [Pagkilos ng Tao sa Neolitiko patungo sa Kapuluan ng Timog-silangang Asya: Ang Paghahanap ng Ebidensiyang Arkeobotanikal]. Indo-Pacific Prehistory Association Bulletin (sa wikang Ingles). 18 (Melaka Papers Vol. 2): 151–158. doi:10.7152/bippa.v18i0.11710.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. Chaïr, H.; Traore, R. E.; Duval, M. F.; Rivallan, R.; Mukherjee, A.; Aboagye, L. M.; Van Rensburg, W. J.; Andrianavalona, V.; Pinheiro de Carvalho, M. A. A.; Saborio, F.; Sri Prana, M.; Komolong, B.; Lawac, F.; Lebot, V.; Chiang, Tzen-Yuh (17 Hunyo 2016). "Genetic Diversification and Dispersal of Taro (Colocasia esculenta (L.) Schott)" [Pagkakasaring Henetiko at Pagpapakalat ng Taro (Colocasia esculenta (L.) Schott)]. PLOS ONE (sa wikang Ingles). 11 (6): e0157712. doi:10.1371/journal.pone.0157712. PMC 4912093. PMID 27314588.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. Bayliss-Smith, Tim; Golson, Jack; Hughes, Philip (2017). "Phase 4: Major Disposal Channels, Slot-Like Ditches and Grid-Patterned Fields". Sa Golson, Jack; Denham, Tim; Hughes, Philip; Swadling, Pamela; Muke, John (mga pat.). Ten Thousand Years of Cultivation at Kuk Swamp in the Highlands of Papua New Guinea [Sampung Libong Taon ng Paglilinang sa Latiang Kuk sa Mga Kabundukan ng Papua Bagong Ginea]. terra australis (sa wikang Ingles). Bol. 46. ANU Press. pp. 239–268. ISBN 9781760461164.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. Barker, Graeme; Lloyd-Smith, Lindsay; Barton, Huw; Cole, Franca; Hunt, Chris; Piper, Philip J.; Rabett, Ryan; Paz, Victor; Szabó, Katherine (2011). "Foraging-farming transitions at the Niah Caves, Sarawak, Borneo" [Transisyong panginginain-pagsasaka sa Mga Yungib ng Niah, Sarawak, Borneo] (PDF). Antiquity (sa wikang Ingles). 85 (328): 492–509. doi:10.1017/S0003598X00067909. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2019-01-19. Nakuha noong 2019-01-21.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. Balbaligo, Yvette (15 Nobyembre 2007). "A Brief Note on the 2007 Excavation at Ille Cave, Palawan, the Philippines" [Isang Maikling Tala sa Paghuhukay sa Ille Cave, Palawan, Pilipinas noong 2007]. Papers from the Institute of Archaeology (sa wikang Ingles). 18 (2007): 161. doi:10.5334/pia.308. Inarkibo mula sa orihinal noong 20 Hulyo 2018. Nakuha noong 15 Enero 2020.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. Barton, Huw (2005). "The Case for Rainforest Foragers: The Starch Record at Niah Cave, Sarawak" [Ang Kaso para sa Mga Nanginginain sa Kagubatan: Ang Rekord ng Gawgaw sa Yungib ng Niah, Sarawak] (PDF). Asian Perspectives (sa wikang Ingles). 44 (1): 56–72. doi:10.1353/asi.2005.0005. hdl:10125/17222.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. Barton, Huw; Denham, Timothy (2011). "Prehistoric vegeculture and social life in Island Southeast Asia and Melanesia" (PDF). Sa Barker, Grame; Janowski, Monica (mga pat.). Why cultivate? Anthropological and Archaeological Approaches to Foraging–Farming Transitions in Southeast Asia [Bakit maglinang? Antropolohikal at Arkeolohikal na Pagdulog sa Mga Transisyon ng Pangingitain–Pagsasaka sa Timog-silangang Asya] (sa wikang Ingles). McDonald Institute for Archaeological Research. pp. 61–74. ISBN 9781902937588. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2019-03-28. Nakuha noong 2020-01-15.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. Reynolds, Tim; Barker, Graeme; Barton, Huw; Cranbrook, Gathorne; Hunt, Chris; Kealhofer, Lisa; Paz, Victor; Pike, Alasdair; Piper, Philip; Rabett, Ryan; Rushworth, Gary; Stimpson, Christopher; Szabó, Katherine (2013). "The First Modern Humans at Niah, c. 50,000–35,000 Years Ago" (PDF). Sa Barker, Graeme (pat.). Rainforest Foraging and Farming in Island Southeast Asia [Pangingitain at Pagsasaka sa Kagubatan sa Maritimong Timog-silangang Asya] (sa wikang Ingles). McDonald Institute for Archaeological Research. pp. 133–170. ISBN 9781902937540.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. 24.0 24.1 Sutherlin, Margaret. "Everything You Need to Know About Ube, The Purple Yam" [Lahat ng Kailangang Alamin Tungkol sa Ube, Ang Lilang Kamiging]. Chowhound (sa wikang Ingles). Nakuha noong 18 Mayo 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  25. 25.0 25.1 Kearns, Landess. "Ube Is The Natural Ingredient That Turns Food Perfectly Purple" [Ube Ang Likas ng Sangkap na Nagpapalila ng Pagkain nang Perpekto]. The Huffington Post (sa wikang Ingles). Nakuha noong 18 Mayo 2019.