Sinibaldo de Mas
Si Sinibaldo de Mas y Sanz (ipinanganak noong 1809, Barcelona – namatay noong 1868, Madrid) ay isang kilalang diplomata ng pamahalaan ng Espanya sa Asya noong ika-19 siglo. Bilang adbenturero at makata, sinimulan niya ang potograpiya sa Pilipinas noong 1841. Isa rin siyang embahador ng Espanya sa Macau, Tsina.[1]
Sinibaldo de Mas y Sanz | |
---|---|
Kapanganakan | 1809 Barcelona, Espanya |
Kamatayan | 1868 Madrid, Espanya |
Trabaho | Diplomata, embahador, litratista, makata, manlalakbay |
Pagkamamamayan | Espanya |
Sa Pilipinas
baguhinNilisan ni De Mas ang Espanya noong 1834. Nagnegosyo si De Mas sa pamamagitan ng pagkuha ng mga larawan Sa loob ng kaniyang dalawa at kalahating pagtigil sa Pilipinas, dahil sa kakulangan ng suportang pinansiyal mula sa pamahalaang Espanya. Pinaniniwalaan na maaaring nabili ni De Mas ang kanyang kamera (isang daguerreotype) mula sa Espanya o mula sa Bengala, Indiya noong 1839. Isinulat niya ang Informe sobre el estado de las Filipinas en 1842 (Isang Report Hinggil sa Kalagayan ng Pilipinas noong 1842).
Mga sanggunian
baguhinIba pang mga sanggunian
baguhin- Sinibaldo de Mas, Wikipedia sa Wikang Kastila, es.Wikipedia.org, isinangguni noong: 11 Agosto 2007
- Rocamora, Jose Antonio. El nacionalismo ibérico: 1732-1936 (Nasyonalismong Iberyano: 1732-1936), Palimbagan ng Pamantasan ng Valladolid (wika: Kastila).
Mga panlabas na link
baguhin- Larawan ni Sinibaldo de Mas Naka-arkibo 2007-09-27 sa Wayback Machine. sa Seacex.es