Siling haba

(Idinirekta mula sa Siling mahaba)

Ang siling haba o siling mahaba (tinatawag ding siling pangsigang at siling Tagalog), ay isa sa 2 karaniwang uri ng sili na likas na matatagpuan sa Pilipinas, ang isa ay ang siling labuyo.

Siling haba
Siling haba
SariCapsicum
EspesyeCapsicum annuum
Kultibar'Siling haba'
Kaanghangan Maanghang
Sukatang Scoville50,000 SHU

Ang bunga ng siling haba ay lumalaki ng 5 hanggang 7 sentimetro ang haba, at kulay matingkad na berde. Bagaman may taglay na anghang, ito ay katamtaman lang at mas kaunti ang pagka-anghang kumpara sa siling labuyo.[1]

Ang siling haba ay karaniwang isinasangkap sa mga lutuing Pinoy, na pinapaanghang ang mga ulam gaya ng sinigang, dinuguan, pinangat, kilawin, paksiw, at sisig.

Mga Sanggunian

baguhin
  1. Fernandez, Doreen. (1994). Tikim: Essays on Philippine Food and Culture. Anvil Publishing. p. 248. ISBN 971-27-0383-5. Nakuha noong 2010-01-27.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)


  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.