Ang sinarapan o tabyos (Mistichthys luzonensis) ay pinakamaliit na isdang pangkalakalan (commercial) na inaani na matatagpuan lamang sa Pilipinas. Endemiko ito sa Rehiyon ng Bikol, partikular sa Lawa ng Buhi, Lawa ng Bato, Ilog ng Bikol at ibang bahagi ng tubig sa lalawigan ng Camarines Sur.

Sinarapan
Katayuan ng pagpapanatili
Klasipikasyong pang-agham edit
Dominyo: Eukaryota
Kaharian: Animalia
Kalapian: Chordata
Hati: Actinopterygii
Orden: Gobiiformes
Pamilya: Oxudercidae
Sari: Mistichthys
Espesye:
M. luzonensis
Pangalang binomial
Mistichthys luzonensis
Smith, 1902

Isang uri ng goby ang sinarapan at nanganganinag sila, maliban sa mga itim na mata. Karaniwang nasa 12.5 milimetro ang haba nito at mas maliit ang lalaki kaysa babae.

Sa ngayon, nanganganib ang sinarapan na maglaho dahil sa labis na pangingisda.

Isdang Sinarapan na ibinebenta sa palengke ng Buhi, Camarines Sur
Tuyong sinarapan sa palengke ng bayan ng Buhi sa Camarines Sur

Sanggunian

baguhin

Tingnan din

baguhin

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.