Balikat
(Idinirekta mula sa Shoulder)
Sa anatomiya ng tao, bumubuo ang hugpungan ng balikat[1] (Ingles: shoulder joint) sa bahagi ng katawan kung saan dumirikit ang humero sa paypay.[2] Tumutukoy ang balikat (Ingles: shoulder) sa pangkat ng mga kayariang nasa rehiyon ng hugpungang ito.[3] Binubuo ito ng tatlong mga buto: ang balagat (buto ng kuwelyo), ang paypay (iskapula o "talim ng balikat"), at ang humero (buto ng pang-itaas na bisig), pati na ng kaugnay na mga masel, mga ligamento, at mga tendon. Ang mga artikulasyon o hugpungan sa pagitan ng mga buto ng balikat ang bumubuo sa mga hugpungan ng balikat.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Gaboy, Luciano L. Shoulder - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
- ↑ Shoulder+joint sa eMedicine Dictionary
- ↑ Shoulder sa eMedicine Dictionary
Ang lathalaing ito na tungkol sa Anatomiya at Tao ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.