Sobekemsaf II
Si Sobekemsaf II (o mas angkop naSekhemre Shedtawy Sobekemsaf) ang hari ng Ikalabingpitong Dinastiya ng Ehipto nang ang Ehipto ay pinamunuan ng maraming mga hari. Ang kanyang pangalan sa trono na Sekhemre Shedtawy ay nangangahulugang "Makapangyarihan si Re, tagapagligtas ng Dalawang mga Lupain". [1] Pinaniniwalaan ngayon ng mga Ehiptologo na si Sobekemsaf II ama ng parehong sina Sekhemre-Wepmaat Intef at Nubkheperre Intef batay sa inskripsiyong nakaukit sa hamba ng pinto sa mga guho ng isang Ika-17 dinastiyang templo sa Gebel Antef na itinayo sa ilalim ni Nubkheperre Intef. Binanggit ng hamba ng pinto an gisang haring Sobekem[saf] bilang ama ni Nubkheperre Intef/Antef VII--(Antef na bugtong ni Sobekem...) [2] Siya ay may katiyakang ang prinsipe Sobekemsaf na pinatunayn bilang anak at itinalagang kahalili sa trono ni haring Sobekemsaf I sa Cairo Statue CG 386.[3] Ayon sa Abbott Papyrus ate Leopold-Amherst Papyrus na pinetsahan sa Taong 16 ni Ramesses IX, si Sekhemre Shedtawy Sobekemsaf inilibing kasama ng kanyang pangunahing reyna sa kanyang libingang maharlika.
Sekhemre Shedtawy Sobekemsaf | |
---|---|
Pharaoh | |
Paghahari | c.1570's BC (17th Dynasty of Egypt) |
Hinalinhan | Sobekemsaf I |
Kahalili | Sekhemre-Wepmaat Intef |
Konsorte | Nubkhaes |
Anak | Sekhemre-Wepmaat Intef, Nubkheperre Intef |
Ama | Sobekemsaf I |
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Peter Clayton, Chronicle of the Pharaohs, Thames and Hudson Ltd, paperback 2006. p.94
- ↑ mentioned by Kim Ryholt: The Political Situation in Egypt during the Second Intermediate Period c.1800-1550 B.C, pp.266-270 394 File 17/4.6 & p.270
- ↑ Daniel Polz, Der Beginn des Neuen Reiches. Zur Vorgeschichte einer Zeitenwende. Sonderschriften des Deutschen Archäologischen Instituts, Abteilung Kairo, 31. Berlin/New York: Walter de Gruyter, 2007. pp.49-50