Maskabado

uri ng asukal na di-repinado

Ang maskabado[1] ay isang uri ng asukal na bahagyang repinado o di-repinado na mapulot sa nilalaman at lasa, at matingkad na kayumanggi ang kulay nito. Sa teknikal na usapan, itinuturing ito na sa-bao o sentripugado, bahagyang repinadong asukal ayon sa prosesong ginamit ng tagagawa.[2] Mas marami ang nilalamang mga mineral ang maskabado kaysa sa prosesadong puting asukal, at kinokonsidera ng ilan na mas masustansiya.[3][4][5] Ang mga pangunahing gamit nito ay sa pagkain at konpeksiyoneri, at sa paggawa ng rum at iba pang uri ng alak. Indiya ang pinakamalaking prodyuser at konsyumer ng maskabado.[6][7]

Mga "laryo" ng maskabado
Mga uri ng pulang asukal: maskobado (itaas), matingkad (kaliwa), mapusyaw (kanan)

Kasaysayan

baguhin

Nagsimula ang pinakaunang kilalang produksiyon ng malakristal na asukal sa hilagang Indiya, pagkatapos ipakilala ang tubo ng mga Austronesyong mangangalakal mula sa Maritimong Timog-silangang Asya noong mga 1000 BK. Gayunpaman, hindi alam ang eksaktong petsa ng unang produksiyon ng asukal sa tubo.[8] Mula sa mga sinaunang tekstong Sanskrito at Pali ang mga pinakaunang ebidensya ng paggawa ng asukal.[9] Noong mga ika-18 siglo, ipinakilala ng mga mangangalakal na Muslim at Arabe ang asukal mula sa medyebal na Indiya sa mga iba pang bahagi ng Kalipatong Abasida sa Mediteraneo, Mesopotamya, Ehipto, Hilagang Aprika, at Andalusia. Pagsapit ng ika-10 siglo, nakasaad sa mga sanggunian na nagtatanim ng tubo ang bawat nayon sa Mesopotamya.[10]

Noong maagang modernong panahon, kung kailan sinakop ng mga Europeo ang Kaamerikahan at Asya, tumaas nang napakabilis ang produksiyon ng asukal. Itinatag ang mga tubuhan sa maraming lugar na sinakop ng mga bansang Europeo, katulad ng mga kapuluan sa Karagatang Indiyo, Kanlurang Kaindiyahan at Timog at Hilagang Amerika.[11] Ipinatrabaho sa mga tubuhang ito ang mga kontratadong utusan, alipin o dinukot na mga Taga-isla sa Pasipiko, na humantong sa pagdami ng kalakalan ng alipin sa Atlantiko at Karagatang Indiyano upang masuplayan mga inaliping manggagawa ang mga taniman ng mabiling pananim (kabilang dito ang mga tubuhan). Dinalisay ang tubo na maging hilaw na asukal o dinistila na maging rum sa mga tanimang kolonyal o ipinadala sa ibang lugar upang maproseso.[12][13]

Dinala ang hilaw na asukal sa mga daungan sa iba't ibang antas ng kadalisayan na maibebenta nang direkta bilang hilaw na asukal sa merkado para sa produksiyon ng alak, o mailuluwas bilang maskabado sa mga asukalan sa Europa at Kaamerikahan.[14] Noong ika-19 na siglo sa Europa, ang mga hilaw na asukal na nirepina nang sapat upang mawala ang karamihan ng nilalamang pulot ay tinawag na hilaw at itinuring na mas de-kalidad, habang tinawag na maskabado ang mga mababang kalidad na asukal na nilalaman ng maraming pulot, ngunit ginamit din ang terminong pulang asukal nang halinhinan.[14]

Produksiyon

baguhin

Mga pamamaraan ng produksiyon

baguhin
Tradisyonal na sa-baong produksiyon ng asukal
Pagluluto ng puyaw para gumawa ng pulot
Pagbuhos ng pulot sa trey para kalaykayin ito at bumutil-butil

Gawa ang maskabado sa puyaw, ang katas ng tubo, na niluluto hanggang sa mangyari ang pagkikristal nito. Tinatawag na binaok ang malapot na suspensiyon ng mga kristal at pulot. Noong ika-19 na siglo, ginamit ang iilang pamamaraan sa pagprodus ng asukal.[15][16][17][2][18] Ngayon, napoprodus ang maskabado sa tatlong pangunahing paraan:[19][20]

