Silvio Berlusconi

Italyanong politiko (1936–2023)

Si tungkol sa tunog na ito Silvio Berlusconi  (29 Setyembre 1936 – 12 Hunyo 2023) ay isang politiko sa Italya, negosyante, makapangyarihang mangangalakal ng mga lupain at pagseseguro, nag-mamay-ari ng mga bangko at midya at may-ari din ng isang koponan sa palakasan. Siya ang pangalawang pinakamahabang nagsilbi bilang Punong Ministro ng Republika ng Italya (Pangulo ng Konseho ng mga Ministro ng Italya), isang puwesto na kanyang inupuan sa tatlong magkakahiwalay na panahon: mula 1994 hanggang 1995, mula 2001 hanggang 2006 at mula 2008 hanggang 2011.[a] Pinuno siya ng kilusang pampolitika na Ang Mga Tao ng Kalayaan (People of Freedom), isang gitnang-kanan na partido na tinatag niya noong 2009. Naging daan sa kanyang pangatlong termino ang pagkapanalo niya sa pangkalahatang halalan noong 2008. Sa panahon ng kanyang katungkulan, siya ang nakakatandang pinuno ng G8 at ang pinakamatagal na nagsilbing pinuno ng isang bansang G8 noong panahong iyon.


Silvio Berlusconi
Punong Ministro ng Italya
Nasa puwesto
8 Mayo 2008 – 16 Nobyembre 2011
PanguloGiorgio Napolitano
Nakaraang sinundanRomano Prodi
Sinundan niMario Monti
Nasa puwesto
11 Enero 2001 – 17 Mayo 2006
PanguloCarlo Azeglio Ciampi
DiputadoGiulio Tremonti
Gianfranco Fini
Marco Follini
Nakaraang sinundanGiuliano Amato
Sinundan niRomano Prodi
Nasa puwesto
27 Abril 1994 – 17 Enero 1995
PanguloOscar Luigi Scalfaro
DiputadoGiuseppe Tatarella
Roberto Maroni
Nakaraang sinundanCarlo Azeglio Ciampi
Sinundan niLamberto Dini
Ministro ng Ugnayang Panlabas ng Italya
Pansamantala
Nasa puwesto
6 Enero 2002 – 14 Nobyembre 2002
Nakaraang sinundanRenato Ruggiero
Sinundan niFranco Frattini
Ministro ng Ekonomiya at Pananalapi ng Italya
Pansamantala
Nasa puwesto
3 Hulyo 2004 – 16 Hulyo 2004
Nakaraang sinundanGiulio Tremonti
Sinundan niDomenico Siniscalco
Ministro ng Kalusugan ng Italya
Pansamantala
Nasa puwesto
10 Marso 2006 – 17 Mayo 2006
Nakaraang sinundanFrancesco Storace
Sinundan niLivia Turco
Kasapi ng Kapulungan ng mga Diputado sa Italya
Nasa puwesto
21 Abril 1994 – 13 Abril 2008
KonstityuwensyaXIX - Campania I
Kasapi ng Kapulungan ng mga Diputado sa Italya
Kasalukuyang nanunungkulan
Unang araw ng panunungkulan
14 Abril 2008
KonstityuwensyaXVIII - Molise
Personal na detalye
Isinilang29 Setyembre 1936(1936-09-29)
Milan, Italya
Yumao12 Hunyo 2023(2023-06-12) (edad 86)
San Raffaele Hospital Milan, Italy
Partidong pampolitikaAng Mga Tao ng Kalayaan (People of Freedom)
AsawaCarla Dall'Oglio (1965)
Veronica Lario (1985)
AnakMarina Berlusconi
Pier Silvio Berlusconi
Barbara Berlusconi
Eleonora Berlusconi
Luigi Berlusconi
TahananArcore, Italy
Alma materPamantasan ng Milan
PropesyonPolitiko
Negosyante
Net worth$9.4 bilyon USD [1]

Noong Agosto 1, 2013, si Berlusconi ay nahatulan ng pandaraya sa buwis ng Korte Suprema ng Kasasiyon. Ang kanyang apat na taong pagkakulong ay nakumpirma, at siya ay pinagbawalan na humawak ng pampublikong katungkulan sa loob ng dalawang taon. Sa edad na 76, siya ay hindi nahatulan ng direktang pagkakakulong, at sa halip ay nagsilbi sa kanyang sentensiya sa pamamagitan ng paggawa ng walang bayad na serbisyo sa komunidad.[2] Ang tatlong taon ng kanyang sentensiya ay awtomatikong napatawad sa ilalim ng batas ng Italyano; dahil siya ay nasentensiyahan ng matinding pagkakulong ng higit sa dalawang taon, siya ay pinagbawalan na humawak ng pambatasan sa loob ng anim na taon at pinatalsik sa Senado.[3][4] Nangako si Berlusconi na mananatiling pinuno ng Forza Italia sa kabuuan ng kanyang sentensiya sa kustodiya at pagbabawal sa pampublikong opisina.[2][5] Pagkatapos ng kanyang pagbabawal, tumakbo si Berlusconi at nahalal bilang isang MEP sa 2019 European Parliament election. Bumalik siya sa Senado matapos manalo ng puwesto noong pangkalahatang halalan ng 2022,[6] pagkatapos ay namatay noong sumunod na taon mula sa mga komplikasyon ng talamak na leukemia, at binigyan ng state funeral.[7]

Mga nota

baguhin
  1. Sa teknikalidad, apat na beses na sumumpa si Berlusconi dahil pagkatapos ng isang pagbabago ng ayos sa gabinete, na nangyari kay Berlusconi noong 2005, isang bagong ministeryo ang nanumpa at pinadaan sa isang boto ng pagtitiwala.

Mga sanggunian

baguhin
  1. The World's Billionaire -#90 Silvio Belusconi at ang pamilya, Forbes, 5 Marso 2008
  2. 2.0 2.1 Parks, Tim (24 Agosto 2013). "Holding Italy Hostage". The New York Review of Books. Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Oktubre 2013. Nakuha noong 6 Setyembre 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Italy's Senate expels ex-PM Silvio Berlusconi". BBC. 27 Nobyembre 2013. Inarkibo mula sa orihinal noong 30 Nobyembre 2013. Nakuha noong 21 Agosto 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Italian senators debate Berlusconi expulsion". BBC. 9 Setyembre 2013. Inarkibo mula sa orihinal noong 18 Abril 2014. Nakuha noong 10 Setyembre 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Moody, Barry (18 Setyembre 2013). "Berlusconi vows to stay in politics as ban approaches". Reuters. Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Oktubre 2013. Nakuha noong 18 Setyembre 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Silvio Berlusconi, 85, makes TikTok debut with appeal to young voters". The Guardian. 2 Setyembre 2022. Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Setyembre 2022. Nakuha noong 3 Setyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Former Italian Premier Silvio Berlusconi honored with state funeral". NBC News. 14 Hunyo 2023. Inarkibo mula sa orihinal noong 31 Hulyo 2023. Nakuha noong 16 Hunyo 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)


   Ang lathalaing ito na tungkol sa Politiko at Italya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.