Sinterklaas

(Idinirekta mula sa Sint)

Si Sinterklaas [sɪntər'klaːs] (o mas pormal na Sint Nicolaas o Sint Nikolaas; Saint Nicolas sa Pranses; Sankt Nikolaus sa Aleman) ay isang tradisyunal na pigura ng kapistahang pangtaglamig na ipinagdiriwang pa rin magpahanggang sa ngayon sa Mga Bansang Mababa, kabilang na ang Olanda, Belhika at Luksemburgo, pati na ang Alemanya, mga Pranses na bahagi ng Flanders at Artois. Kilala rin siya sa mga teritoryo ng dating Imperyo ng Olanda, kabilang na ang Aruba, Suriname, Curaçao, Bonaire, at Indonesia. Isa siya sa napagkunan ng pigurang Pamasko na si Santa Claus ng Hilagang Amerika.[1]

Bagaman karaniwan siyang tinutukoy bilang si Sinterklaas, nakikilala rin siya bilang De Goedheiligman ("Ang Lalaking Mabait at Banal"), Sint Nicolaas [sɪnt 'nikolaːs] [bigkas [Nl-Sint Nikolaas2.ogg]] (San Nicolas) o payak na bilang De Sint (Ang Santo).

Taun-taon, ang kaniyang kapistahan ay ipinagdiriwang tuwing bisperas ni San Nicolas (ika-5 ng Disyembre) sa Olanda o tuwing umaga ng ika-6 ng Disyembre sa Belgium at Hilagang Pransiya. Sa simula, ipinagdiriwang ng kapistahan ang araw ng pangalan ni San Nicolas – patrong santo ng mga bata, mga mandaragat, at ng lungsod ng Amsterdam, sa piling ng iba pa. Dahil sa si Sint Nicholas ay isang obispo, at ang kasaklawang pangheograpiya na ito, ay nakapagpapalinaw na ang anyo ng kapistahang ito ay mayroong simulain mula sa Katoliko Romano.

Ang malalapit na may kaugnayang mga katauhan ay nakikilala rin sa Europang nagsasalita ng Aleman at mga teritoryong pangkasaysayang naimpluwensiyahan ng kulturang Aleman, kabilang na ang Switzerland (Samichlaus), Alemanya at Austria (Sankt Nikolaus); ang rehiyon ng Timog Tyrol ng Italya; Nord-Pas de Calais, Alsace at Lorraine ng Pransiya – pati na ang Luksemburgo (De Kleeschen), mga bahagi ng Gitnang Europa at Kabalkanan.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Sdtaff (walang petsa). "Saint Nicholas, Sinterklaas, Santa Claus" Naka-arkibo 2011-05-13 sa Wayback Machine., livius.org, nakuha noong 5 Disyembre 2012.