Ang Hukou (Tsinong pinapayak: 户口; Tsinong tradisyonal: 戶口; pinyin: hùkǒu) o huji (Tsinong pinapayak: 户籍; Tsinong tradisyonal: 戶籍; pinyin: hùjí) ay tumutukoy sa sistema ng pahintuloy sa paninirahan na nag-ugat pa noong dating Tsina, kung saan ang pagpapatala ng sambahayan ay itinatakda nang batas sa Republikang Popular ng Tsina at Republika ng Tsina (Taywan).

Dahil sa opisyal na pagpapatala ng sambahayan malalaman kung saan nakatira ang isang tao pati na rin ang pangalan, kapanganakan, pangalan ng magulang, at pangalan ng asawa kung kasal.

Maaari ring tumukoy ang hukou sa rehistro ng pamilya sa maraming konteksto dahil na rin ang pagpapatala ng sambahayan (Tsinong pinapayak: 户籍誊本; Tsinong tradisyonal: 戶籍謄本; pinyin: hùjí téngběn) ay iniisyu bawat pamilya, at kalimitang kasama ang kapanganakan, kamatayan, mga kasal, pakikipaghiwalay, at mga galaw, ng bawat kasapi ng pamilya. May mga katulad na pagpapatala ng sambahayan na nagaganap sa istrukutura ng pampublikong mga pamamahala sa Hapon na (koseki), Biyetnam (Hộ khẩu), at Hilagang Korea (Hoju). Sa Timog Korea binasura na ang sistemang Hoju noong 1 Enero 2008.

Mga katawagan

baguhin

Ang pormal na pangalan ng sistema ay "huji." Sa loob ng sistemang huji, ang "hukou" ay rehistradong kalagayan ng paninirahan ng isang tao sa sistema. Mas malimit na ginagamit ang "Hukou" sa pang-araw-araw na usapan.


Mga sanggunian

baguhin

Mga kawing panlabas

baguhin