Sementeryo
Ang sementeryo, binabaybay ding simenteryo, na kilala rin bilang huling hantungan, himlayan ng mga patay, kampo santo, at pantiyon ay isang uri ng libingan.[1][2] Isa itong pook kung sa inililibing ang mga patay na katawan at mga labi ng kremasyon. Ipinahihiwatig ng salitang sementeryo (na nagmula sa Griyegong κοιμητήριον: "pook na tulugan") na ang lupain ay partikular na inilaan bilang isang lupaing libingan. Ito ang lugar kung saan ginagawa ang panghuling mga seremonya. Nagkakaiba-iba ang mga rito o gawaing ito ayon sa gawaing pangkultura at paniniwalang pangpananampalataya.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Gaboy, Luciano L. Cemetery - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
- ↑ Blake, Matthew (2008). "Cemetery". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.