Sinugbang karneng baka

Ang sinugbang karneng baka (Ingles: roast beef) ay inihaw, binusa, o nilitsong mga hiwa, piraso, o lapang ng karne ng baka. Tinatawag din itong sinalab na karneng baka o pinais na karneng baka.[1] Isinasagawa ang pag-iihaw sa loob ng isang hurnuhan. Karaniwang inihahain ito sa loob o nakapalaman sa mga tinapay. Minsan ring ginagamit ito upang gumawa ng mga giniling na karneng hinaluan ng mga patatas (hash kung tawagin sa Ingles). Sa Inglatera, Canada, Ireland, at Australia, isa ang sinugbang karne ng baka sa mga karneng nakaugaliang isinisilbi sa Panglinggong Hapunan. Isang tradisyunal na kasama o panggilid na ulam sa sinalab na karneng baka ang puding na Yorkshire.

Sinugbang karneng baka
Kursopangunahing ulam
LugarInglatera
Ihain nangMainit o malamig
Pangunahing SangkapKarneng baka

Mga sanggunian

baguhin
  1. Gaboy, Luciano L. Batay sa kahulugan ng roast - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.

   Ang lathalaing ito na tungkol sa Pagkain at Pagluluto ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.