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  26. Bueno, Anna. "All hail ube, the culinary gem we took for granted" [Papuri sa ube, ang hiyas sa pagluluto na ipinagwalang-bahala natin]. CNN Philippines (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 1 Nobyembre 2019. Nakuha noong 18 Mayo 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  27. Valdeavilla, Ronica. "Ube: The Philippine Purple Yam (More Popular Than Vanilla!)" [Ube: Ang Purple Yam ng Pilipinas (Mas Sikat Kaysa sa Baynilya!)]. culture trip (sa wikang Ingles). Nakuha noong 18 Mayo 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  28. "Donut Shop in Gurnee Cranks Out Unique Freshly Made Donuts" [Donatan sa Gurnee, Gumagawa ng Kakaibang Donat na Bagong Gawa] (sa wikang Ingles). ABC7 Chicago. Nobyembre 11, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  29. "Ube or Not Ube, That Is the Question…and Frieda's Is Answering" [Ube o Hindi Ube, Iyan Ang Tanong...at Sinasagot ni Frieda's]. Frieda's (sa wikang Ingles). Nakuha noong 18 Mayo 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  30. "Ingredient Spotlight: Ube, the Purple Yams That Make Dessert" [Pagtutok sa Sangkap: Ube, Ang Kamiging Lila na Sangkap sa Panghimagas]. OneGreenPlanet (sa wikang Ingles). Nakuha noong 18 Mayo 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  31. 31.0 31.1 "Wild yam". Drugs.com. 24 Hulyo 2020. Nakuha noong 15 Marso 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  32. Moriya C, Hosoya T, Agawa S, Sugiyama Y, Kozone I, Shin-Ya K (2015). "New acylated anthocyanins from purple yam and their antioxidant activity". Biosci Biotechnol Biochem. 79 (9): 1484–92. doi:10.1080/09168451.2015.1027652. PMID 25848974.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  33. Jinwei Li, Lianfu Zhang, and Yuanfa Liu (2013) "Optimization of Extraction of Natural Pigment from Purple Sweet Potato by Response Surface Methodology and Its Stability" Journal of Chemistry, volume 2013, article ID 590512, 5 pages doi:10.1155/2013/590512
  34. *Kew World Checklist of Selected Plant Families Naka-arkibo 2012-10-30 sa Wayback Machine.
    • Flora of China, Vol. 24 Page 296, 参薯 shen shu, Dioscorea alata Linnaeus, Sp. Pl. 2: 1033. 1753.
    • Smith, A.C. (1979). Flora Vitiensis Nova. A new flora for Fiji (Spermatophytes only) 1: 1-495. Pacific Tropical Botanical Garden, Lawai.
    • Brunel, J.F., Hiepo, P. & Scholz, H. (eds.) (1984). Flore Analytique du Togo Phanérogames: 1-751. GTZ, Eschborn.
    • Morat, P. & Veillon, J.-M. (1985). Contributions à la conaissance de la végétation et de la flore de Wallis et Futuna. Bulletin du Muséum National d'Histoire Naturelle. Section B, Adansonia 7: 259-329.
    • Boudet, G., Lebrun, J.P. & Demange, R. (1986). Catalogue des plantes vasculaires du Mali: 1-465. Etudes d'Elevage et de Médecine Vétérinaire des Pays Tropicaux.
    • George, A.S., Orchard, A.E. & Hewson, H.J. (eds.) (1993). Oceanic islands 2. Flora of Australia 50: 1-606. Australian Government Publishing Service, Canberra.
    • Acevedo-Rodríguez, P. & Strong, M.T. (2005). Monocotyledons and Gymnosperms of Puerto Rico and the Virgin Islands. Contributions from the United States National Herbarium 52: 1-415.
    • Tanaka, N., Koyama, T. & Murata, J. (2005). The flowering plants of Mt. Popa, central Myanmar - Results of Myanmar-Japanese joint expeditions, 2000-2004. Makinoa 5: 1-102.
    • Akoègninou, A., van der Burg, W.J. & van der Maesen, L.J.G. (eds.) (2006). Flore Analytique du Bénin: 1-1034. Backhuys Publishers.
    • Catarino, L., Sampaio Martins, E., Pinto-Basto, M.F. & Diniz, M.A. (2006). Plantas Vasculares e Briófitos da Guiné-Bissau: 1-298. Instituto de investigação científica tropical, Instituto Português de apoio ao desenvolvimento.
    • National Parks Board Singapore (2006). Vascular Plant Life Checklist Pulau Ubin. www.nparks.gov.sg/nparks_cms/cms/cmsmgr/data/6/PlantChkList.xls.
    • Sosef, M.S.M. & al. (2006). Check-list des plantes vasculaires du Gabon. Scripta Botanica Belgica 35: 1-438.
    • Samanta, A.K. (2006). The genus Dioscorea L. in Darjeeling and Sikkim Himalayas - a census. Journal of Economic and Taxonomic Botany 30: 555-563.
    • Pandey, R.P. & Dilwakar, P.G. (2008). An integrated check-list flora of Andaman and Nicobar islands, India. Journal of Economic and Taxonomic Botany 32: 403-500.
    • Wilkin, P. & Thapyai, C. (2009). Flora of Thailand 10(1): 1-140. The Forest Herbarium, National Park, Wildlife and Plant Conservation Department, Bangkok.
    • Demissew, S. & Nordal, I. (2010). Aloes and other Lilies of Ethiopia and Eritrea, ed, 2: 1-351. Shama Books, Addis Ababa, Ethiopia.
  35. "Profile for Dioscorea alata (water yam)". PLANTS Database. USDA, NRCS. Nakuha noong Mayo 26, 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  36. Biota of North America Program, 2013 county distribution map