Ang sikosis o psychosis (mula sa Griyegong ψυχή "psyche", isipan/kaluluwa at -ωσις "-osis", abnormal na kondisyon) ay tumutukoy sa abnormal na kondisyon ng isipan at isang henerikong terminong sikayatriko para sa estado ng isipan na kadalasang inilalarawan bilang "kawalan ng kaugnayan sa realidad". Ang mga taong dumaranas nito ay inilalarawang sikotiko. Ang sikosis ay terminong ibinigay sa mas malalang mga anyo ng mga anyo ng sakit na sikayatriko na ang mga halusinasyon at/o delusyon, karahasan at huminang kabatiran ay maaaring mangyari.

Psychosis
EspesyalidadSikiyatriya, clinical psychology Edit this on Wikidata

Mga sintomas

baguhin

Mga halusinasyon

baguhin

Ang mga halusinasyong naririnig ang mga naririnig na tinig o boses sa ulo ng meron nito na isang karaniwang katangian ng sikosis. Sila ay maaaring nakakakita ng mga bagay o entidad na hindi tunay.

Mga delusyon

baguhin

Ang mga delusyon ang mga maling paniniwala ng isang meron nito sa kabila ng mga ebidensiyang sumasalungat sa maling paniniwalang ito. Kabilang sa mga delusyon (maling paniniwala) nito ang delusyon na paranoid, delusyon ng pag-uusig, at delusyon ng kadakilaan. Ang mga delusyon ng pag-uusig o paranoid ay kinabibilangan ng paniniwalang sila ay kinokontrol ng ibang tao, nilalason, dinadaya, hinaharass, pinapadalhan ng mga mensahe ng mga tao sa telebisyon o ang kanilang mga kaisipan ay isinasahimpapawid ng mga himpilan ng radyo. Ang mga delusyon ng kadakilaan ang paniniwalang sila ay isang superior o napaka-dakilang indibdwal gaya ng pagkakaroon ng tumaas o labis na kapangyarihan, katalinuhan, kayamanan o kasikatan. Kabilang dito ang paniniwalang sila ay Diyos, mesiyas, tagapagligtas, santo o isang pinili.

Mga diperensiyang sikayatriko

baguhin

Ang mga pangunahing sanhing sikayatriko ng sikosis ay kinabibilangan ng:[1][2][3]

Ang mga sintomas na sikotiko ay maaari ring makita sa [3]

Mga sanggunian

baguhin