Ang sining sa kalye (sa Ingles: street art) ay isang sining biswal na nilikha sa mga pampublikong lokasyon, karaniwang likhang sining na hindi napapahintulang ginagawa sa labas ng konteksto ng mga tradisyunal na sining.[1] Sumikat ang katagang ito sa panahon ng pagputok ng sining na graffiti noong unang bahagi ng dekada 1980 at patuloy na ilalapat sa mga kasunod na anyo. stencil graffiti', wheatpasted poster art o sticker art, pop up art" at street installation o eskultura ay karaniwang anyo ng modernong sining sa kalye. Video projection, yarn bombing at lock on sculpture ay naging uso sa ika-21 na siglo.

Ang Pader ng Berlin sa Alemanya (noong 1986) ay tampulan ng mga alagad ng sining noong naroon pa ang pader (1961–1989)

Ang mga salitang urban art, guerrilla art, post-graffiti at neo-graffiti ay minsan ginagamit din kappa tinutukoy ang sining na ginawa sa mga ganitong konteksto. Ang tradisyunal na gawang sining na spray-painted graffiti mismo ay madalas na kasama sa kategoryang ito, maliban sa graffiti ne teritoryal o purong bandalismo.

Mga pintor na pumili ng mga lansangan bilang kanilang galeriya ay madalas nagmula sa isang kagustuhang paggawa upang makipag-usap nang direkta sa publikong malakihan, libre mula sa pinaghihinalaang pormal na paligid ng mundo ng sining. Ang alagad ng sining sa kalye o street artist ay minsan nagpapakita ng mga gawa na kaugnay sa lipunan na naglalaman din ng estetikong halaga, upang makaakit ng pansin sa isang layunin o bilang isang anyo ng art provocation.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Street art". HiSoUR. Nakuha noong 9 Pebrero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)