Simbolismo ng tunog
Sa lingguwistika, ang simbolismo ng tunog (sa Ingles: sound symbolism o phonesthesia o phonosemantics) ay ang ideya na ang mga tunong ng boses o phoneme ay nagbibigay kahulugan sa sarili nito. Ayon sa teoryang ito, mayroong natural na relasyon ang tunog ng salita at ang ibig sabihin ng isang salita.
Nakatutulong ang simbolismo ng tunog sa pagiging mas epektibo ng mga tula. Mayroong iba't ibang estilo na ginagamit ng mga manunulat sa kanilang mga tula. Kabilang sa mga ito ay ang onomatopoeia, consonance at assonance.
Onomatopoeia
baguhinAng onomatopoeia ay tumutukoy sa mga salita na katunog ng bagay na tinutukoy nito. Halimbawa, ang salitang "meow" na ka-tunog mismo ng tunog na nililikha ng pusa at siyang salita na ginagamit upang tukuyin ito. Iba pang halimbawa ng salitang onomapatopoeic sa Ingles ay: whoosh, drizzle, oink at iba pa.
Madalas na ginagamit ang mga salitang onomatopoeic sa mga awiting pambata sa Ingles katulad ng Baba Baa Black Sheep at Crack an egg.
Consonance at assonance
baguhinAng alliteration ay ang pag-ulit ng isang tunog sa isang pangungusap. Mayroong tinatawag na consonance o ang paguulit ng isang tunog consonant o katinig, at assonance o ang pag-uulit ng isang tunong patinig.
Ang mga sumusunod ay gumagamit ng alliteration:
- "Prioress’ Tale" mula sa Canterbury Tales ni Chaucer
- "Come down, o maid" ni Sir Alfred Tennyson
Sa pagkakataon namang ito, ang pag-uulit ng /m/ at /r/ pati na rin ang /u/ at /o/ ay nagpapalawig ng pagiging tunog murmur o lagaslas.
Kasaysayan
baguhinItinatag ni Ferdinand de Saussure, ang Ama ng Modernong Lingguwistika, ang konsepto ng l’arbitraire du signe o "ang babala ay ayon lamang sa sariling kagustuhan" na nangangahulugang ang bawat salita ay walang tinataglay na relasyon sa bagay na tinutukoy nito. Para kay Saussure, ang mga salita ay imbensiyon lamang ng mga tao na gumagamit nito, at nagiging opisyal lamang dahil sa kumbensiyon. Walang direktang relasyon ang isang salita sa ibig sabihin nito, o ang bagay na tinutukoy nito. Nagkasundo lamang ang mga tao na gumamit ng kombinasyon ng mga tunog upang makabuo ng isang tanda.
Sa kabilang banda, nauna nang iminungkahi ni Plato na hindi totoong arbitraryo lamang ang mga tandang na ito, dahil ayon sa kanya ay mayroong relasyon ang salita sa bagay na tinutukoy nito. Sa wikang Griyego ay sinabi niya ang sumusunod:
"Ang lahay ay mayroong pangalan sa kanyang sarili na nagmumula sa kalikasan. Ang pangalan ay hindi kung ano lamang itawag ng tao sa isang bagay sa pamamagitan ng pagsang-ayon, isa lamang piraso ng kanilang sariling boses na nilalapat sa bagay, ngunit may isang uri ng likas na pagtatama na katulad sa lahat ng tao, pareho sa mga Griyego o mga banyaga."
Gayundin naman si Lucretius na nagwikang:
“Ang mga taong na nag-iisip na may ilang indibiduwwal na maaring, sa kanyang sarili, nakaimbento ng mga salita sa kanilang sariling kagustuhan ay nagsasalita ng walang kabuluhan."
Maraming na ring mga bantog na mag-aaral ng lingguwistika ang nagbigay ng kanilang ideya tungkol sa usapin na ito. Noong taong 1995, pinagsasama sama ni Robin Allot ang mga nauna nang sinabi ng mga awtoridad sa lingguwistika sa kanyang pag-aaral, at binigay ang ganitong depinisyon para sa simbolismo ng tunog:
"Ang simbolismo ng tunog ay isang pakiramdam ng likas na ugnayan sa pagitan ng kayarian at kahulugan ng salita"
Ibig sabihin, nagtataglay ng pakiramdam ng natural na relasyon ang mga salita sa ibig sabihin ng salita.