Aklatan

(Idinirekta mula sa Silid-aklatan)

Ang aklatan ay isang silid o gusaling may koleksiyon ng mga aklat. Madalas itong puntahan ng mga taong ninanais na huwag bumili o di kaya ay walang pambili ng aklat. Karaniwan ay may mga koleksiyon din ng pahayagan at mga magazine sa mga aklatan.

Aklatan

Ang koleksiyon ng aklatan ay maaari rin namang kapalooban ng mga produkto ng makabagong teknolohiya gaya ng mga CD, DVD, audio tapes, video tapes at iba pang multimedia. Sa makabagong panahon, ang mga modernong mga aklatan ay nakapaghahandog narin ng serbisyo ng internet sa kanilang mga kliyente.

Kasaysayan ng aklatan

baguhin

Ayon sa mga arkeologo, ang mga sinaunang sibilisasyon na nagkaroon ng sistema sa pagaayos at paghahawi-hawi ng mga impormasyon ay ang mga Assyrian. Sinasabi na noong ika 3000 taon BC, pinasinayaan ng mga Sumeryan ang pag kaklasipika ng kanilang mga sulating ginagamitan ng cuneiform na nakalimbag sa mga biga ng mga luwad (clay tablets). Natuklasan naman ng mga arkeologo ang isang laksa ng mga papyrus scroll na halos nailimbag noon pang 1300-1200BC sa mga siyudad ng Armana at Thebes sa Ehipto.

Ang aklatan ng Alexandria sa Ehipto ang sinasabing pinakatanyag at pinakapabolosong aklatan sa lahat ng panahon. Ito ay isang pampublikong aklatan na ang pinapahintulutang makapunta ay mga edukado at mataas ang antas sa kanilang lipunan. Linayon ng mga bumubuo sa aklatan na mapasakanila ang lahat ng uri ng aklat na nakalimbag sa buong mundo kung kaya't may mga palagay na ang lahat ng uri ng aklat na makita sa mga mamamayan ay kinukumpiska at inilalatag sa aklatan. Ang mga hari ng Ehipto sa mga panahong yaon ay kinabibilangan ng ilang henerasyon ng mga Ptolemy na ayon sa mga iskolar ay gumamit ng pandaraya upang makakuha ng mga orihinal na manuskripto nina Aeschylus, Sophocles and Euripides galing sa mga matataas na opisyal ng mga Athenian. Gumamit sila ng mga pilak upang pang deposito sa mga hiniram na mga manuskripto, subalit sa kanilang pagsauli, ang mga manuskripto ay kanila na lamang pinalitan ng mga kinopyang akda at kanilang inari ang mga orihinal na gawa. Sinasabing ang pabolosong aklatan ng Alexandria ay naglaman ng humigit kumulang 750,000 scrolls.

Tingnan din

baguhin

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.