Ang severe acute respiratory syndrome–related coronavirus (SARSr-CoV[note 1]) ay isang species ng coronavirus na napag-alamang nagdudulot ng impeksiyon sa mga tao, paniki, at ilang mammal. Ang SARS-related coronavirus ay isang enveloped, positive-sense, single-stranded RNA virus na pumapasok sa ACE2 receptor ng host cell. Ito ay mas malapit na nauugnay sa group 2 coronavirus (Betacoronavirus).

Severe acute respiratory syndrome-related coronavirus
Illustration of a SARS-related coronavirus
Klasipikasyon ng mga virus e
(walang ranggo): Virus
Realm: Riboviria
Kaharian: Orthornavirae
Kalapian: Pisuviricota
Hati: Pisoniviricetes
Orden: Nidovirales
Pamilya: Coronaviridae
Sari: Betacoronavirus
Subgenus: Sarbecovirus
Espesye:
Severe acute respiratory syndrome-related coronavirus
Strains

SARS-CoV
SARS-CoV-2
Bat SARS-like coronavirus WIV1
Numerous other bat strains

SARSr-CoV is located in Italy
SARSr-CoV
Codogno, Italya, sentro ng tanging orihinal na outbreak[2][3]
Kasingkahulugan
  • SARS coronavirus
  • SARS-related coronavirus
  • Severe acute respiratory syndrome coronavirus[1]

Ang dalawang strain ng virus ay nagdulot ng outbreak ng malubhang sakit sa paghinga sa mga tao: SARS-CoV, na nagdulot ng outbreak ng severe acute respiratory syndrome (SARS) noong 2002 hanggang 2004, at SARS-CoV-2, na mula noong huling bahagi ng 2019 ay naging sanhi ng isang outbreak ng coronavirus disease 2019 (COVID-19). Ang parehong strain na nagmula sa iisang ninuno ngunit hiwalay na tumalon (cross-species jump) sa tao, at ang SARS-CoV-2 ay hindi isang tuwirang inapo ng SARS-CoV. Mayroong daan-daang ibang strain ng SARSr-CoV, ang lahat ng ito ay kilala lamang na makahawa sa mga species na di-tao: ang mga paniki ay isang pangunahing reservoir ng maraming strain ng SARS-related coronavirus, at ilang strain naman ay sa palm civet na ipapalagay naninuno ng SARS-CoV.

Ang SARS-related coronavirus ay isa sa ilang mga virus na natukoy ng WHO noong 2016 bilang maaaring magdulot ng epidemya sa hinaharap sa isang bagong plano na binuo pagkatapos ng epidemya ng Ebola para sa madaliang pananaliksik at pag-unlad bago at sa panahon ng isang epidemya patungo sa mga diagnostic test, bakuna at gamot. Ang prediksiyon ay nangyari sa ng outbreak ng coronavirus noong 2019-20.

Mga Tala

baguhin
  1. Ang mga terminong SARSr-CoV at SARS-CoV ay halinhinang ginagamit lalo na noong hindi pa nadidiskubre ang SARS-CoV-2.

Mga Sanggunian

baguhin
  1. "ICTV Taxonomy history: Severe acute respiratory syndrome-related coronavirus". International Committee on Taxonomy of Viruses (ICTV) (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal (html) noong 22 Pebrero 2020. Nakuha noong 27 Enero 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. https://news.sky.com/story/coronavirus-inside-the-ghost-towns-hit-by-italys-outbreak-11942939
  3. https://news.sky.com/story/coronavirus-warning-travelers-from-northern-italy-must-self-isolate-11942709