Sekhemre-Wepmaat Intef

Si Sekhemre-Wepmaat Intef (o Antef, Inyotef) ang hari ng Ikalabingpitong Dinastiya ng Ehipto nang ang Ehipto ay nahati sa dalawa na ang Mababang Ehipto ay pinamunuan ng Hyksos at ang Itaas na Ehipto ay pinamunuan ng Theban. Si Sekhemre-Wepmaat Intef ay minsang tinutukoy bilang Intef V,[2][3] at minsan ay Intef VI.[4] His nomen, Intef-aa, translates as "His father brought him, the great" or "Intef, the great."[5] Siya ay namuno mula sa Thebes, Ehipto at malamang ay inilibing sa isang libingan sa necropolis. Ang kanyang kabaong na rishi Louvre E 3019 ay natuklasan noong ika-19 siglo at natagpuang nag-iingat ng isang inskripsiyon na naghahayag na ang kapatid ng haring si Nubkheperre Intef ay naglibing at kaya ay humalili sa kanya sa trono.[6] Ang parehong sina Sekhemre-Wepmaat Intef at Nubkheperre Intef ang mga anak ng harin Sobekemsaf at pinakamalamang na si Sekhemre Shedtawy Sobekemsaf (Sobekemsaf II ngayon at hindi I) batay sa inkripsiyon mula sa isang hamba ng pinto mula sa ika-17 dinastiyang templo sa Gebel Antef.[7] Bagaman ang kanyang libingan ay hindi natagpuan, malamang na matatagpuan ito sa area ng Dra' Abu el-Naga' kung saan ang libingang pyramid ng kanyang kapatid na si Nubkheperre Intef ay natagpuan noong 2001.[8] Ang pyramidion ng pyramid ng pyramid ni Sekhemre-Wepmaat Intef ay natagpuan sa Dra' Abu el-Naga'. Ito ay may lihis na 60 digri at sinulatan ng mga pangalan ng haring ito.[2] [9]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Kim Ryholt, The Political Situation in Egypt during the Second Intermediate Period, CNI Publications, Copenhagen: Museum Tusculanum Press, 1997, p.204
  2. 2.0 2.1 Lehner, Mark. The Complete Pyramids. Thames & Hudson. 2008 (reprint). ISBN 978-0-500-28547-3
  3. Dodson, Aidan and Hilton, Dyan. The Complete Royal Families of Ancient Egypt. Thames & Hudson. 2004. ISBN 0-500-05128-3
  4. Chris Bennett, A Genealogical Chronology of the Seventeenth Dynasty, Journal of the American Research Center in Egypt, Vol. 39 (2002), pp. 123-155 JSTOR (Bennett quotes Beckerath as also referring to this king as Intef VI.)
  5. Intef Wepmaat Titulary
  6. Kim Ryholt, The Political Situation in Egypt during the Second Intermediate Period, CNI Publications, Copenhagen: Museum Tusculanum Press, 1997, p.270
  7. Ryholt, p.270
  8. Thomas Schneider, "The Relative Chronology of the Middle Kingdom and the Hyksos Period (Dyns. 12-17)" in Erik Hornung, Rolf Krauss & David Warburton (editors), Ancient Egyptian Chronology (Handbook of Oriental Studies), Brill, 2006. p.187
  9. Dodson, Aidan. The Tomb in Ancient Egypt. Thames and Hudson. 2008. p 208, ISBN 9870500051399