Sciences Po
Ang Sciences Po (Pagbigkas sa Pranses: [sjɑ̃s po]), o Instituto ng Pag-aaral Pampolitika ng Paris (Ingles: Paris Institute of Political Studies; Pranses: Institut d'études politiques de Paris, Pagbigkas sa Pranses: [ɛ̃stity detyd pɔlitik dəpaʁi]), ay isang institusyon para sa mas mataas na edukasyon na may istatus na Grande École[1] sa Paris, Pransiya.
Ang Instituto ay binubuo ng Collège universitaire para sa andergradweyt na pag-aaral, anim na mga propesyonal na paaralan, dibisyong pampanananaliksik sa batas, ekonomiks, kasaysayan, agham pampulitika, at sosyolohiya, at ang Paaralang Doktoral. Ang pangunahing kampus sa Paris ay malapit sa Boulevard Saint-Germain sa ika-7 arrondissement, at may limang karagdagang kampus na nakakalat sa buong Pransiya.
Ang Sciences Po ay niraranggo bilang ika-4 sa mundo para sa Politika at Pandaigdigang Pag-aaral noong 2016,[2] at kilala rin sa larangan ng Batas, Ekonomiks, at Sosyolohiya sa buong Europa.[3] Ang Sciences Po ay isang miyembro ng ilang mga pang-akademikong konsorsyum (kabilang ang APSIA at ang College Board). Apatnapung porsiyento ng mga mag-aaral ay galing pa mula sa labas ng Pransiya, at ang bawat andergradweyt ay kinakailangang gugulin ang kanyang ikatlong taon sa ibang bansa. Ang Instituto ay may malawak na hanay ng pakikipagsosyo sa 410 unibersidad sa buong mundo.
Ang Sciences Po ay tahanan ng ilang mga prominenteng alumni. Kabilang dito ang lima sa huling anim pangulo ng Pransiya, 13 punong ministro ng Pransiya, 12 banyagang mga pinuno ng estado o pamahalaan, mga lider ng mga internasyonal na organisasyon kabilang ang UN, IMF, at WTO.
Ang Sciences Po ay bahagi ng isang network ng 410 unibersidad. Ang mga katuwang nitong unibersidad ay kinabibilangan ng: Berkeley (Estados Unidos), Cambridge (Inglatera), Columbia (Estados Unidos), Freie Universitat Berlin (Alemanya), Fudan (Tsina), Keio (Hapon), London School of Economics (Inglatera), Tufts (Estados Unidos), atbp.
Mga sanggunian at mga tala
baguhinMga tala
baguhin- ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-10-08. Nakuha noong 2016-09-15.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) - ↑ "QS World University Rankings by Subject 2016 - Politics & International Studies". Top Universities.
- ↑ "QS World University Rankings by Subject 2016". Top Universities.