Shilling ng Uganda
Ang shilling ng Uganda (tanda: USh; kodigo: UGX) ay isang pananalapi ng Uganda. Hanggang noong 2013, ito ay hinati sa 100 sentimos hanggang mawala na ito ng halaga.[1]
Shilling ng Uganda | |
---|---|
Shilingi ya Uganda (sa Swahili) | |
Kodigo sa ISO 4217 | UGX |
Bangko sentral | Bangko ng Uganda |
Website | Padron:Website |
User(s) | Uganda |
Pagtaas | 4.7% |
Pinagmulan | The World Factbook, 2014 est. |
Sagisag | USh |
Perang barya | |
Pagkalahatang ginagamit | 50, 100, 200, 500, 1,000 shilling |
Bihirang ginagamit | 1, 2, 5, 10 shilling |
Perang papel | 1,000, 2,000, 5,000, 10,000, 20,000, 50,000 shilling |
Kasaysayan
baguhinIpinakilala ang unang shilling ng Uganda noong 1966 na pamalit sa isang pananalapi na shilling ng Silangang Aprika sa parehong halaga. Dahil sa mataas na paglobo sa pananalaping iyon, ipinakilala noong 1987 ang pangalawang shilling ng Uganda (UGX).
Kadalasang matatag na pananalapi ang shilling at ginagamit bilang halos pangkalahatang transaksyon sa Uganda, na napakabisa sa palitan ng pananalaping banyaga na may mababang bilang ng bansang nagpapalit nito. Ginagamit ding pambayad ang dolyar ng Estados Unidos, pati na rin ang pound sterling at euro.
Binaba ang porsyento ng polisiya sa 22% noong ika-1 ng Pebrero 2012 pagkatapos bumaba ang paglobo nito sa 3 magkasunod na buwan.[2]
Barya
baguhinUnang shilling
baguhinIpinakilala ang unang serye ng barya para sa Uganda noong 1966 na may denominasyon na 5, 10, 20, 50 sentimo, 1 at 2 shilling. Gawa sa bronse ang mga baryang 5-, 10-, at 20-sentimong barya, at gawa naman sa tanso-nikel ang mga matataas na denominasyon. Inisyu lamang noong taong iyon ang baryang 2-silling. Inisyu naman noong 1976 ang baryang 5-shilling sa sirkulasyon, ngunit tinanggal ito sa sirkulasyon at bihira nang hanapin. Pinalitan naman sa bakal na tubog sa tanso ang mga baryang 5-, at 10-sentimos, at bakal na tubog sa tanso-nikel naman ang mga baryang 50-sentimo at 1-shilling.
Unang serye ng barya ng shilling ng Uganda | |||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|
Larawan | Halaga | Komposisyon | Diyametro | Timbang | Kapal | Gilid | Inisyu |
5 sentimo | tanso | 20 mm | 3.21 g | 1.38 mm | Makinis | 1966-1975 | |
5 sentimo | bakal na tubog sa tanso | 20 mm | 3.21 g | 1.2 mm | Makinis | 1976 | |
10 sentimo | tanso | 25 mm | 5 g | 1.5 mm | Makinis | 1966-1975 | |
10 sentimo | bakal na tubog sa tanso | 25 mm | 4.5 g | 1.5 mm | Makinis | 1976 | |
20 sentimo | tanso | 28 mm | 9.76 g | 2.07 mm | Makinis | 1966-1974 | |
50 sentimo | tanso-nikel | 22 mm | 4.60 g | 1.5 mm | Mala-tinubuan ng tambo | 1966-1974 | |
50 sentimo | bakal na tubog sa tanso-nikel | 22 mm | 4 g | 1.5 mm | Mala-tinubuan ng tambo | 1976 | |
1 shilling | tanso-nikel | 25.5 mm | 6.50 g | 1.5 mm | Mala-tinubuan ng tambo | 1966-1975 | |
1 shilling | bakal na tubog sa tanso-nikel | 25.5 mm | 6.50 g | 1.5 mm | Mala-tinubuan ng tambo | 1976 | |
2 shilling | tanso-nikel | 30 mm | 11.7 g | 1.5 mm | Mala-tinubuan ng tambo | 1976 | |
5 shilling | tanso-nikel | 30 mm (pitumsulok) | 13.5 g | 2 mm | Makinis | 1976 |
Ikalawang shilling
baguhinIpinakilala noong 1987 ang mga baryang gawa sa bakal na tubog sa tanso na 1- at 2-shilling at gawa sa hindi kinakalawang na bakal na 5- at 10-shilling. Hugis labindalawansulok ang mga baryang 1- at 2-shilling, samantala hugis pitunsulok naman ang mga baryang 5- at 10-shilling. Ipinakilala noong 1998 ang mga baryang 50, 100, 200, at 500 shilling. Kasalukuyang nasa sirkulasyon ang mga baryang 1, 2, 5, 10, 50, 100, 200, 500, at 1,000 shilling,[3] subalit ang mga baryang mababa sa 50 shilling ay hindi na halos ginagamit bilang pambayad dahil sa mababang halaga ng mga baryang iyon.
