Reproduksiyong seksuwal

(Idinirekta mula sa Sexual reproduction)

Ang reproduksiyong seksuwal o seksuwal na pagpaparami ay ang uri ng reproduksiyon na nangangailangan ng dalawang selulang kasarian. Kabaligtaran ito ng reproduksiyong aseksuwal. Ang pagpaparaming seksuwal ay ang paglikha ng isang bagong organismo sa pamamagitan ng pagsasanib ng materyal na henetika ng dalawang mga organismo. Mayroong dalawang pangunahing mga proseso habang nagaganap ang reproduksiyong pampagtatalik o pangpagtatalik na pagpaparami. Ang mga ito ay ang meiosis, na kinasasangkutan ng paghahati sa bilang ng mga kromosom; at ang isa pa ay ang pertilisasyon, na kinasasangkutan ng pagsasapi-sapi ng dalawang mga gameto at ang restorasyon o pagpapanumbalik ng orihinal na bilang ng mga kromosom. Habang nagaganap ang meiosis, ang mga kromosom ng bawat paris ay pangkaraniwang tumatawid upang makamtan ang rekombinasyong homologo.

Sa unang yugto ng reproduksiyong seksuwal, ang tinatawag na meiosis, ang bilang ng mga kromosom ay nababawasan magmula sa bilang na diploid (2n) hanggang sa maging isang bilang na haploid (n). Habang nagaganap ang pertilisasyon, nagsasama-sama ang mga gametong haploid upang makabuo ng isang diploid na sigota (zygot) at muling napanunumbalik ang pinagsimulan o orihinal na bilang ng mga kromosom (2n).

Ang ebolusyon ng reproduksiyong seksuwal ay isang pangunahing palaisipan. Ang unang nakusilbang katibayan ng mga organismong nagtatalik upang makapagparami ay mula sa mga eurkaryota ng kapanahunang Istenyano, humigit-kumulang 1 hanggang 1.2 bilyong mga taon na ang nangagdaan.[1] Ang pagpaparaming seksuwal ay ang pangunahing paraan ng pagpaparami ng lahi para sa malawak na karamihan ng mga organismong makroskopiko, kabilang ang halos lahat ng mga hayop at mga halaman. Ang konhugasyong pambakterya (pagbabanghay na pangbakterya), o ang paglilipat ng DNA sa pagitan ng dalawang mga bakterya, ay kadalasang may kamaliang ikinalilito sa reproduksiyong seksuwal, dahil magkahalintulad ang tuntunin o mekaniks nila.

Iminumungkahi ng kaisipang ebolusyonaryo ang ilang mga paliwanag hinggil sa kung bakit umusbong at umunlad ang reproduksiyong seksuwal magmula sa dating reproduksiyong aseksuwal. Maaaring ito ay dahil sa presyon ng pagpili sa mismong klado - ang kakayahan para sa isang populasyon na yumabong nang mas matulin bilang tugon sa isang nagbabagong kapiligiran sa pamamagitan ng rekombinasyong seksuwal o seksuwal na muling pagsasanib kaysa sa pinapahintulot ng partenohenesis. Gayon din, ang reproduksiyong seksuwal ay nagpapahintulot ng pagpapakalansing ng ebolusyonaryong katulinan habang ang isang klado ay nakikipagtagisan laban sa isa pa para sa mga napagkukunang hindi sapat para sa dalawa.

Mga sanggunian

baguhin
  1. N.J. Buttefield (2000). "Bangiomorpha pubescens n. gen., n. sp.: implications for the evolution of sex, multicellularity, and the Mesoproterozoic/Neoproterozoic radiation of eukaryotes". Paleobiology. 26 (3): 386–404. doi:10.1666/0094-8373(2000)026<0386:BPNGNS>2.0.CO;2.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Biyolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.