Sekhemkhet
Si Sekhemkhet (at binabasa rin bilangSechemchet) ang paraon ng Ikatlong dinastiya ng Ehipto ng Lumang Kaharian ng Ehipto. Siya ay pinaniniwalaang naghari mula 2648 BCE hanggang 2640 BCE. Siya ay kilala rin sa kalaunang pangalan ng kapanganakan na Djoser-tety at sa kanyang helenisadong pangalan na Tyreis ng historyan na si Manetho na hinango mula sa Teti ng talaan ng hari ng Abydos. Siya ay malamang na kapatid o pinakamatandang anak ng haring si Djoser. Kaunti ang alam sa kanya dahil namuno lamang siya ng ilang mga taon. Gayunpaman, kanyang itinayo ang step pyramid sa Saqqar at nag-iwan ng isang mahusay na kilalang inskripsiyon ng bato sa Wadi Maghareh (Sinai Peninsula).
Sekhemkhet | |
---|---|
Djosertety, Djoserty, Tyreis | |
Pharaoh | |
Paghahari | 6 o 7 taon ca. 2650 BCE (Ikatlong dinastiya ng Ehipto) |
Hinalinhan | Djoser |
Kahalili | Sanakht (most likely) or Khaba |
Konsorte | Djeseretnebti ? |
Libingan | Buried Pyramid |
Paghahari
baguhinAng tagal ng kanyang paghahari ay pinaniniwalaang 6 hanggang 7 taon. Ang Kanon na Turin ay nagsasaad na 6 na taon. [2], a figure also proposed by Myriam Wissa based on the unfinished state of Sekhemkhet's pyramid[3].Sa paggamit ng rekonstruksiyon ng Batong Palermo ng Ikalimang dinastiya ng Ehipto, itinakda ng Ehiptologong si Toby Wilkinson ang paghaharing 7 taon sa haring ito. Ito ay batay sa taon ng mga rehistrong naingatan sa Cairo Fragment I, register V.[4][5]. Gayundin, itinala ni Manetho si Sekhemkhet sa ilalim ng pangalang Tyreis at nagsaad na siya ay naghari ng 7 taon. Salungat dito, ang Ehiptologong si Nabil Swelim ay nagmungkahi ng 19 taon dahil naniniwala siyang si Sekhemkhet ay maaaring si Tosertasis binanggit ni Manetho.[6]. Gayunpaman, ang pananaw na ito ay hindi tinatanggap.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Alan H. Gardiner: The royal canon of Turin, Griffith Institute, Oxford 1997, ISBN 0-900416-48-3.
- ↑ Alan H. Gardiner: The Royal Canon of Turin, Griffith Institute, Oxford 1997, ISBN 0-900416-48-3, Vol. 2.
- ↑ Myriam Wissa: À propos du sarcophage de Sékhemkhet, in: Catherine Berger: Études sur l'Ancien empire et la nécropole de Saqqâra dédiées à Jean-Philippe Lauer, Orientalia Monspeliensia. Vol. 9, 2, Université Paul Valéry – Montpellier III, Montpellier 1997, ISBN 2-8426-9046-X, p. 445–448.
- ↑ Toby A. H. Wilkinson: Royal Annals of Ancient Egypt: The Palermo Stone and Its Associated Fragments. Kegan Paul International, London 2000, page 115.
- ↑ Toby A. H. Wilkinson: Royal Annals of Ancient Egypt: The Palermo Stone and Its Associated Fragments. Kegan Paul International, London 2000, page 79-80.
- ↑ Nabil Swelim: Some Problems on the History of the Third Dynasty, Archaeological and historical Studies, Vol. 7, ZDB-ID 800015-3, Archaeological Society of Alexandria, Alexandria 1983, p. 221