Barya ng ikalawang shilling ng Uganda | |||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|
Larawan | Halaga | Komposisyon | Diyametro | Timbang | Kapal | Gilid | Inisyu |
1 shilling | bakal na tubog sa tanso | 19.5 mm (12-sulok) | 4.30 g | 2.05 mm | Makinis | 1987 | |
2 shilling | bakal na tubog sa tanso | 24 mm (12-sulok) | 8 g | 2.45 mm | Makinis | 1987 | |
5 shilling | hindi kinakalawang na bakal | 22 mm (7-sulok) | 3.5 g | 1.2 mm | Makinis | 1987 | |
10 shilling | hindi kinakalawang na bakal | 26 mm (7-sulok) | 5.7 g | 1.3 mm | Makinis | 1987 | |
50 shilling | bakal na tubog sa nikel | 21 mm | 3.9 g | 1.8 mm | Makinis | 1998-2015 | |
100 shilling | tanso-nikel | 27 mm | 7 g | 1.73 mm | Mala-tinubuan ng tambo | 1998-2008 | |
100 shilling | bakal na tubog sa nikel | 27 mm | 6.6 g | 1.73 mm | Mala-tinubuan ng tambo | 2007-2019 | |
200 shilling | tanso-nikel | 25 mm | 8.5 g | 2.05 mm | Mala-tinubuan ng tambo | 1998-2003 | |
200 shilling | bakal na tubog sa nikel | 25 mm | 7.25 g | 2.05 mm | Mala-tinubuan ng tambo | 2007-2019 | |
500 shilling | Aluminyo-tanso | 23.5 mm | 9 g | 2.9 mm | Mala-tinubuan ng tambo | 1998-2019 | |
1000 shilling | Gitna: nikel na tubog sa nikel-tanso Argola: nikel-tanso |
27 mm | 10.25 g | 3 mm | Mala-tinubuan ng tambo, na may nakaletrang BOU 1000 nang pitong ulit sa gitna ng gilid nito |
2012 |
Salaping papel
baguhinUnang shilling
baguhinIpinakilala ng Bangko ng Uganda noong 1966 ang mga salaping papel na 5, 10, 20, at 100 shilling. Ipinakilala naman noong 1973 ang salaping papel na 50-shilling, na sinundan noong 1983 sa mga salaping papel na 500 at 1,000 shilling, at 5,000 shilling naman noong 1985.