  • Ang manwal na pamamaraan kung saan pinapakristal ang binaok sa pagpapalamig nito sa trey sa tuloy-tuloy na pagkakalaykay (karaniwang ginagawa sa Indiya) o sa pagtatapak (karaniwang ginagawa sa Aprika).
  • Ang industriyal na sentripugo na inimbento noong pahuli ng ika-18 hanggang pasimula ng ika-19 na siglo, kung saan pinapakristal ang binaok gamit ang sentripugo upang pahiwalayin ang makristal na masa sa mga pulot sa isang lalagyan dahil sa balani.
  • Mga modernong pang-industriyang pamamaraan na gumagamit ng wisik-tuyuan o spray drier.

Ginagamit din ang binaok sa produksiyon ng panutsa, kung saan direkta itong inilalagay sa hulmahan (nang hindi kinakalaykay, sinesentripugo, o winiwisik-tuyo).[19]

Bansang nagpoprodus

baguhin

10 milyon hanggang 10 milyong tonelada ang kabuuang produksiyon ng mundo mula 20 bansa. Ang pinakamalaking prodyuser ay Indiya (58%), na sinusundan ng Kolombya (14%), Myanmar (9%), Pakistan (6%), Brasil (4%), Banglades (3%), at Tsina (3%).[6][7]

Sa Indiya, pinoprodus ang karamihan ng khand (maskabado) ng 150 maliit hanggang katamtamang sukat na pribadong tagagawa na pinangangasiwaan ng Khadi and Village Industries Commission. Gumagamit ang mga prodyuser ng tradisyonal na paraan na walang kemikal, organiko, at manu-mano, at aktibo ang bawat isa mula 100 hanggang 120 araw bawat taon na may tipikal na kapasidad mula 200 hanggang 350 tonelada ng tubo bawat araw.[6] Kabilang sa mga estado sa Indiya na may pinakamalaking produksiyon ang Maharashtra (58%), Bihar (6%), Karnataka (5%), Madhya Pradesh at Chhattisgarh (6%).[6]

Sa Mawrisyo, pinoprodus ang maskabado sa pagsesentripugo ng binaok, kung saan naihihiwalay ang pulot.[2]

Sa Pilipinas, ginagamit ang tatlong pamamaraan sa itaas para makaprodus ng maskabado.[18][19][20] Dati, isa sa mga prominenteng luwa ng Pilipinas ang maskabado, lalo na mula sa Negros mula ika-19 na siglo hanggang pahuli ng d. 1970.[19]