Pangalawang shilling
baguhinIpinakilala noong 1987 sa panibagong pananalapi sa mga salaping papel na 5, 10, 20, 50, 100, at 200 shilling. Ipinakilala naman noong 1991 ang mga salaping papel na limandaan- at isanglibong-shiling, na sinundan noong 1993 ang salaping papel na limang libong shilling, sampung libong shilling naman noong 1995, dalawampung libong shilling noong 1999, limampung libong shilling noong 2003, at dalawang libong shilling noong 2010. Nasa kasalukuyang sirkulasyon ang mga salaping papel na 1,000, 2,000, 5,000, 10,000, 20,000, at 50,000 shilling. Ikinunsindera ng Bangko ng Uganda noong 2005 na papalitan ba ang salaping papel na 1,000 shilling sa barya nito. Ginagamit sa pang-araw-araw na paggamit ang mga mababang denominasyong salaping papel, na nagiging marumi at ang ilan dito ay masisira na.[4]
Inilabas ng Bangko ng Uganda noong ika-17 ng Mayo 2010 ang panibagong pamilya ng salaping papel na mayroong tampok na higit na marikit na makikita ang yamang-kasaysayan, kalikasan, at kultura ng Uganda. Inilagay din ang pinahusay na tampok-panseguridad. Makikita ang limang larawan sa lahat ng anim na denominasyon: disenyo ng banig ng Uganda, paggawa ng basket sa Uganda, ang mapa ng Uganda (kumpleto dahil mayroong linya ng ekwador), ang Monumento ng Kalayaan, at ang katawan ng lalaki na nakasuot ng bandanang Karimojong. Winika ni Emmanuel Tumusiime Mutebile, ang tagapangasiwa noon ng Bangko ng Uganda noong inilabas pa ang bagong serye ng salaping papel na: hindi nangangahulugang pagbabago sa pananalapi o politika ang kasalukuyang salaping papel na nasa sirkulasyon ngayon. Winika rin niya na ang pagbabago sa disenyo ng salaping papel ay nakikisabay sa pandaigdigang pagsasanay upang hindi makopya ng mga mapagbalatkayo. Uganda rin ang unang bansa sa Aprika na gumamit ng tampok-panseguridad sa salaping papel na SPARK[5] na ginamit sa regular na serye ng salaping papel. Isang optikal na tampok-panseguridad ang SPARK na kilala sa mga bangko sentral sa daigdig at ito ay ginagamit sa mga salaping papel upang hindi makopya ng mga mapagbalatkayo.
Kasalukuyang serye
baguhinKasalukuyang serye ng salaping papel ng Uganda | |||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Larawan | Halaga | Sukat | Pangunahing kulay | Paglalarawan | Taon | ||||
Harapan | Likuran | Harapan | Likuran | Taon ng unang paggawa ukol sa sirkulasyon | Pagwawalang-bisa sa sirkulasyon | ||||
1000 shilling | 130 × 63 mm | Kayumanggi | Tanawin ng isang bundok | Antilope sa loob ng mapa ng bansa sa gitnang bahagi. Mga guhit ng antilope sa kanan. | ika-17 ng Mayo 2010 | Hindi pa | |||
2000 shilling | 134 × 66 mm | Bughaw | Tanawin ng isang ilog | Isda sa loob ng mapa ng bansa sa gitnang bahagi na mayroong guhit ng mga isda sa kanang bahagi. | |||||
5000 shilling | 139 × 68 mm | Luntian | Monumento sa pagpapaalala noong ikalawang digmaang pandaigdig | Pugad ng ibon sa loob ng mapa ng bansa sa gitnang bahagi na mayroong guhit ng mga ibon sa kanang bahagi. | |||||
10,000 shilling | 142 × 70 mm | Lila | Isang estatwa sa kaliwang bahagi at isang tanawing tubig sa kanang bahagi | Puno ng saging sa loob ng mapa ng bansa sa gitnang bahagi na mayroong guhit ng mga estatwa ng mga puno sa kanang bahagi. | |||||
20,000 shilling | 147 × 72 mm | Iskarleta | Monumento ng sentenaryo sa Kampala sa kaliwang bahagi at parke ng sentenaryo sa kanang bahagi | Watusi cattle sa loob ng mapa ng bansa sa gitnang bahagi na mayroong guhit ng mga Watusi cattle sa kanang bahagi. | |||||
50,000 shilling | 151 × 74 mm | Dilaw | Monumento ng Stride sa Kampala sa kaliwang bahagi at tropikal na gubat-ulan ng Bwindi sa kanang bahagi | Mga gorilya sa loob ng mapa ng bansa sa gitnang bahagi na mayroong guhit ng mga gorilya sa kanang bahagi. |
Mga sanggunian
baguhin- ↑ https://www.investopedia.com/terms/forex/u/ugx-uganda-shilling.asp
- ↑ "Uganda shilling little changed but seen weakening". Reuters. Inarkibo mula sa orihinal noong 30 Marso 2020. Nakuha noong 26 Hunyo 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Currency – Bank of Uganda". www.bou.or.ug. Bank of Uganda. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-10-01. Nakuha noong 2021-06-27.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Choose sh1000 coins". newvision.co.ug (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2 Hulyo 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "SPARK trademark registration" (sa wikang Ingles).