Humina nang humina ang produksiyon ng maskabado sa Pilipinas, Barbados, at iba pang lugar noong dinaig ng mga malalaking asukalan ang mga maliliit na asukalan sa produksiyon ng asukal. Sa mga nakaraang taon, dahil tumaas ang interes ng mga konsyumer sa mga masusutansiya at organikong pagkain, muling napasigla sa interes ng mga mamimili sa maskabado, kaya mas marami ang mabebentahan ng mga maliliit na asukalan.[21]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "maskabado - Diksiyonaryo". diksiyonaryo.ph. Nakuha noong 2024-02-16.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 Prince, Rose (9 Nobyembre 2011). "The sweetest flames: Brown sugar from Mauritius" [Ang pinakamatamis na apoy: Pulang asukal mula sa Mawrisyo]. The Daily Telegraph (sa wikang Ingles). London. Nakuha noong 19 Hunyo 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Education World: The Human Development Magazine [Mundo ng Edukasyon: Ang Magasin sa Pag-unlad ng Tao] (sa wikang Ingles). 2004. Bolyum 6, Isyu 7-12, p.78
  4. Souvenir, Silver Jubilee Celebrations and 22nd Annual Convention, Indian Society of Agricultural Engineers, 29-31 Oct. 1985 Held at Central Institute of Agricultural Engineering, pa.116
  5. Jaggery Nutritional Value, Nutrition Facts & Analysis, Ayur Times, Dr. Jagdev Singh, 27 Nob 2014
  6. 6.0 6.1 6.2 6.3 Bhardwaj, Amit (25 Marso 2013). "The Gur and Khaandsri Industry & its practical impact on Indian Sugar Consumption level" [Ang Industriya ng Gur at Khaandsri & praktikal na epekto nito sa antas ng Pagkonsumo ng Asukal sa Indiya] (PDF). Indian Sugar Mills Association (sa wikang Ingles). New Delhi: World Association of Cane and Beet Growers Conference. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 20 Hunyo 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. 7.0 7.1 Dhawan, B. D. (Abril 15, 1967). "The Traditional versus the Modern: Case of Indian Sugar Industry" [Ang Tradisyonal kontra sa Moderno: Kaso ng Industriya ng Asukal sa Indiya]. Economic and Political Weekly (sa wikang Ingles). 2 (15): 723, 725–7. JSTOR 4357817.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Daniels, Christian; Menzies, Nicholas K. (1996). Needham, Joseph (pat.). Science and Civilisation in China: Volume 6, Biology and Biological Technology, Part 3, Agro-Industries and Forestry [Agham at Kabihasnan sa Tsina: Bolyum 6, Biyolohiya at Teknolohiyang Biyolohikal, Ika-3 Bahagi, Mga Agro-Industriya at Panggugubat] (sa wikang Ingles). Cambridge University Press. pp. 177–185. ISBN 9780521419994.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. See:
    • George Watt (1893), The Economic Products of India [Ang mga Produktong Ekonomiko ng Indiya] (sa wikang Ingles), W. H. Allen & Co., Bol 6, Bahagi II, mga pa. 29–30;
    • J.A. Hill (1902), The Anglo-American Encyclopedia [Ang Ensiklopedyang Anglo-Amerikano] (sa wikang Ingles), Bolyum 7, pa. 725;
    • Thomas E. Furia (1973), CRC Handbook of Food Additives [Hanbuk ng CRC sa mga Aditibo sa Pagkain] (sa wikang Ingles), Ikalawang Edisyon, Bolyum 1, ISBN 978-0849305429, pa. 7 (Kabanata 1, ni Thomas D. Luckey);
    • Mary Ellen Snodgrass (2004), Encyclopedia of Kitchen History [Ensiklopedya ng Kasaysayan sa Kusina] (sa wikang Ingles), ISBN 978-1579583804, Routledge, mga pa. 145–146
  10. Watson, Andrew. Agricultural innovation in the early Islamic world [Inobasyong Agrikultural sa unang bahagi ng mundong Islamiko] (sa wikang Ingles). Cambridge University Press. pa. 26–7.
  11. "Triangular Trade" [Kalakalang Tatsulukin]. National Maritime Museum (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Nobyembre 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Abbott, Elizabeth (2009) [2008]. Sugar: A Bittersweet History [Asukal: Isang Kasaysayang Mapait-tamis] (sa wikang Ingles). London and New York: Duckworth Overlook. ISBN 978-0-7156-3878-1.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "Slavery in Rhode Island" [Pag-aalipin sa Pulo ng Rhode]. Slavery in the North (sa wikang Ingles).
  14. 14.0 14.1 Accum, Fredrick Christian, Culinary Chemistry Exhibiting the Scientific Principles of Cookery [Kimikang Kulinarya, Pagpapakita ng Mga Siyentipikong Prinsipyo ng Pagluluto] (1821, sa wikang Ingles), London, pa. 289.
  15. Orr, W. (1844), The Magazine of Domestic Economy, Vol. 5, p. 107.
  16. Reed, W. (1866), The History of Sugar and Sugar Producing Plants [Ang Kasaysayan ng Asukal at Asukalan] (sa wikang Ingles), mga pa. 82–89.
  17. Martineau, G. (1918), "Sugar from several points of view" [Asukal mula sa ilang pananaw] (sa wikang Ingles), sa The Chemical News and Journal of Industrial Science, 117.
  18. 18.0 18.1 "Muscovado Sugar" [Asukal na Maskabado] (PDF). Datupagles.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2016-07-30.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. 19.0 19.1 19.2 19.3 Larkin, W. (1993). "Sugar and the Origins of Modern Philippine Society" [Asukal at ang Pinagmulan ng Modernong Lipunan ng Pilipinas] (sa wikang Ingles). pp. 55–58.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. 20.0 20.1 Roger Knight, G. (2013), Commodities and Colonialism: The Story of Big Sugar in Indonesia, 1880–1942 [Mga Kalakal at Kolonyalismo: Ang Kwento ng Malaking Asukal sa Indonesia, 1880–1942] (sa wikang Ingles), pa. 4.
  21. "Muscovado Sugar : A New Sunshine Industry". Agriculture Business Week. 2008-07-24. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-10-13. Nakuha noong 2009-05-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: unfit URL (link)